John Lloyd Cruz, nilimot na ang ‘hospital’ issue

SA TRAILER PA lang ng My Amnesia Girl ni Direk Cathy Garcia-Molina, may kilig factor na ang unang tambalan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Inamin ni Loydie na may tensiyong namagitan sa kanilang dalawa habang ginagawa ang comedy-love story ng Star Cinema.

“Siyempre lagi naman nand’yan ‘yung pressure. Sa kaso ko, kahit pa madalas kaming magkasama ni Bea pero everytime na mayroon kaming pelikulang lalabas hindi maiiwasang nenerbyusin ka, matakot ka. Aasahan mo na lang ‘yung material na ibinibenta mo. Ayaw kong magyabang pero maganda po ang pelikula namin.”

Reaction ni Lloydie nang malaman niyang si Toni ang kanyang leading lady? “Wala sa plano ito. Kasi ang gagawin ko dapat Kanto Boys. Sobrang wala ito sa plano, hindi ko tinatanong. Lagi ko namang tinatanong, ang palaging question ko, material content. It is the right time to do it? If this is the right project for me… To be honest with you, nu’ng simula nang i-present sa akin ito, hindi agad nasagot ‘yung mga tanong ko. Pero noong i-present na ‘yung material at narinig ko na talagang I’m after the material. Kaya nga naghiwalay kami sa Miss You Like Crazy, sabi nga ng Star Cinema, maghiwalay muna kayo. Noong panahon ng Dubai sinasabi ko na ito, when Aga Muhlach told me, all things we’re thought for the best, ‘yun ang pinaniwalaan ko. Maybe, ito ‘yung pinakamagandang mangyayari.”

Paano binago ni Direk Cathy ang character mo rito sa My Amnesia Girl? “Character wise, ngayon palang ako gumawa ng ganito. Hindi pa ako nakagawa ng ganitong character na mas angat ‘yung comedy.”

Sa tingin kaya ni Lloydie, may chemistry silang dalawa ni Toni? “In the biginning may duda ka, pero everyday na magkakasama kayo. Marami kayong nadi-discover sa isa’t isa, both professionally ang personally. ‘Yung mga bagay na ‘yun nagpa-factor in para masabi mong mayroon ito, may nakikita ka, may nararamdaman ka.”

Sigurado kaya si John Lloyd na bawat pelikula niya pinapanood ng publiko? “Well, mahirap kasing panindigan. Parang hindi mapalagay ang utak ko na wala akong iisipin na every year maraming manonood ng pelikula ko, baka mabaliw naman ako! Darating ang panahon na may ibang pelikula na mas panonoorin in terms of box-office. To do a movie na may kalidad at hindi pinababayaan.”

May tsismis na diumano nagkakalabuan na sina John Lloyd at Shaina Magdayao. “Masaya po kami, walang problema. Medyo salungat du’n sa mga nababalita. Siguro this is the right time to tell everyone, especially sa mga taong nagpapakita ng concern du’n sa relasyon. We’re very much together and we’re very much happy. Sa totoo lang, hindi ko alam if someone intentionally put as down. Parang may nag-hire ng demolition group, parang ganoon ang dating.”

Inamin ni Lloydie na napipikon na siya sa nga negative write-ups na naglalabasan tungkol sa kanila ni Shaina. “Sinasabi ko nga, lagi naman kaming binabato ng kung anu-anong akusasyon, intriga… hinuhusgahan ‘yung status ng relasyon. ‘Yung hospital issue, talagang mayroon sa amin ‘yun at saka may mga pamangkin ako. Sobra ‘yung ginawa sa amin… Ito ‘yung pinakamababa, pinaka-cheap, ‘di ba? Sabi ko nga, nagkataon lang kami, kahit kanino mangyari ‘yun, ganito rin ang magiging epekto nu’n.” Siyempre, nanggigigil ka na, mabuti na lang, hindi ko nalaman kung sino kasi kung napatunayan ko kung sino, baka may nagawa kang… Nagpapasalamat ako at hindi ko nalaman, ayokong isipin baka kung ano ang magawa mo.”

May suspetsa ka kung sino ang may kagagawan ng mga nasty rumors between you and Shaina? “Hindi po natin ugaling magbintang, mahirap pong magbintang. Kahit suspetsa hindi ko ini-entertain sa utak ko, kasi mahirap. ‘Pag mayroon kang pinagsususpetsahan puwedeng palabasin na siya ‘yung gumawa. Pero ganoon talaga kapag maganda ang nangyayari sa ‘yo o masaya ka. Para bang ayaw nilang maging masaya ka.”

May plano ba kayo ni Shaina this Christmas? “Wala pa po, mas may plano ako with the family. For the first time for five years nabuo uli kami, umuwi ‘yung Kuya ko. ‘Yun siguro mas engrande, mas nadu’n ang plano ko. Traditional nasa bahay lang kami pero in between Christmas and New Year ‘yun ang medyo maiba.

Reaction ni John Lloyd sa napapabalitang diumano pakikipagrelasyon ni Liz Uy kay P-Noy? “Nasa kanila ‘yun, personal na buhay nila ‘yun. Sabi ko nga, noong nakaraang interview, I realize, I’ve rather not talk about her anymore kasi hindi naman tayo sigurado if she will appreaciate the idea na nagsasalita pa ako, sumasagot pa ako ng mga bagay-bagay tungkol sa personal niyang buhay. Mas okey na hindi ako mag-comment about it. Matagal na kaming walang communication.

Ayon kay Lloydie, at the age of 33, gusto na niyang lumagay sa tahimik kung makapaghihintay si Shaina. ‘Yun na.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

9 thoughts on “John Lloyd Cruz, nilimot na ang ‘hospital’ issue

  1. naku Lloydie, hindi na yan makapaghintay si shaina, baka matesbun yan.

    pagmay asawa na si LLoydie, bye na lang sa movie career niya. susuporta na rin sa ibang stars.

Leave a Reply

Your email address will not be published.