John Prats at John Lloyd Cruz, malalim ang hidwaan?!

MUKHANG MATATAGALAN BAGO magkabati sina John Prats at John Lloyd Cruz. Kausap kasi namin si Prats bago mag-ASAP at ang sabi niya sa amin, ‘pag nagkikita sila ni Lloyd ay nagkakatanguan lang sila, that’s it.

Pero ‘yung tsikahan pa or anything, wala na raw. “Para ano? I mean, hindi na lang ako papatol, Tito Ogs!”

Me gano’ng factor, ha? Oh, well… pareho naming “anak-anakan” sina Pratty at Lloydie, kaya sana, wish lang namin na magkabati sila.

PERO ANO BA talaga ang isyu?

Ang sabi: si Shaina Magdayao na syota ni John Prats ay na-involve kay John Lloyd, kaya nakipag-split daw itong si Pratty kay Shaina.

Meron namang isang isyu na alam daw ni Prats na siya ang nangaliwa at hindi si Shaina, kaya ‘wag daw gamitin ni Prats ‘yung porke naging close lang sina Shaina at John Lloyd.

Oh, well… gano’n naman usually, eh. ‘Pag ‘yung isa ang kinausap mo, ang pabor lang sa kanya ang ikukuwento niya, hindi ang kanyang mga pagkakamali o pag-amin na siya ang may kasalanan kumbakit nauwi sa wala ang kanilang relasyon.

Juice ko, ang tagal na namin sa industriyang ito para hindi makabisa ang ugali ng mga bagets.

ANG PAYAT NI Enchong Dee nu’ng makita namin sa backstage ng ASAP XV nu’ng Sunday. Tinanong namin siya kumbakit.  “Eh, kasi, me gagawin po akong commercial, eh!’

Natural, understandable kung hindi sinabi ni Enchong kung anong produkto ‘yon, dahil breach of confidentiality ‘yon.  Hehehe. So, nagpapapayat si Enchong? So, ano’ng produkto nga kaya ‘yon?

O, meron ba siyang inspirasyon kumbakit siya nagpapapayat?

WOW! HAVE YOU seen Piolo Pascual lately? Juice ko po, ang payat ng lolo n’yo. Treinta raw ang bewang niya, kaya napansin din namin na ‘pag pumapayat pala ang Papa P ay umiimpis din ang kanyang butt.

Pero aminin, super guwapo ng Papa P sa kanyang payat na pangangatawan. Actually, twice a week na nga lang daw siya nagdyi-gym, eh. Badminton, wa na raw lately.

GUSTO NANG IBENTA ni Jommy Tiotico ang napanalunan niyang townhouse sa may bandang Cavite. Sabi namin sa kanya, ibenta na lang niya kung hindi naman niya kilala kung sino ang rerenta.

Baka babuyin pa ang bahay niya, ‘no! In fairness, ang birthday boy last Jan. 17 ay pangarap talagang sumikat matapos siyang maging El Ultimo Participante sa Pinoy Fear Factor.

“Pero kung hindi pa po time, eh, okay lang. Maghihintay na lang ako. Anyway, meron naman akong event organization na pinagkakaabalan.”

Bukod diyan, busy rin si Jommy sa upcoming shows na Your Song, Precious Hearts Romances: Midnight Phantom at Habang May Buhay.

‘Wag n’yong kakalimutang makinig araw-araw sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Daddy Eric Borromeo, Fwend Rommel Placente and Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “John Prats at John Lloyd Cruz, malalim ang hidwaan?!

  1. muntik na raw sapakin ni prats si lloydie dahil nahuli sila ni shaina sa loob ng sasakyan at “laseng na laseng”. sus ano ba yan..shaina ang landi pala! nagmana sa ate niya!

    • ayyssuuss! at naniwala ka naman? tsk… you don’t know her so, you better shut ur mouth kung walang sasabihing matino. uki? peace tau. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.