John Lloyd Cruz, tinanggihan si Kris Aquino?! – Alex Brosas

GRABE ANG FANS ni Kris Aquino. Tinarayan kasi nila si John Lloyd Cruz sa yahoogroups ni Kris.

Apaprently, hindi nagustuhan ng mga tagahanga ni Kris ang ginawang pagtanggi ni John Lloyd para gumanap na young Ninoy Aquino sa two-part episode ng Maalaala Mo Kaya. Si Lloydie pala ang original choice to play Ninoy at bale second choice lang pala si Piolo Pascual.

Dapat, magbabalikan sa screen sina John Lloyd at Bea Alonzo sa Maalalala Mo Kaya episode kaso hindi nga ito ang nangyari dahil ni-reject nga ng aktor ang project.

Ang say ni Kris, kaya hindi tinanggap ni John Lloyd ang project ay dahil ayaw niya ng proyektong may political affiliation.

Sa kanyang ginawa, maraming fans ng Talk Show Queen ang naimbiyerna sa kanya. Sabi ng ilang nag-post, huwag din daw umasa si Lloydie na ba-back-up-an siya ni Kris kapag ginawang movie ang buhay nina Tita Cory at Ninoy.

Ang sabi naman ng isang mahadera, dapat ay itinuring na lang ng aktor na isang trabaho lamang ang lahat.

Inamin naman ni Kris kay Lloydie na nagtampo siya sa aktor, pero natuwa siya dahil natupad din ang wish ng kanyang sister na si Piolo ang gumanap bilang young Ninoy. Eh, ang sisters ni Kris, forever Piolo fans kaya naman super happy sila na finally, ang aktor ang napili to play their dad’s role in the drama anthology.

BLIND ITEM: NAKAKAAWA naman kung totoong bumalik na sa pagpapadyug ang isang dating sexy actress na may ka-live in na aktor.

Ang tsikang nakarating sa amin, nagpunta ito sa isang bugaw para sabihing available na uli siya sa pagpapadyokad. Walang project ngayon ang couple na ito kaya naman walang pumapasok na datung sa kanila.

Ang nakakatawa ay ang sagot ng bugaloo. Sinabi kasi nitong magpapayat ang dyowa ng sexy star at siya ang magiging unang customer nito.

Obvious ba na bading ang bugaloo?

Anyway, sa hirap talaga ng buhay ngayon ay kapit na sa patalim ang mga artistang wala nang proyekto ngayon.

Can we blame them?

HOW TRUE NA may offer ang TV 5 kina Arnold Clavio at Karen Davila?

Nililigawan nga raw ng TV5 ngayon sina Arnold at Karen para maging bahagi ng kanilang news and public affairs. Very tempting daw ang offer at parang sky-is-the-limit ang budget para sa dalawa.

Sa ngayon nga raw ay pinag-iisipang mabuti ng dalawa kung tatanggapin nila ang very tempting offer ng Singko. Siyempre, major decision ang gagawin nila kung sakali at ayaw nilang magkamali.

Si Karen ay dating Kapuso na lumipat sa ABS-CBN. Si Arnold naman ay mukhang loyal naman sa kanyang network.

Sina Arnold at Karen pa lang ang naitsika sa amin na balak kunin ng Singko. I’m sure may iba pang artista o news anchor na type din nilang kunin ang serbisyo.

Sa ngayon ay nangangailangan ang TV5 ng napakaraming production staff and crew at personnel para sa expansion project ng network.

SORRY NA LANG sa mga umaasang may balikang magaganap kina Pops Fernandez at Jomari Yllana dahil hindi ito posible.

With finality ay sinabi ni Jom na malabo na niyang balikan ang kanyang ex-girlfriend.

“Sa akin, ‘pag tapos na, tapos na. Hindi naman ako titigil in a relationship hanggang may dahilan pa para ituloy,” say ni Jomari.

Pero aminado naman si Jom na si Pops ang pinaka-compatible niyang partner.

“Siya ‘yung pinaka-kasundo ko. Hindi kami nag-away niyan,” dagdag ng aktor.

Kung si Aiko Melendez naman ang pag-uusapan, feeling ni Jom ay karapat-dapat itong tumakbo para sa mas mataas na posisyon.

“She deserves a higher position. She has served three terms. Mahal siya ng tao,” say ni Jom sa kanyang ex-wife.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

14 thoughts on “John Lloyd Cruz, tinanggihan si Kris Aquino?! – Alex Brosas

  1. Acknowledged Basurahan System – Chupaan’t Babuyan Network

    NDI KA RIN BASTOS NOH? OTHER THAN THAT IGNORANT!!! U KNOW NOTHING ABOUT ABS-CBN OR GMA IN ANY CASE. PLEASE DO SOME RESEARCH— UNG MAY SENSE.

  2. LOVE IT, who are you to judge someone ha?

    tumingin ka nga sa salamin at sabihin mong malinis kang tao! sobra ka humusga ng kapwa mo!

    isang araw magigising ka sa katotohanan na may isang taong huhusga sa ‘yo! pagdumating ang pagkakataong ‘yon, mararamdaman mo kung gaano kasakit ang mga sinasabi mo sa iyong kapwa.

    matuto ka sana ng kahit kaunting HUMILITY!

  3. Kung lilipat si Karen eh ‘di mawawalan na ng kai-insecuran si Korina. lol

    Sana nga mamayagpag pa ang 5 at sila na ng 7 ang maglalaban-laban. Isara na ang ABS walang k’wentang pang-hampas-lupa network!

  4. wag nga maarte yan si kris.. sa labag sa prinsipyo nung tao e.. bratinela kasi kaya akala nya maipipilit nya ang gusto nya.. di pa yan masyadong sikat ah, feeling pa lang! imaginin na nga lang natin kung nasa malacanang yan..

  5. naiintindihan ko ang nararamdaman ni kris dahil tulad niya ay nambabae rin ang mister ko. ang kaibahan lang namin ay hindi ako tulad niya na pumatol sa ibang lalaki at lalong hindi ako pumatol sa may asawa dahil naniniwala ako sa kasabihan na “what goes around comes around”, un lang.

  6. Hindi maganda ugali ni Kris Aquino. Ano ngayon kung ayaw ni JohnLloyd. Wala ba syang freedom of choice. Pano na lang kung naging Presidnete si Noynoy. Dapat kung ano ang sabihin nya eh kailangan sundin.

    Kaya ngayon sinisiraan ni Kris si JohnLloyd?

    Masakit din sa part ni Piolo dahil parang second choice lang sya.

  7. mga fanatic na fans ni kris tumigil na kayo, ilang uli nyo bang patayin at buhayin ang isang bangkay para lang maisulong ang kandidatura ni noy noy.. mahiya naman kayo kris, noy noy. pagpahingahin nyo na ang patay…

Leave a Reply

Your email address will not be published.