John Lloyd Cruz, Problematic With Boyet And Pip

TRIVIA: MADALAS PALANG magkaproblema si John Lloyd Cruz sa alalay niyang si Pip at sa driver niyang si Boyet. Nagkakaproblema siya kung minsan sa mga transaksiyon niya, lalo na ‘pag inuutusan niya ang isa sa dalawa o ito mismong dalawa ang pinoproblema niya imbes na napapagaan ang kanyang trabaho.

Isasagot n’yo siguro na gayong namumroblema pala, bakit hindi pa palitan ng bago?

Ah, ito naman ang hindi gagawin ni John Lloyd, dahil kahit kung minsan ay namumroblema siya, eh ayos lang. Nadadaan naman sa paliwanag ‘yung katransaksiyon nya.

Saka matagal na sa kanya ang PA at driver niya. Kahit namumroblema siya rito, hindi puwedeng mawala bilang kasama niya.

Teka, ano bang problema niya sa PA at driver niya?

Ang mga pangalan nito: ang driver niya, si Christopher de Leon at ang PA nya, si Tirso Cruz.

Natawa kami, kasi, totoong pangalan nila ‘yon na nagkataong nasa iisang amo lang silang pareho.

Kaya kahit magpakita ng ID ang dalawa, duda pa rin ang kausap ng mga ito at baka nasisiraan lang daw sila ng bait kaya gumagamit ng pangalan ng artista.

Du’n na pumapasok sa eksena si Lloydie para patotohanang ‘yun talaga ang pangalan ng mga kasama niya.

‘WAG NA KAYONG ma-shock kung isang araw ay i-announce ni Anne Curtis na magkakaroon siya ng concert sa Music Museum.

At feeling namin, super excited si Anne sa idea na yon, lalo pa’t feel na feel niya ang pagiging recording artist niya porke siya nga ay meron nang album.

At nakakalokah, dahil mula nung tinweet namin sa aming account ang balitang ito ay very positive naman ang reaksiyon ng mga followers. Hahaha!

Juice ko, importante talagang meron kang kumpiyansa sa sarili, dahil kung wala, paano rin bibilib sa yo ang mga tao, ‘di ba?

‘Yan ang hinaha-ngaan namin kay Anne. Kahit pa sabihin ng mga tao na sintunado ang boses niya basta para sa sarili niya, isa siyang recording artist na.

NA-MOVE NG MAY 4 ang showing ng Tumbok suspense-horror mo-vie na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Dapat this April na ito ipapalabas, naniniwala yata ang Viva Films sa feng shui, kaya hinanapan nila ng magandang playdate.

Kaya tiis-tiis muna ang fans na masilayan ang Tumbok ni Cristine. ‘Yung movie ang ibig naming sabihin!

KUNG GUSTO N’YONG ma-entertain na at makatulong pa sa mga breast cancer patients, watch na lang kayo ng One Night Only with Lloyd Zaragoza sa April 2, sa Area 05 (dating Ratsky), sa Tomas Morato, 8 PM. Special guest ni Lloyd sa show si K Brosas at ilang kasama niya sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

P500 lang ang ticket for the benefit of The Philippine Foundation for Breast Care, Inc.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “John Lloyd Cruz, Problematic With Boyet And Pip

  1. @romel, inggit ka kay Ann. at least si Ann may K ikaw dito kalang baho ba ng ugali mo. nakakahiya ang parents mo dahil they failed na pinalaki ka nila. true diba.

  2. tang ina mo ann, pakantot ka na lang sa mga lalaki kesa magconcert. tsumupa ka na lang kesa kumanta. titi gawin mong micropono.

Leave a Reply

Your email address will not be published.