John Lloyd mum on break up with Liz Uy

NAKIUSAP ANG MAHUSAY na aktor na si John Lloyd Cruz na huwag muna siyang hingan ng comment sa napabalitang hiwalayan nila ng girlfriend niyang si Liz Uy. Darating daw ang panahon na makapagbibigay rin siya ng paliwag sa maganda at malinaw na paraan.

“Pero for the mean time, hihilingin ko siguro na hayaan ninyo muna ito as it is. Pero darating tayo roon. Pagdating natin doon, mas magandang pag-usapan ‘yun kasi kumbaga mas natural na ‘yung flow niya out of my system. Sa ngayon, ano, mahirap lang kasi maraming factors kung saan mo ilulugar ang sarili mo bilang lalaki, bilang galing doon, so mahirap. ‘Yun na muna. ‘Yun na muna ang mahihiling ko,” lahad ni John Lloyd.

Naitianong din namin kay Lloydie ang tungkol sa tsika na may kinalaman sina Ruffa Gutierrez at Sarah Geronimo sa break-up nila ni Liz.

“Mahirap naman kasi ‘yun. Kahit nga si Sarah lumalabas din ang pangalan niya and hindi ‘yun fair. Nakahihiya naman sa kanila. Ah, wala namang… hindi naman sila kasali. Not in anyway.”

At sa mapanirang e-mail na lumabas na diumano’y nag-hotel sila ni Ruffa at may nakakalat pa na condom sa loob ng kuwarto, heto ang sabi ni Lloydie, “Alam mo, nagkasama man kami ni Ruffa sa hotel, party ng (I Love) Betty (La Fea) ‘yun. Hindi ‘yun date. Marami kaming kasama pati si Bea (Alonzo).

“Nakakahiya. Medyo sensitibo ‘yan kasi may pamilya ‘yung tao. Alam mo ‘yun? Ayaw nating magkaroon ng maling impression. And I don’t think Ruffa would allow herself to be involved in a situation that will disgrace the name of her family, ‘di ba? Hindi magandang ano, hindi magandang palakihin, kasi nakahihiya lalo na ngayon, Diyos ko! ‘Yung pinagdadanan nila, si Richard (Gutierrez) naaksidente, may isa pa’ng buhay na nawala. So, alam mo ‘yun?”

Anyway, mukha namang okey na si Ruffa everday na napapanood siya sa morning show nilang Ruffa and Ai. Incidentally, ang mga komedyanteng sina Vice Ganda, Kitkat, Chokoleit and Jayson Gainza ang guests nila sa Ruffa and Ai in a wet and wild episode. Kaya huwag imi-miss.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.