John, not yet sure if he’ll marry Priscilla

NAG-COVER ANG STARTALK staff namin sa Summer Aquafest ng Lago del Rey ni Gov. LRay Villafuerte ng Camarines Sur at nag-enjoy naman daw sila.

Hindi naman daw ganu’n kadami ang celebrities na dumalo pero may mga ilang nakatsikahan doon na involved sa mga isyung pinag-usapan ngayon.

Isa na rito ang tungkol sa pagpapakasal ni Alma Moreno sa Mayor daw ng Marawi City at nakatsikahan nga doon ng Startalk si Joey Marquez na nag-i-enjoy doon sa Lago del Rey.
Nang lumabas daw dito sa Parazzi ang tungkol sa pagpapakasal ni Alma, tinawagan daw ni Joey si Alma para kumpirmahin ito. Inamin naman daw ni Alma ito sa kanya na nagpakasal na nga siya.

Hindi na raw tinanong ni Joey kung kanino siya nagpakasal at kung kailan at saan ang kasal dahil hindi naman daw niya kailangang pakialaman iyon.

Ang mahalaga, happy daw si Alma at happy na rin siya sa dating dyowa.

Ipinaliwanag nga raw ito ni Joey sa mga anak nila, na naintindihan naman daw ng mga bata. Kung saan daw masaya ang Mommy nila, susuportahan nila ito.

Kahit si Joey naman, aminado na ring happy siya ngayon sa dyowa niya. May anak na sila, pero hindi na ito ikinukuwento ni Joey dahil sobrang private naman daw ang karelasyon niya.

Ang sinabi lang niya, nagtatrabaho ito sa bangko at bawal daw na ma-involve ito sa mga ganu’ng showbiz na isyu. Gusto na rin ni Joey na tahimik na ang lovelife niya. Ang mahalaga, happy raw siya at napatunayan naman daw niyang puwede pa siyang magka-baby uli.
Nilinaw na rin ni Joey sa Startalk na wala na siyang balak na bumalik sa pulitika. Masaya na raw siya sa buhay niya ngayon at makapal na raw ang buhok niya, ayaw na niyang makalbo pa siya uli.

Pero nagbibigay pa rin naman daw si Joey ng mga payo kay Alma pagdating sa responsibilidad nito bilang konsehala ng Parañaque.

NAROON DIN SA Lago del Rey ang magkasintahang John Estrada at Priscilla Mereilles. Hindi naman daw totoong break na sila o nagkaroon ng pagkakataong muntik na silang maghiwalay.

Ipinakilala na pala ni Priscilla si John sa mga magulang niya nu’ng magbakasyon sila sa Brazil kamakailan lang. Medyo hirap lang daw si John makipag-communicate sa mga ito dahil hindi sila marunong mag-English.

Kung si John ang masusunod, sana si Priscilla na raw ang huling babae sa buhay niya, pero hindi naman daw sigurado ang lahat.

Hindi pa naman daw nila napag-Uusapan ang kasal at hindi raw totoong nagli-live in na sila.
Pero madalas naman silang magkasama at hindi nga nakikitang magkahiwalay ang dalawang iyan.

Matagal na rin sina John at Priscilla, ha! Kaya siguro tama na ring magpakasal na sila dahil gusto naman ni John na magkaroon na ng sariling pamilya.

Close din naman daw si Priscilla sa mga anak ni John kay Janice de Belen kaya wala naman daw problema sa mga bata.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.