John Lloyd Cruz, naunahan ni Sam kay Bea Alonzo!

SEKSING-SEKSI NGAYON SI Bea Alonzo.

Halos mga 15 pounds pala ang na-lose nitong weight kaya naman sa upcoming movie niya na And I Love You So, naglakas-loob na siyang mag-two-piece at magkaroon nga ng intimate scenes with Sam Milby.

Nang mabanggit namin ito kay John Lloyd Cruz noong birthday presscon niya sabay pakita ng isang magasin kung saan nga cover ang seksing si Bea, napamulagat si Lloydie.

“Oo nga ano?” Pagsang-ayon niya sa pagiging seksi at daring ngayon ng kanyang orig love team partner.

Nang amin pa siyang kantiyawan kung bakit kay Sam at hindi sa kanya pumayag na magkaroon ng maiinit na eksena si Bea, sinabi nitong, “Malay naman natin, ang susunod kong pelikula, siya ang kasama ko.”

Ibig bang sabihin nito ay nakahanda na nga ring sumabak sa mga sexy roles si Lloydie?

“Bakit hindi pa ba?” Ang pilyong sagot nito sabay kambyo na sa last movie nila ni Bea, nagpa-sexy na rin naman siya.

Well, ngayong taon ang planong muli silang pagsamahin. Daring at sexy na silang pareho, at tila pati sa lovelife, back to zero sila. Kaya’t perfect timing na masasabi ang kanilang pagbabalik-tamabalan sa movie, ‘di ba?

Ay, teka, parang hindi namin nasabi kung kailan nga finally inamin ni Papa LLoydie na pormal na nga silang nag-break ng kanyang non-showbiz girlfriend?

Hala, batiin na nga lang siya ng isang bonggang hapi bertdey ngayong darating na June 24. At hapi trip sa mga pupuntang Amerika na mga Star Magic talents!

TILA HINDI NAMAN mababakante ang itinuturing na mga prinsipe ng primetime ng ABS-CBN.

Aba’y sa action roles nga ililinya ang mga proyekto para kina Gerald Anderson at Jake Cuenca, ang mga paboritong ‘Bok’ ng sambayanan ngayon dahil sa Tayong Dalawa.

Anyway, sila nga ang dalawang pangunahing mga leading men na magre-reprise sa mga famous movie roles ni dating Senador Ramon Revilla Sr.

Apat na mga pelikula ng dating action superstar ang nabili ng ABS-CBN sa pamilya ng mga Revilla at plano nga ng network na gawing series ito na pagbibidahan ng dalawang prinsipe nila.

Ayon sa kaibigan naming si Andeng Bautista-Ynares, hindi sila nahirapang makipagnegosasyon sa ABS-CBN na napakatagal na palang panahon na nanliligaw, kumbaga, para makuha ang rights ng nasabing mga titles that include: Pepeng Agimat, Elias Paniki, Tonyong Bayawak, at Tiagong Akyat.

“Excited siyempre kami dahil mabibigyan ng bagong buhay ang mga dating movies ni Daddy. Masayang-masaya nga siya nang malaman niyang natuloy na rin sa wakas,” ang tsika pa ni kapatid na Andeng.

Tiagong Akyat ang nakatoka kay Gerard, habang Elias Paniki naman si Jake. Makakasama rin nila sina Jolo Revilla at Coco Martin na magbibida naman sa Pepeng Agimat at Tonyong Bayawak respectively.

Well, isang napakalaking good luck ang aming bati sa kanila dahil tiyak na isa na namang magandang agimat series itong ating mapapanood soon!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.