John Lloyd, malaki na ang ipinagbago?!

OLA CHIKKA! HINDI ko talaga maintindihan kung ano ang meron dito kay John Lloyd at halos puro negative na lamang ang mga balita sa kanya. Ang dating matinee idol at kinahuhumalingan ng lahat, ngayon ay puro intriga na lang ang naririnig ng kanyang fans. Kung dating box-office king, ngayon ay wala nang masyadong project, hindi gaya ng dati na kaliwa’t kanan ang kanyang pinagkakaabalahan – teleserye rito, pelikula roon.

Ano na nga ba talaga ang nangyayari sa kanya? Kung kani-kaninong babae nali-link ngunit kahit isa sa kanila ay wala siyang inamin na totohanan. Iilan lang dito sina Sarah Geronimo, Ruffa Guttierez at ang pinaka-latest na si Shaina Magdayao na ka-live in daw niya.

Naku, huh, John Lloyd! Eh, ang gaganda at panalo na ‘yang mga chikas mo, ngunit bakit walang seryosohan? Hindi kaya sadyang kinarir mo na ‘yang award-winning movie mong In My Life na nakaimpluwensya sa pagkatao mo? Ha-ha!

Excuse me pow! Baka isang araw na lang, kayo naman ni Luis Manzano ang ma-link, ha? Hayaan mo, hindi na kami magtataka!

Ay, tama na nga! Baka sabihing nang-aaway na naman ako, eh!

KUNG PURO PAGKAWALA ang kaganapan sa career nitong si John Lloyd, comeback naman ang drama nitong sina Anne Curtis at Richard Guttierez. Dahil kung inyong matatandaan ay na-link din sila sa isa’t isa, ngunit mga bata pa naman sila noon, kaya hindi nag work-out. Ngayon ay talagang nasa tamang isip na sila at alam na nila ang kanilang mga ginagawa at parehas namang magaganda ang career. Ikinatutuwa ko talaga ang kanilang pagtatambalan dito sa ginagawa nilang pelikula under Viva Films and GMA Films na pinamagatang In Your Eyes. Sana ay mas marami pa silang gawing pelikula dahil tiyak na bagay na bagay sila.

Pero teka! Paano na itong si Sam Milby? Hmp! Parang mas bagay naman si Anne kay Richard kaya hayaan
na natin ‘yun. Eh, itong napapabalitang girlfriend daw ni Richard na si Jewel Mische? P’wede ba, para talaga sa akin ay hindi siya nababagay kay Richard at malamang doon ay sumang-ayon sa akin ang nanay niyang si Annabelle Rama. Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong dating child star na napakarahas lalo na pagdating sa kanyang kasamahan?!

Ang chikka kasi, itong dating child star daw ay sobra kung makapanakit lalo na sa kanyang driver. Kung ano ang maisipan niya ay agd niyang ginagwa, tadyak dito, suntok doon, bato dito, hampas doon. Siguro sa pagiging mabait na lamang ng driver ay hindi na lang niya pinapatulan, ngunit gustung-gusto na niya itong alisan sa lalong madaling panahon.

Iba talaga ang tama kapag gumagamit ng bawal na gamot ang isang tao dahil nawawala na siya sa tamang pag-iisip, at kung ano-ano na ang pinaggagagawa! Tsk, tsk, tsk!

Naku, huh! Bad ‘yan! Sino itong dating child star turned addict na? Kaylangan pa ba ng clue? Given na, kaya nga child star, eh!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSugod Shooting: You To Me Are Everything
Next articleMiriam Quimbao, bading ang Italyanong asawa kaya diniborsiyo?!

No posts to display