John Lloyd Cruz, threatened sa Bea-Sam team-up?

SA tanong kay John Lloyd Cruz kung threatened siya sa success ng Bea Alonzo-Sam Milby team-up movie na And I Love You So, hindi raw totoo ito. Wala siyang ganoong feeling. Ang sa kanya raw ay pagkatuwa para sa screen partner niyang si Bea na pupuwede na rin daw makapagdala ng pelikula kahit hindi siya ang kapareha.

Sinagot ni Lloydi ang isyung ito sa Entertainment Live kahit nga nagtataas ng kilay ang marami. Sa totoo lang, talagang iintrigahin sila ni Sam dahil ibig sabihin niyon, nadagdagan na naman ng isa ang reliable leading men ng Star Cinema at posibleng makakumpetensiya ni Lloydie si Sam.

Hayan nga’t ini-announce na ang pagtatambal sa pelikula nina Sam at Anne Curtis. Napangiti lang si Sam sa obserbasyong ito, at nasabi nga niyang sure siyang hindi makakaramdam ng ganoong negative feeling si Lloydie dahil mahirap nang basta matinag pa ito sa kinalulugaran. Tatlong magkakasunod na taon nang namamayani as Box-Office King si Lloydie at sa henerasyong ito, walang dudang siya ang pinakamahusay sa kanila bilang actor.

“How sweet!” ang nasabi na lang ni Lloydie sa sinabing ‘yun ni Sam. In character pa rin si Lloydie sa puntong ito sa pagpu-promoteng In My Life kung saan gay lover ni Luis Manzano ang kanyang role.

By Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.