John Lloyd Cruz, sinigurong wala silang problema ni Anne Curtis

John-Lloyd-CruzSA INTERVIEW namin kamakailan kay John Lloyd Cruz, siniguro nito sa amin na wala silang problema ni Anne Curtis sa kabila ng sampalan issue na lumabas noong nakaraang taon tungkol sa kanila.

Ayon sa aktor, nagkakapalitan sila ng mensahe ng aktres at dapat nga ay magkakasama sila sa isang serye ni Anne kasama si Piolo Pascual, pero hindi lang ito natuloy dahil sa ‘di magkatugma-tugma ang kanilang mga schedule. Tinanggap na tuloy ng aktres and Dyesebel samantalang ginagawa na ngayon  ni Piolo ang seryeng Hawak-Kamay.

Bukas makatrabaho si Anne sa anumang proyekto na iaalok sa kanila mapa-TV man ito o pelikula, kasama nga ni John Lloyd si Anne sa Boracay para sa event ng Century Tuna, kung saan ipinakita si John Lloyd bilang bagong endorser ng produkto na payat na siya, kung saan 13 lbs. ang nabawas sa timbang sa niya.

Kasama ang kasintahan na si Angelica Panganiban sa Boracay, patunay lamang ito sa sinabi sa amin ng aktor na mas lumalalim at tumitibay ang relasyon nila ng kasintahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “John Lloyd Cruz, sinigurong wala silang problema ni Anne Curtis

  1. naku mga plastic. wag nyo na pgtakpan ang kmalditahan n lasenggang ann na yan pwde ba. hndi lhat ng tao nanniwala sa kalokohan nyo

    • nyahahahaha meron namang naininiwala sa kanya hahahha yung mga BUHONG at mga Mongoloid fans ng kapamilya network hahahahha karamihan sa kanila…paniwalang paniwala sa mga press release ng mga bayarang writers alang bait sa mga sarili at ala utak hahahhaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.