John Lloyd spends Valentines with Sarah

HINDI NAMAN DIRETSAHANG masagot ni John Lloyd Cruz sa presscon ng You Changed My Life nila ni Sarah Geronimo kung may katotohanan ba ang mga bali-balitang diumano, nagkalabuan na sila ng stylist niyang girlfriend na si Liz Uy at tuluyan na silang nag-break.
Basta ang sinabi lang ni Lloydie, when it comes to the private affairs in his heart, hindi nga raw niya ito ipinagsasabi. Kaya rin naman nag-isip ng kung anu-ano ang mga tao. Sinabi naman ni Lloydie na hindi sila nagkasama ni Liz noong Valentine’s Day dahil nasa Hong Kong daw ito for work. At ganoon din naman siya, nasa post-production ng kanilang pelikula ni Sarah.

Kagyat na pinabubulaanan ni Lloydie ang mga bagay na nasusulat tungkol sa kanila ni Liz, na lumulusot lang sa pagbabalik-tanong nito sa mga kaharap na press kung saan nanggagaling ang nasabing mga balita at kung saan-saan ito nasusulat o naglalabasan. Medyo naiba nga ang tono ni Lloydie about it. Para ka tuloy nakararamdam na meron lang siyang ayaw sabihin talaga.

O, sabi naman ng iba, baka naman nagpapaka-gentleman lang si Lloydie sa lubusan na niyang nakakagaangan ng loob na leading lady niya? At ang pelikula nga nila ang pinag-uusapan kaya nandu’n sila sa nasabing presscon.

Sabi naman ng ilang miron kasi, para raw every time na lang ‘ata na may pelikula ang binata, laging nababalitang hiwalay na sila ni Liz.

What d’ya think?

NUNG SECOND NIGHT ng SNN (Showbiz News Ngayon) nina Kris Aquino at Boy Abunda, eh, dumalaw kami sa kanilang studio sa ABS-CBN at pinanood nang live ang paghahatid nila ng mga entertainment news.

Off-camera, nagba-blind item na si Kris tungkol sa isang Indie actor. Na wala pala talaga siyang idea sa itsura. Tamang-tama namang nasa TV ito at du’n niya lang nakilala ang nasabing Indie actor na nali-link sa isang TV executive. Nakakaaliw na naman si Kris. When she does these things, she’s really at her best. Kakaiba siyang mag-blind item. Pinapangalanan, ‘teh!

Ang tsika raw kasi, nagpapadala ng messages sa nasabing Indie actor ‘yung TV sexecutive. Kaso, ipapasa naman daw ni Indie actor sa former niyang manager na diumano eh, lover din daw, ang nasabing messages. Mawawala ang concentration mo sa blind item, dahil maaaliw ka na lang kay Kristeta sa pagde-deliver niyang pang-iintriga off cam.

Thirty minutes lang, pero siksik na sa nakaiintriga entertainment news nina Boy At Kris ang palabas at nang gabing ‘yon. Nasungkit nila sa isang interbyu ang singer na si Nina, na nagsasabing hindi siya nabayaran ng kanyang ex na si Nyoy Volante sa mahigit isang milyong pisong inutang ng huli sa kanya.

After the show, saglit naming tsinika si Kuya Boy. He himself is in the news dahil nga sa balitang tutuluyan na raw niyang idemanda ang nagho-host sa Showbiz Central na si John Lapuz.

Hindi naman nagbigay pa ng mga detalye si Kuya Boy sa nasabing isyu. Dahil sinabihan na raw siya ng kanyang abugado na huwag nang magsalita.

Kung may puwang ang kapatawaran sa kanya, sinabi naman niyang oo. Dahil hindi nga raw siya nakilala na nang-aaway, bagkus eh, nag-aayos ng mga nag-aaway. Alam daw niyang maaayos din niya ito as decently and as quietly.

Samantala, mukhang papunta na nga raw sa pagiging magkaibigan ang pagpapalitan nila ng text messages at tawag ni Marian Rivera, na that night eh, nagpadala sa kanya ng mga prutas which he shared with Kris.

Napaisip si Kuya Boy nang tanungin ko kung hindi ba sila malilimitahan sa mga artistang kanilang ibabalita sa kanilang talk show ni Kris. Hindi naman daw. Dahil nakilala naman daw sila sa pagiging fair in all angle sa pag-tackle nila sa buhay ng mga artista.

Siniguro ng dalawa na hindi sila mauubusan ng explosives na ihahatid sa mga manonood.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.