John Lloyd Cruz, pinabango ang Joel Cruz Signatures – Ogie Diaz

OY, LILINAWIN KO lang po, ha?  Hindi po kami ang idedemanda ni Tito Dolphy ng libel.  At nilinaw na rin po ni Tito Dolphy na hindi po kami ‘yon.  Nagkataon lang na pareho kaming sinulat nu’ng writer na kinaiinisan niya.

“’Yung kay Ogie, ibinigay pa nga niya ang side ni Vandolph, so okay na ‘yon.  ‘Yung sa isa, parang sobra na, eh.  Hindi na totoo!”

Isinulat kasi namin sa isang tabloid ang engkuwentro sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa likod ng City Hall ng Quezon City last August 11, bandang 5 p.m. diumano ni Vandolph sa isang motorista (as in naka-motor din).

Nagkaroon ng “bangayan” habang tumatakbo ang diumano’y sasakyan ni Vandolph at ng motor na nag-cut sa dinadaanan ng sasakyang Ford na blue raw ni Vandolph na naging sanhi ng habulan at hamunan.

Pero ito’y nilinaw ni Vandolph na hindi siya ‘yon at wala siyang dapat iesplika dahil nandu’n siya sa house nila ng dyowa niyang si Jenny sa Fairview.

Kahit kelan, eh, hindi namin binastos si Tito Dolphy.  Mataas ang respeto namin sa King of Comedy kaya hindi kami gagawa ng bagay na hindi fair sa kanya.

Inilabas namin ang panig ni Vandolph kinabukasan agad kaya alam naming naging parehas at patas kami.

HONESTLY, NAKAPAGPADAGDAG NG corporate image sa Joel Cruz Signatures ang pagkakasali ni John Lloyd Cruz, huh!

Sumosi nang konti ang produktong pabango at cologne ng aming kumareng si Joel Cruz (na kasali rin sa Celebrity Duets), kaya meron nang John Lloyd Cruz Likes Her na pambabae at John Lloyd Cruz Like Him ang brand ng pabango.

Sa ginanap na fashion show at press launch bilang pagwe-welcome kay John Lloyd bilang kapamilya na ng Joel Cruz Signatures ay iba ang dating ni John Lloyd kesa kay Alfred Vargas.

At inamoy namin ang pabango at ginamit sa aming braso para bang sampol.  In fairness, all day long ang amoy, huh!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Sexy star, mabaho ang paa!

Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “John Lloyd Cruz, pinabango ang Joel Cruz Signatures – Ogie Diaz

  1. Yes, I am the eldest daughter of Raymond Ronquillo, and I am a victim of tito Willie’s hurtful jokes on Wowowee. Everything you read on the newspapers and internet is true (tito Willie’s cars, the young girls, Aiko Climaco). I had a happy family before my papa became friends with tito Willie. I had a papa who took care of us and loved us so much. But now, we don’t have a papa anymore.

    I know tito Willie or even tito Willie’s friends know about this group. If anyone who knows tito Willie please pass my letter to tito Willie.

    Dear tito Willie,
    I once had a happy family before you came into our lives. I had a papa who cared for us and loved my mama very much. I had a family. Now it’s just my mama, my sisters Robbie and our baby Alex and me. It was because of you, your money and your girls why he left us. Sana may papa pa po kami. We don’t see our papa anymore. He doesn’t talk to us and doesn’t spend time with us. Mas nakakasama mo pa po siya kesa sa amin. I miss my papa. We miss our papa. We miss going to church with him. Sa mall, sa restaurant, sa birthday po namin wala rin siya kasi mayo ang magkasama. Tito Willie, sabi mo po tutulungan mo maayos ang family namin. Pero bakit ganun po? Pinapahiya mo kami sa tv, pinagkakalat mo pa po yung sa kanila ni Aiko. People laugh at us in school. I am hurt. Nahihiya po ako. Nasasaktan po ako kapag nagsusumbong sa akin si Robbie. Mas nasasaktan po kami kapag si mama ang nakikita namin umiiyak kasi mahal nya si papa. You promised to help us. Ang sakit na po tito Willie. Sabi ni papa joke lang yung mga sinasabi mo sa tv, e tito hindi naman po nakakatawa yung mga sinasabi mo kasi ginagawa mong pagtawanan ang papa ko. Sinasaktan mo po ang mama ko, sinasaktan mo po kami dahil pinapamuka mo po sa lahat ng tao na si papa may babae. Ano po bang kasalanan namin sa yo? Wala naman po kaming ginagawang masama sa yo. Tapos ngayon sinama mo pa si papa sa Davao para magkasama sila ni Aiko. Sana po kami na lang ang pinasamahan mo kay papa para nakasama namin siya.

    Tito Willie, please wag mo po kaming saktan na. Kasi naaawa na po ako sa sarili ko. You made fun of us 5 times already on tv. Sabi ni papa sinabi niya na po sa yo na wag mo na kaming pinapahiya sa tv, pero ginawa mo pa uli. Kung hindi pa kami pagtatanggol ni mama e sino pa po ang tutulong sa amin? Si papa pinabayaan na nga kami, tapos yung promise mo po sa amin na tutulungan mo kami maayos ang family namin lalo mo pong sinira.

    Tito I may be young but I have feelings. I am very hurt. I don’t want to cry anymore. Im hurt because you don’t understand how I feel, how my sisters and my mama feel. I’m hurt because I lost my papa and you don’t seem to care for us as my papa’s family. Tito Willie, you’re my papa’s bestfriend. Diba po ang mag bestfriend nagtutulungan tapos sibasabi yung toto lalo na pag may ginagawa silang masama? Tito I’m only 12 but I know what’s right and wrong. May asawa po ang papa ko, mama ko yun, bakit po hindi mo pagsabihan si papa at si Aiko? Bakit ikaw pa po ang tumutulong na magkasama sila?

    I’m glad you’re not my papa tito Willie. Kasi po kung ikaw ang papa ko baka po mas masakit pa yung nararamdaman namin ng mga kapatid ko. Ikaw ang papa namin pero papahiyain mo po kami sa maraming tao. Hindi po joke yung ginagawa mo kasi po ginagawa mo pong pagtawanan ang buhay namin sa tv. I hate you so much tito Willie. Sinira mo po buhay namin. Sinira mo po ang pamilya ko. Masama ka pong tao. Ang plastik plastik mo po. You will go to hell when you die. I hate you so much!!

    Hate you tito Willie,
    Chloe Ronquillo

  2. kaya walang kalatoy latoy at bagsak na ang philippine showbiz having this kind of entertainment writers, marami kasi clang mukhang pera at asal squatter. kung anu anung issue na puro KASINUNGALINGAN, sana naman kahit not so true ang kwento yung makabuluhan naman. kokonti na lang ang entertainment writers na magaling.

    ang basura itong baklang pangit na to, si fermin na masama na mukha at katawan pati budhi, julie bonifacio eh kahit si andres bonifacio idedenay sya, jun lalin maniac na bading. si boy abunda naman kung mag interview ang gesture eh intellectual ang itatanong lang naman “buntis ba si marian” hahahahaahahha gagong kalbo!

  3. Isa pa itong gagong writer na eto.Pinabili lang ng suka writer na bigla.Magsama kayo ni JOHN Llyod mong dugyot tignan.Imagine naka black suit and tie pero ang medyas ay puti.EWWW.Stylist pa naman ex G.F.Maski sa ASAP tinatawanan siya ng kasama ninya tinatawag siyang Mayor dahil sa taste niya sa mga polo shirt.At ano ba yung 3/4’s length na pinapauso ninya.DUGYOT

  4. sayang! sana ikaw na lang ang idedemanda ni Dolphy!

    may parehas at patas ka pang nalalaman diyan! e bias ka rin naman sa ibang artista! namimili ka onggoy ka! hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.