John Lloyd Cruz, tanggap na ni Annabelle!

SINISIPON PA RIN si John Lloyd Cruz nu’ng parangalan siya bilang Box-Office King ng GMMSF, Inc. sa RCBC auditorium last Sunday. This is the second year na magkasunod siyang ginawaran ng parangal bilang Box-Office King.

Galing kami sa 10th anniversary ng The Buzz bago pumunta sa RCBC kung saan nagkaroon ng birthday celebration si Ruffa Gutierrez. Isa sa mga surprises kay Ruffa ng The Buzz ay ang pagbati ng kanyang ama na si Eddie Gutierrez.

Dito nalantad ang paghaharap-harap nila nina John Lloyd kasama ang kanyang manager na si Johnny Manahan plus Mariole Alberto at sila ng misis niyang si Annabelle Rama sa kanilang bahay sa Dasmariñas Village sa Makati.

“Well, natutuwa ako na na-meet ko na sila finally. Kumbaga, hindi naman kailangan ng validation ng friendship, ‘di ba? As long as malinis naman ‘yung intensiyon mo bilang kaibigan, hindi ka naman nanggagamit. So, parang hindi ka naman gaya nu’ng kapag nakikipagkaibiga, hindi mo naman ipinagpapaalam sa mga magulang nila. So, ganu’n-ganu’n lang ‘yon. Nakakatuwa naman na, welcome tayo sa bahay nila,” pahayag ni John Lloyd.

It was a very casual dinner ayon kay John Lloyd. “Nu’ng paalis na kami, jokingly, tinanong niya (Annabelle), ‘E, totoo ba ang balita na kayo talaga ng anak ko?’ Natawa lang ako sa kanya. Sabi ko, ‘Tita, hindi po. Hindi po.’ Ayun, sinabi ko kay Ruffa, ‘Mommy mo, o. Tintanong ako.’ Ganu’n lang,” salaysay ni Lloydie.

Sa pahayag naman ni Eddie sa The Buzz, na sa tingin niya close friends na talaga sina Ruffa at John Lloyd, nagbigay rin ng reaksiyon ang aktor dito.

“Kami naman ni Ruffa talaga, medyo lumalim nga ’yung friendship namin since latter part ng ‘(I Love) Betty.’ Kagaya niyan, ’yung custody case, napagku-kuwentuhan namin at saka hindi lang naman ako.”

Nakaalis na ng bansa si John Lloyd kahapon. Kaya sa Amerika na siya aabutin ng kanyang birthday ngayon, June 24. At least, bago siya umalis ng bansa he was able to settle the record-straight sa mga isyung ibinato sa kanya kamakailan.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

One thought on “John Lloyd Cruz, tanggap na ni Annabelle!

  1. ako lamang ay isang masugid n tagahanga ng isang JOHN LLOYD CRUZ. at bilang tagahanga nia n sobrang umiidolo s kanya ay labis akong nasasaktan s mga balitang dinidikit s knya pra lamang cia pbagsakin. ako mismo ang nsasaktan pra s knya s mga masasamang balita n lumalabas at ang iba ditoy s mga dati dw nia tagahanga. ang s akin lng kung tunay nga kaung tagahanga ni loydie e bkit gnun nlng nio cia husgahan?? dpat nga tau p ang mgbgay ng lakas ng loob s knya n mkkaya nia lht ng problema ito. pero anu ang gngwa ninyo? nkalugmok n nga cia e tintadyakan p ninyo.. matanong ko lng s buong buhay b ninyo never b kau nkgwa ng isang pgkakamali at gnun nio nlng husgahan c lloydie.. s aking pagkakaalam ang isang tagahanga ay parating nkasuporta s knya idolo s hirap at ginhawa.ayaw kong mglaho prng bula ang hirap at sakripisyo ni lloydie pra maabot nia ang tagumpay nia ngaun. at bilang isang tunay n ngmamahal at ngmamalasakit n tagahanga ni lloydie ay asahan niang and2 lng ako parati s tabi nia, s lahat ng laban nia s buhay, d ko cia iiwan dhil ganun ang isang TUNAY n supporter LOYAL. lloydie asahan mu d mgbabago ang tingin ko sau khit anung problema p ang abutin mu parati lng ako nkasuporta s sau dhil kaligayahan ko ng mkita kang msaya at successful s buhay mu.. my prayers are with you.. God bless you and your family!!! wag kng mgalala dhil mdami p dn ngmmhal sau.. xempre una n dyan c GOD alm kong d k nia pba2yaan, at ang pamilya mu n plagi lng handang umintindi at umunawa sau at kming mga fans mu n susuportahan k nmin all the way…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.