John Lloyd Cruz, Sunud-sunod ang ‘First Time’

MAGANDA ANG TAKBO ngayon ng buhay-pag-ibig at career ni John Lloyd Cruz. Bakit nga naman hindi? Nandiyan si Shaina Magdayao na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. May mga bago ring projects si Lloydie na tiyak na aabangan ng kanyang mga tagahanga.

His upcoming ABS-CBN primetime teleserye titled Imortal has many firsts. Lloydie is paired for the first time with Angel Locsin. Ang Imortal din ang kanyang kauna-unahang fantaserye kaya naman marami na ang excited kung anong klaseng Lloydie ang mapapanood this time. Sa series, he is required to do action scenes. This is a breath of fresh air for Lloydie na hindi matatawaran ang husay gumawa ng mga drama series and movies.

In his interview with ABS-CBN.com, Lloydie said, “Tuluy-tuloy lang ‘yung trabaho and mas lalong nagiging exciting ‘yung experience at mga eksena. Nakakapagod din minsan kasi may mga scenes na talagang pisikal. Pero okay naman… Masaya, kasi iba-iba ‘yung nagagawa mo sa isang palabas. May konting action, drama, thriller and suspense. So very interesting talaga siya.”

Lalo raw gumaganda ang kanilang friendship ni Angel. He always looks forward to seeing Angel during their taping dahil marami silang napagkukuwentuhang mga topics in and out of showbiz.

Kung si Angel ay una niyang makakatambal sa telebisyon, si Toni Gonzaga naman ay una niyang makakasama sa bagong pelikula under Star Cinema.

Lloydie is very excited working with Toni since it is his first project with her. Ano kaya ang kanilang madi-discover about each other? Nagbahagi ng konti si Lloydie about the movie. “Ang ganda-ganda ng kuwento. Rom-com (romantic comedy) siya.”

Sinabi niya noon that he planned to watch Toni’s movie My Only U on DVD para mapag-aralan ang acting style ni Toni. Hindi naman kasi lingid sa atin kung gaano kagaling si Toni pagdating sa pag-arte. Natural na natural ang kanyang acting lalo na sa comedy. Ngayon pa lang ay inaabangan ko na ang batuhan nila ng mga dialogue ni Lloydie sa bago nilang pelikula.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleYoung actress, malabong mabuntis: Pulandit ng maelyang sikat na boyfriend, nilulunok!
Next articleFanny Serrano, idinepensa ang sarili sa gay love scenes

No posts to display