John Lloyd Cruz, okay lang masampal kung nararapat

John-Lloyd-Cruz John-Lloyd-CruzSA PRESSCON ng Home Sweetie Home, iwas magbigay ng komento si Toni Gonzaga nang matanong ito tungkolsa insidenteng pananampal ni Anne Curtis sa kaparehang si John Lloyd Cruz, kay Phoemela Barranda at sa dalawa pa nitong kasama sa Prive Luxury Club last year.

Para sa TV host-actress, hindi siya magsasalita tungkol dito. Dahil bukod sa hindi niya alam ang totoong nangyari, wala siya sa posisyon na magsalita ng kahit na ano tungkol sa naganap na insidente.

Nang tanungin lang namin kung gentleman ba si John Lloyd, agad namang umoo si Toni at sinabing maginoo talaga ang aktor.

Pasimple namang natanong sina Toni at John Lloyd kung may eksena bang nasampal niya ang aktor, kung saan nahuli niyang nambababae ito, agad namang dumipensa si Toni na mabait at matiisin na asawa ang ginagampanan niyang role. Pero si John Lloyd, nagsalita agad na kung karapat-dapat siyang sampalin ay okay lang. Pero nagsalita ito sa nagtanong ng ‘congrats’ dahil nasingit nito nang pasimple ang nasabing issue.

Sinasabing ang bagong sitcom daw ang maaaring sumunod sa John En Marsha na pinagbidahan noon ng Comedy King na si Dolphy at ni Nida Blanca na tumagal nang mahigit dalawang dekada sa telebisyon.

Ayon kay John Lloyd, kabaliawan para sabihin na sila ang susunod dito, dahil iba ang iniwan ng nasabing sitcom sa buhay ng mga Pilipino. Para naman kay Toni, inspired sila nga nito, pero gusto rin naman nila na makagawa sila ng sariling taktak sa buhay ng mga manonood.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “John Lloyd Cruz, okay lang masampal kung nararapat

  1. nyahahahahha nasa dapit hapon na ang career ng mokong na ito tagay tagay tayo diyan mga Tol,,,mag inuman tayo mga tol hahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.