John Lloyd Cruz, nilinaw na wala siyang Twitter account

MAY NAGPAPANGGAP SA Twitter na siya si John Lloyd Cruz. Ang kanyang username ay @IdanCruz na umani na ng 18 thousand plus followers. Tineks agad namin si Lloydie. Idinenay niya na meron siyang Twitter account. Kahit nga raw Facebook at Friendster account, wala siya, eh. Hanggang text message at tawag sa celfone lang ang nagagawa ni John Lloyd, dahil hindi nga siya techie. Wala siyang tiyaga sa gano’n.

Kaya ipinakiusap na rin sa amin ng young actor na pakilinaw thru Twitter na wala siyang kahit anong account dito.
Ang tunay na pangalan ni John Lloyd ay “Idan,” pero sorry, hindi si JLC ‘yon. Fake account po ito.
ANG PAGKAKADULAS O pagkakatapilok ng Megastar Sharon Cuneta sa kanyang birthday concert sa Araneta Coliseum ay isang hudyat na rin para mas alagaan pa niya ang kanyang kalusugan.
Siguro nga, sa sobrang lusog ng aming kumare, kaya na-off-balance din siya.

Pero isang tunay na professional si Sharon, dahil the show must go on sa kanya. Kaya saludo kami sa kanya nu’ng hindi muna niya ininda ang sakit. After the show na lang siya bumigay. At since love namin ang Megastar, siguro nga, kailangang magpakundisyon ni Mega para makaya na niya ang mga steps ni Billy Crawford. Juice ko, kami nga rin, bigat na bigat na sa aming katawan. Kailangan nang maglaro uli ng badminton para pawisan, promise.
NAKAKATAWA SI VICE Ganda. Sabi niya, i-blind item naman daw namin siya minsan para daw fair kami sa lahat ng ibina-blind item namin sa E-Live!

“Basta, ate, ha? ‘Wag tungkol sa lovelife. Marupok ako d’yan. Ha-ha-ha-ha! ‘Yung ibang mga kagagahan ko na lang.  “Basta lalaliman mo ang clue, ha? ‘Wag bigay na bigay para mahirapan naman akong manghula. Ha-ha-ha!”
Sige, one of these days!
WATCH KAYO NG E-Live! pagkatapos ng Showtime, dahil ibubuking na namin kung sino ang TV host na nag-alok ng condo, kotse at mga bonggang celfone sa isang “nilalang”. At kung sino ang young actor na nagpa-spa, pero ang akala niya yata, hindi disenteng spa ‘yon at naghahanap siya ng “spakol” (spa na may kasamang jak-l!).
Kahit kami nga rin, na-shock, eh. Hindi namin akalain.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “John Lloyd Cruz, nilinaw na wala siyang Twitter account

  1. ung mga naninira dian kay john lloyd tigilan nio n xa… Ska wla naman kaung pakialam kung cno man magiging girlfriend nia… Desisyon nia un.. may sarili nman  xang buhay…saka para skin okay prin  ung career nia… SIGE LNG JOHN LLOYD ! I LOVE ALL UR MOVIES AND SHOWS ! WAG K PAAPEKTO S KNILA !  GO LNG NG GO ! SUSPORTAHAN KITA KHIT ANON MANGYARI ! :)

  2. anu ba kau wala kaung pakialam qng anu man ang ginagawa nila may kanya2 silang sarili hayaan natin cla at tigilan na ang pagsisira bantayan nyo kaya sarili nyo hindi ung sarili ng iba?mahiya namn kau…

  3. yuck ang cheapipay naman ng dating ni john lloyd parang taong kalye… yuck! ang panget din ng partner nya sa imortal na si anghet locsin kaya naman talo pa ng dwarfina ang ratings nyan eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeew…. ang appeal ni john lloyd pang-cheapipay lang… no wonder ang daming may gusto jan kasi ang daming cheapipay dito sa pilipinas

  4. UE BA PO NA MAY MMK NA DARATING SI JLC WID KRISTIN HERMOSA AT JON AVILA soon???bagay sila ni tin din,,di pa sila nagtambal,,sana matuloy diba,,

  5. sayang si JLC,,nasira ng tuloy ang imahe nya,,mula n maugnay kay RUFA GUTTIREZ AT SHAINA MAGDAYAO na natag na sa kanya ang gamitero in wat ever sense,,ang bata at matandang babae sa buhay ni jlc,,wahahahah,,,,ikina nega nya ito,,,as in!!magaling pa naman syang actor,,,tsk,,sabi ko nga,,ang lovelife at bad attitude ang kadalasan ikinakalagpak ng isang star o ng tao,,sa life nila,,tsk,,umayos naman kase,artista ka e,,.be role model,,

  6. dapat lang naman na walang facebook at twiiter or any social networking ang mga stars para iwas isyu kase,,ang matalim ang mga mata ng tao sa isang star,,saka,,public na sila,,so,,wag na dapat silang mag fb o anupaman,,kase magkakaisyu tlaga sila,,,madaming manloloko at naninira sa ngayon,,kay be vigilat at beware sa mga taong nakakasalumha natin,,sabi nga WE CANNOT CHOOSE PIPOL BUT WE CAN CHOOSE FRENS,,ok,

  7. hindi ako makapag comment napapatingin ako dito sa babaeng sumasayaw dito sa harapan ko. tinatanggal pa ang bra. nice. ayos ito.

    • …lalake ka nga eye of the tiger,may pagnanasa ka pa dyan.e kaming nakaka kita sa mga girl na yan e naiinis na. kaya nga nililiitan ko ang screen,para di makita.sexy yung naka red ,pero yung naka blue mukhang sawa lang. ummm…..yun na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.