John Lloyd Cruz, walang dahilan para hindi mabighani kay Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado and John Lloyd Cruz
Jennylyn Mercado and John Lloyd Cruz

Positive si John Lloyd Cruz sa chemistry na mayroon sila ni Jennylyn Mercado. Pakiramdam ng actor, magugustuhan ng manonoodang team-up nila.

Katuwiran ng actor, “Malalim at maganda ‘yung potential na puwedeng takbuhin ng tamdem namin. Kapag iniisip ko, so much potential, I don’t think na ito lang ang magagawa namin. I’m excited to see and discover kung ano pa ‘yung puwede naming magawa lalo na sa pelikula. Because mas binigyan kami ng pagkakataon dahil magkaiba ang aming network. Sana  ito lang ang simula, dahil nararamdaman ko sa aming dalawa parang walang boundaries.”

Inamin ni Lloydie na pareho silang tahimik ‘pag nasa set. Unless daw na mag-start siya o si Jen ng kuwentuhan. Wala silang alam sa isa’t isa.

“We have similar interest like photography, mahilig siyangkumanta. I love music, pero hindi ako magaling kumanta. Si Jennylyn Mercado is a fantastic singer,” sambit niya.

Para kay John Lloyd Cruz, ang lakas ng sex appeal ni Jennylyn. Maraming kalalakihan ang nagpapantasya sa alindog ng actress. “Medyo awkward dahil katabiko siya. Bilang lalaki, hindi na kailangang tanungin pa. Hindi na tinatanong ‘yan…”

Kung single lang si Jennylyn, may possibility na ma-develop sa kanya si Lloydie. Mabilis ang naging sagotni JLC, “Parang kukuwestiyunin ko naman ang pagkalalaki ko kapag wala akong naiisip na ganu’n. I’m just a guy, standing in front of a girl. Hahahaha! I think, she’s a fantastic character. Si Jennylyn, very inspiring single parent. Sa dami ng ginagawa niya, hectic ang schedule niya, pero naisisingit pa niya ‘yung mga bagay na gusto niyang gawin. Naipapasok pa niya ‘yun sa hirap ng kanyang schedule, plus ‘yung pagiging single parent. She’s amazing, parang walang dahilan para hindi mabighani ang isang lalaki sa ganyang klase ng babae,” pahayag ni JLC.

Sa promo ng pelikulang “Just The 3 Of Us” nina Lloydie at Jennylyn, pinayagan ng GMA 7 ang actress na mag-guest sa “ASAP” at “Gandang Gabi Vice”. Willing din si JLC na mag-ober the bakod para mag-guest sa mga shows ng Kapuso Network.

Kung  sakaling dumating na ang itinakdang babae para kay John Lloyd, wish niya, “I like to get married first. Kung ikakasal ako, gusto ko munang ma-enjoy ‘yung marriage namin. Ideally, ma-enjoy muna ‘yung marriage na kayong dalawa. Then, kung gusto na ninyong magka-baby…. kasi it’s not just me, ideally, mayroon pa akong isang tao na makakasama, pareho kaming magdi-decide du’n.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleMag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, nakalikom ng pampiyansa para sa mga nakakulong na Kidapawan farmers
Next articleDaniel Padilla, malamang daw na naging pro-Bongbong Marcos
kung mas nauna ang offer nitong P25-M kaysa sa P10-M ni Mar Roxas

No posts to display