John Lloyd Cruz, sinugod ng isang fan!

TATLONG SUNUD-SUNOD NA araw ang mall shows na pinuntahan nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para i-promote ang kanilang latest movie under Star Cinema, ang Miss You Like Crazy. Ito ang kanilang comeback movie after the successful run ng One More Chance. Marami sa mga fans na nakausap namin ang sobrang nag-enjoy at kinilig nga raw sa One More Chance kaya gusto nilang mapanood ang bagong movie nilang ito.

Trailer pa lang daw, e, naiintriga na sila. Kitang-kita ang excitement at curiousity ng mga fans sa bagong handog nilang movie sa pagsugod nila sa tatlong mall shows sa SM North Edsa, SM Bicutan at sa Market! Market!. Sa tatlong mall shows na ito, pinakamaraming nagpunta sa Market! Market!. Punung-puno ang buong ground floor ng tao at lahat ng floors, makikita mong may mga nakadungaw. Puro sigawan at hiyawan na ang narinig ng lahat nang lumabas na sina Bea at John Lloyd.

Nagulat ang staff ng Star Cinema at ng Market! Market! event marshalls nang may isang fan na biglang sumugod kay John Lloyd. Nanggaling ang fan sa backstage at doon ito nakaupo. Tumakbo ito sa likod ng malaking projector screen at dinambahan ng halik si John Lloyd. Pati ang aktor ay nagulat sa pagsugod ng fan. Pero in-accomodate na ito ni John Lloyd kahit pa pasugod itong lumapit. Nataranta ang staff ng Star Cinema at ineskortan na ang babae pabalik sa puwesto nito.

Mas lalo nang naghigpit ang seguridad nang bigla na lang sumugod ang lahat ng fans sa stage. Parang mga langgam na nagtakbuhan ang mga fans sa harap nina John Lloyd at Bea kaya mismong mga event marshalls na na ang nakiusap na paatrasin ang mga artista para ma-control ang pagsugod ng crowd.

All in all, nakatutuwa ang response ng mga tao sa tandem nila John Lloyd at Bea. May mga nagsasabi na patay na ang kanilang loveteam pero pinatunayan nilang mali ang lahat ng ito. Big hit sila sa kanilang mga mall shows at tinatayang big hit din ang kanilang magiging box-office returns.

Ipalalabas na ang Miss You Like Crazy sa Miyerkules, February 24. At may premiere night sila mamayang gabi sa SM Megamall at Trinoma. Sa Trinoma, 5 P.M. magsisimula ang programa at 8 P.M. naman sa Megamall. Ang inyong lingkod ang magho-host ng Cinema 10 premiere night kaya go na kayo du’n ha! Kita-kits tayo!

Maraming artista ang expected na pumunta sa nasabing event pati na ang mga kasama sa pelikula na sina Ketchup Eusebio, Ina Feleo, Jane Oineza, Maricar Reyes, Tirso Cruz III, Bembol Roco, pati ang Malaysian Actor na si Gerard Hans Isaac ay pupunta rin, at marami pang iba.

Sa mga pupunta at dadalo sa premiere night, aba maaga pa lang ay pumunta na kayo para maiwasan na ninyo ang mahabang pila ng mga tao. Okay? Go na kayo and ngayon pa lang, congratulations na ang ipinahahatid namin kina Bea, John Lloyd, Direk Cathy Garcia Molina at sa buong cast, staff and crew ng Star Cinema!

loading...

One thought on “John Lloyd Cruz, sinugod ng isang fan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.