John Lloyd Cruz, pikon na sa mga patuloy na naninira sa relasyon nila ni Shaina Magdayao

KASAMA NATIN KAMAKAILAN si John Lloyd Cruz at mahaba-haba rin ang itinakbo ng aming kuwentuhan sa Crown Plaza diyan sa may Ortigas. Una sa pinag-usapan namin ay ang pagkakapili sa kanya bilang number one sa 100 Most Beautiful Star ng showbizlandia ng Yes Magazine.

Sabi ni John Lloyd, noong una ay hindi raw siya naniniwala, dahil bakit naman siya magiging number one beautiful star, wala naman siyang abs. Hindi naman daw siya kasing guwapo nina Jericho Rosales at Piolo Pascual. Kaya natawa na lang daw siya. Pero seryoso, totoo pala. Dahil humarap siya sa media upang tanggapin ang nasabing karangalan na ibinigay sa kanya ng Yes Magazine.

Sa nasabing presscon, napag-usapan din namin ni Lloydie ang tungkol sa kumakalat na balitang lagi silang nag-aaway ng kanyang kasintahang si Shaina Magdayao. Usap-usapan kasi na anytime, puwede silang mag-break dahil sa araw-araw na pag-aaway. Lagi raw kasing nagseselos si aktres na siyang dahilan para mapikon si aktor, na nilinaw ni John Lloyd na walang katotohanan.

Ayon kay John Lloyd, smooth at maganda raw ang relasyon nila ni Shaina. Hindi rin daw siya natutuwa sa mga balitang pilit silang pinaghihiwalay ni Shaina, gayong tapat silang nagmamahalan ng girlfriend. Isa lang ang pakiusap ng aktor, kung wala raw magawa ‘yung ibang reporter, manahimik na lang at huwag gumawa ng balitang walang katotohanan.
TULUYAN NANG PAPALAOT sa larangan nang pagpapaseksi si Lovi Poe. Si Lovi Poe ay si Lourdes Virginia Moran Poe, anak nang yumaong Fernando Poe, Jr. kay Rowena Moran, isang dating commercial model na nakagawa rin ng pelikula noon, kasama ang the late King of Philippine Cinema.
Mula sa pagiging sweet, handa na ngayong magpaseksi si Lovi, kung saan ay marami ang nagulat sa kanyang unang hakbang  na ginawa sa pelikulang Temptation Island. Sa ngayon, inihahanda na ng Regal Films ang pelikulang maglulunsad kay Lovi bilang bagong Gretchen Barretto, Alma Moreno at LornaTolentino, kung saan ay hindi pa tiyak kung sino ang magiging leading man nito sa sexy movie na gagawin.
Samantala, bagama’t taglay pa rin ni Lovi ang pagiging mahiyain, sinabi ng aktres na hindi na siya bata para magpa-cute pa sa screen. Napapanahon na raw upang gumawa siya ng mga pelikulang aakma sa kanyang edad at personalidad. Handa na raw magpaseksi si Lovi, pero hindi nanga-ngahulugan na ipapakita na niya ang buo niyang katawan.
Sa presscon ng 100 Most Beautiful Star ng Yes Magazine, mariing sinabi sa atin ni Lovi, na huwag na raw ta-yong magulat sa mga naglabasan at maglalabasan pa niyang sexy photos. Dahil una at higit sa lahat, iyon ay hakbang para sa lalong pagyabong ng kanyang karera sa showbizlandia.

BLIND ITEM: NAKAKALOKA, as in, nakakabaliw ang direktor na nakausap namin kamakailan, kung saan sa naganap na interview, for the first time in 20 in showbiz, ngayon lang kami nilagnat, literally, matapos   ang    aming pakikipag-usap.
“May kulangkot ba ako?” Bungad niya at saka ipinakita ang butas ng ilong sa amin. Sabi namin wala. Sumunod naman, tinanong niya sa amin kung bagay bang nakasalamin siya sa gagawing interview, na ang ending ay siya rin ang nasunod sa sariling kagustuhan, na sa totoo lang naman, in fairness to him, bagay naman ke nakasalamin siya o wala.
Heto na ang ikinabaliw namin. Magbibigay siya ng komento pero kapag naramdaman niyang mali ang kanyang grammar o pagkaka-deliver, uulitin niya sa simula ang kanyang mga sinasabi na para bang nasa harap siya ng kamera ng pelikula.
Paulit-ulit at talagang napakahaba ng aming kuwentuhan na dapat sana ay tatagal lang nang limang minuto, pero mag-iisang oras na, hindi pa kami tapos. But in fairness to him, gusto lang niya sigurong maging solido talaga ang mga pakakawalan niyang komento. Kaya lang, hindi na siya makapag-deliver ng mahabang komento. Para bang hirap na hirap na siyang magsalita. Kaya nga sabi namin, para matapos na lang ang interview, dahil mayroon pa ka-ming schedule noong araw na iyon, “Kaya mo ‘yan, direk! Kaya mo ‘yan!
Na ang ending, nilagnat at nakatulog kami sa van pagkatapos ng  aming pakikipag-usap kay Direk EP. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

9 thoughts on “John Lloyd Cruz, pikon na sa mga patuloy na naninira sa relasyon nila ni Shaina Magdayao

  1. ALAM MU JLC PRA NDI NA KAU PAG USAPAN AT INTRIGAHIN MAG QUIT NLANG KAYO SA SHOWBIZ..WALA KAUNG MGAGAWA KUNG AYAW SA IYO NG MGA FANS NOH WALA NMAN KYO SA KNATATAYUAN NU NGAUN KUNDI DHIL DIN SA FANS..MAG ECEP ECEP KA NGA!!!

  2. bastah di rin sila magtatagal, sana (crossed fingers) hehe! dahil akin lang si John lloyd cruz! chos!!!

  3. kaya nga naging sila , kasi nakakita siya ng drinking buddy in Shaina.hindi na mapipigil ang pag inom ni JLC, kong hindi sa kanya mismo manggagaling na titigil na siya sa pag inom.naawa ako sa atay niya.LOL.

  4. disagree ako to compare lovi kay alma and lorna.iba ang charisma nila lorna at alma at di nakakasawa ang ganda besides di naman sila naging involved sa politician,drugs and ka chipayan.inosente  image nila kaya sila kinagat ng publiko…at may staying power pa rin sila

  5. importante nagmamahalan kayo at masaya kayo ni shaina mr.jlc deadma mo na lang intriga at sana huwag ka ng laging drunk ..di nice iyun sa health mo.bad bad bad

  6. It doesn’t mean gusto na kayong paghiwalayin JLc at Shaina ng mga nang intriga! The truth is,walang balita kung walang apoy!!!  Dont be defensive John lloyd!  The truth is, you  and Shaina loves to drink alcohol. I read an article that some  private people really seen you both inside club/bars, not only one time but a lot of times! Oo nga you enjoyed going out,you two are young but avoid showing nasty things or whatsoever-do it in private na lang please!

Leave a Reply

Your email address will not be published.