John Lloyd Cruz, sinagot ang isyu ng diumano’y pagiging lasenggo nya! – Mell Navarro

AYAW NANG PATULAN ni John Lloyd Cruz ang isyung naglabasan recently tungkol diumano sa paglalasing nito o may nakakita raw na lasing kasama ang ilang friends sa isang bar, or words to that effect.

Naka-text namin si John Lloyd mismo, since we got a missed call from him, para lang daw sana i-congratulate kami sa pagkaka-elect ng inyong lingkod bilang new Vice-President ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc.

Nasa Davao kasi kami nu’ng tumawag siya the other day (Saturday) at ‘di namin siya nabalikan dahil on-going na ang event na aming pinuntahan sa nasabing probinsiya. Kaya naka-text na lang namin siya a few minutes later.

Text message ni Lloydie: “Hi, kuya Mell! I just wanted to congratulate you for being the new Vice-President of PMPC. If there’s any way for me to help the Club, I hope you can let me know. Kaisa n’yo ko sa hangarin at mga plano n’yo…  All the best to you, Kuya Mell!”

John Lloyd has always been so sweet to his press friends, lalo na sa mga alam niyang nandiyan na sa tabi niya mula pa noong nagsisimula siya sa kanyang career, tulad namin.

Ka-text na rin lang namin ang sikat at award-winning actor, sinamantala na namin ang paghingi kay Lloydie ng personal niyang reaction mismo – at hindi pahatid o parating na mensaheng dadaaan pa sa kanyang handlers – tungkol sa isyung ipinupukol sa kanya ngayon, ang paglalasing.

“Truth is I don’t really want to dignify the efforts of my detractors. I’ll let them do what they do best.

“As for me, I have enough in my hands to keep me busy and productive without sacrificing or having to interfere with other people’s lives,” text message ni John Lloyd sa amin.

Kung ia-analyze ang mensahe ni John Lloyd, ayaw na nitong bigyan ng panahon ang pagpatol sa ka-cheap-ang isyu na ito, kahit alam naming tao lang siya para mairita sa walang katotohanang balita.

May “pangil” at “anghang” pa rin ang medyo pagka-sarcastic niyang statement na “I’ll let them do what they do best” patungkol sa mga patuloy na naniira sa kanya in print. Wala nga siyang panahon na patulan pa ang isyu, kundi lang namin “nalambing” na mag-react na rin, kahit papaano, dahil he owes it to his many fans waiting for his statement.
And so, there you have it guys, straight from John Lloyd!

Dire-diretso lang sa pagsu-shooting ang aktor ng Miss You Like Crazy, ang balik-tamabalan nila ni Bea Alonzo, at say nga niya, mas type niyang maging productive sa kanyang buhay. Ang post-Valentine’s Day offering na ito ng Star Cinema ay may premiere night sa February 24.

SPEAKING OF JOHN Lloyd, win na naman ito as Best Actor sa 8th Gawad Tanglaw para sa performance niya sa In My Life ni Direk Olivia Lamasan, at ka-tie nito si Allen Dizon para sa Dukot ni Direk Joel Lamangan.

Ang dalawang nabanggit ding mga pelikula ang pinarangalan nila as Best Films for 2009, ka-triple tie ang Lola ni Direk Brillante Mendoza starring Anita Linda and Rustica Carpio. Best Directors din ang tatlong directors na nabanggit.

Best Actress si Ms. Vilma Santos (In My Life), Best Supporting Actress si Ma. Isabel Lopez para sa dalawang pelikula, ang Kinatay (with Coco Martin), at Tulak (with Rafael Rosell). Best Supporting Actor winners naman sina Roderick Paulate (Ded Na Si Lolo) at Luis Manzano (In My Life).

Ang Gawad TANGLAW ay binubuo ng members of the academe mula sa iba’t ibang unibersidad na taun-taong naggagawad na kanilang winners both for film and TV excellence. Ang Gawad Tagapuring mga Akademik ng Aninong Gumagalaw will hold its awards night on March 3 sa Jose Rizal University.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

24 thoughts on “John Lloyd Cruz, sinagot ang isyu ng diumano’y pagiging lasenggo nya! – Mell Navarro

  1. Where is the proof? Kung totoo na ganito si JLC matagal na (panahon pa raw ni Ciara Sotto) e bakit ni isang picture or video sa you tube or kung saan man ang magpapakitang lasing si Lloydie. Ang sasama ng tsismis nyo. Lalo na nga yang si Mo Twister at Cristy Fermin. Laging ‘inaatake’ siya. Sige nga, aber, show us the proof! Mag pa contest tayo kung sinong makapaglalabas ng ebidensya………saka lang ako maniniwala.

  2. Idol na idol sya ng mga anak ko, pero pinagbawalan ko na silang umidolo at manood ng ano mang John Lloyd movie or tv shows na nandon siya. Lasengero pala siya. Nuon di ako naniniwala sa mga tsismis ni Cristy Fermin – nuon lagi niyang sinasabing may hunk actor na ‘laklak at mamam ng mamam at masamang influencia kay Shaina na natutong maging lasengera na rin. yon pala totoo.

  3. Lasenggo pala e walang karapatang mag endorse ng mga kung ano-anong products lalo na ng para sa mga kabataan. Ang pwede lang ay ang Biogesic pag masakit ang ulo dahil sa hang over. Sana ipa rehab siya ng ABS, sabagay, it stands for Alak, Babae, Sugal. Sayang si John Lloyd. Bagsak na career nya. Sino pang manonood ng movie nya? Baka boycott’in….tsk tsk

  4. supalpal kayong lahat! Ruffa revealed the facts about pagiging lasenggo ni JL wag na mag deny! kung ano ang pgka sweet nya sa TV da truth is lasenggo! to the point na binubuhat palabas ng Bar dapat ky JL mag endorse ng marka demonyo at tanduay un ang bagay sa kanya tigilan na ang pag ppa sweet at wholesome ek-ek sa TV!

  5. grabe naman ang nag kalat ng balitang yan…normal naman ang kahit papano eh mag relax after ng trabaho,pero na niniwala ako na hindi ganyang tao si lloydie,dapat nag pakita sya ng pruweba kung sino man ang nag kalat ng balitang yan…we love lloydie kahit anu pang bad news nyo sa kanila…belat kayong mga chizmusa..

  6. napa ka busy nyang tao no, siguro normal ng maninsan minsan eh mag libang naman sya.at saka hindi naman ako na niniwala na subra nyang kalasingan,grabe naman ang nag balita non.dapat may pruweba sya bago sya nag labas ng ganung news.i love jlc kahit anu pang bad news ang ilabas nila.alam kong MATALINO syang tao at artista…

  7. @ nico

    Eh ano naman kung lasenggero nga yang c john lloyd.. buhay nya yan as long as hindi nya pinababayaan ang work nya at wla shang nasasagasaan na ibang tao.. keber ba!

  8. hmm.well its true na lasenggo talaga yang si JL, i remember nung anniversary ata ng star magic ba yun? ginanap kasi yun sa edsa shangrila and when i was there i saw him lying in the front of the door, he was drunk. binuhat pa siya nung mga boy para ipasok sa kwarto, hndi n daw siya nakaawi nun kasi sobrang lasing na nga kaya nag check in nlng sa hotel. 2 rooms lng ang pagitan ng room niya sa room ko.. kahit ipagtanog nyo pa sa managament ng shnagrila..

  9. Yan ang sagot! The best ka talaga JL! Kaya sa mga gustong magpabagsak kay JL lalo na sa pamilya Gutierrez na ang takaw sa publicity, manigas kayo dahil hindi kayo kalevel ni JL! Sila naman lahat ang nagsimula ng issue eh! Pansinin nyo sila din ang sangkot sa mga interview at write-ups! Nagsimula lang naman yan sa mga tweets ng magkapaitd! Super effot talaga sila! Ang kakapal ng mukha! Good for you JL at hindi mo na sila pinapatulan! Manigas sila pero hindi ka nila masisira!

  10. Two thumbs up JLC!

    They told, it happened in a BAR.. With the crowd there, they should have taken a pic of him..

    To his detractors, show your evidence! You’re just haters, do you think you’re better than him? Tsk, go Pray instead!

  11. malaking sampal ang statement na to sa mga bitter na nagsimula ng issue tungkol sa kanya..mga nagmamalinis as if naman mga perpectong tao sila para manira ng tao e kong tutuusin mas basura naman ang pagkatao nila kaya wala silang karapatan..

  12. I don’t think sa hectec ng sked ni JLC eh meron pa syang time para pumunta sa bar everynight at maglasing ng maglasing then wake up and go to work the next day. ang lasing panay may hang-over so siguro naman hindi sya makakabagon the next day para mag shoot. common sense na lang siguro. ewan.

  13. nice one jlc you never failed to gave an answer that i expected from you..i like your statement at sabi nga ng writer may “pangil” at “anghang” and hopefully isang aral din ito sau nexttime piliin mo ang mga taong kakaibiganin mo coz you’ll never know sila rin ang sisira sau..

Leave a Reply

Your email address will not be published.