JOHN LLOYD CRUZ, SAWA NA SA ISYUNG IBINABATO SA KANYA!

TINULDUKAN NA NI John Lloyd Cruz ang isyung kinasasangkutan ng girlfriend niyang si Shaina Magdayao at ng dating na-link sa kanya na si Ruffa Gutierrez. Mukhang hindi pa rin kasi mamatay-matay ang issue about them. May balitang lumabas that Ruffa alle-gedly received a call from Shaina in the middle of the night.

Ruffa recently confirmed that Shaina called her up on the phone. Dahil sa rebelasyong ito kaya lumakas ang usap-usapan na nagkakalabuan ang magkasintahan at posible silang maghiwalay.

Lloydie vehemently denied the rumor saying, “Sobrang okay kami. The relationship is going strong. Really strong. Wala ka-ming ibang iniintindi kundi to look forward to many celebrations.”

Like Ruffa, Lloydie also stood his ground not to talk anymore about the issue at nang sa gayon ay hindi na raw lumaki pa ang usapan. “Kahit gustuhin pa namin na magsalita at magpaliwanag, hindi na. It’s not gonna be worth it. Tatahimik na lang tayo to give way do’n sa inaasahan nating matigil na. Tama na!” sey ng actor.

Nagsasawa na si Lloydie dahil parang isang gulong ang lahat ng mga balita. Paulit-ulit lang. May puputok na isyu, idedenay nila o magbibigay sila ng kaukulang paliwanag, matitigil ang isyu, tapos may lalabas na namang bagong balita, mauungkat na naman ang mga past issues hanggang sa magsanga-sanga na ang lahat.

Although their relationship is besieged with trials ay naniniwala pa rin si Lloydie na magiging maayos ang lahat para sa kanila ni Shaina. “Kami talaga hinihintay na lang na lumipas ito. Wala nang mangyayari. Wala na tayong dapat hintayin pang mangyari kasi gusto nating tumigil na ito,” aniya.

Sana nga ay ma-ging smooth sailing na ang lahat lalo pa’t nakatakda nilang i-pagdiwang ang kani-lang first anniversary sa April.

Kung marami mang mga intri-gang kinakaharap sa kanyang lovelife ngayon si Lloydie ay lalo namang gumaganda ang takbo ng kanyang career. Sa katunayan ay may Book 2 na ang Imortal na pinagtatamba-lan nila ni Angel Locsin. Kagaya ng pag-aabang natin sa love story nina Lloydie at Shaina, dapat din nating abangan ang mga mangyayari pa sa pag-iibigan nina Mateo Rodriguez at Lia Ortega.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “JOHN LLOYD CRUZ, SAWA NA SA ISYUNG IBINABATO SA KANYA!

  1. ang relasyong walang patutunguhan,,,ang bata pa ni shaina,,,ang landiiii!!,…tio namang si ruffa kase bakit pmatol o nagpagamit sya kay jlc kung kelan may 2 ng anak na nasa edad na,,kasiraan tuloy!!tsk,,,naging nega at sira ang image ni jlc at shaina o ni ruffa sa tao,,,,,at mahirap ibalik ang respeto ng tao,,babatikusin sila lagi nito,,gudluck,,

  2. Pingback: Tweets that mention JOHN LLOYD CRUZ, SAWA NA SA ISYUNG IBINABATO SA KANYA! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.