John Lloyd Cruz, nilinaw ang isyu sa relasyon nila ni Angelica Panganiban

Angelica-Panganiban-John-Lloyd-CruzBINIGYANG-LINAW NI John Loyd Cruz ang balita na nagkakalabuan na sila ni Angelica Panganiban. Hindi raw totoo ‘yung tsismis, going stronger daw ang kanilang relationship. Walang dahilan para magkalabuan sila. Happy ang couple sa takbo ng kanilang relasyon. Hindi porke nanahimik sila pareho, hindi ibig sabihin may something sa love relationship ng dalawa.

Kahit bihirang magkita sina Lloydie at Angelica, hindi nawawala ang communication nila sa isa’t isa. Pareho kasing busy sa trabaho. Si Angel abala sa kanyang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo with Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Inihahanda naman ang bagong soap ni Lloydie sa Kapamilya Network. As much as possible, ayaw ng award-winning actor na pinag-uusapan ang kanyang personal life. Mas gusto nitong maging private ang tungkol sa kanila ni Angel.

Kailan naman kaya lalagay sa tahimik si Lloydie? Nasa tamang edad na raw ito para magpakasal at bumuo ng sarili niyang pamilya. “Hindi pa ako ready, priority ko muna ang trabaho. Darating tayo riyan, hindi pa siguro sa ngayon. Kung mag- aasawa na ako, gusto ko, buong-buong maibibigay ko sa pamilya ko ang oras at panahon. Sila na ang magiging priority ko sa buhay, secondary na lang ang trabaho. Marami pa akong gustong gawin, ma-achieve, at alam ‘yan ni Angelica.”

Oo nga’t napag-usapan nina John Lloyd at Angel ang tungkol sa kasal, pero hindi ganu’n kaseryoso dahil pareho lang silang hindi pa ready sa lifetime commitment. Ini-enjoy naman nila ‘yung relationship na mayroon sila sa ngayon. They’re both happy kahit inaabangan ng bashers ang takbo ng kanilang love affair, kung hanggang kailan sila magtatagal.

Napanood namin last Saturday ang kakaibang acting performance ni Lloydie sa MMK. As expected, ang galing niya. Maging si Kaye Abad, hindi rin nagpahuli sa mga dramatic scene nila ng actor. Walang ka-effort-effort ang actress sa kanyang mga eksena. Pero mararamdaman mo ang character na pino-portray nito bilang asawa ni JLC.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleKris Aquino, bagong past time ang pumatol sa bashers
Next articleDawn Zulueta at Gretchen Barretto, nag-isnaban at nag-iwasan sa isang event?

No posts to display