John Lloyd Cruz, nalasing sa tagumpay?


INDIRECTLY, INAMIN NI John Lloyd Cruz na kung minsan, e, talagang nalasing siya sa tagumpay, not necessarily admitting na once upon a time, e, nalango siya sa alak.

Kahit na isa siyang bankable actor, e, aminado rin naman siyang hindi siya perfect at nakagagawa rin naman siya ng mga bagay na hindi ikinatutuwa ng mga mahal niya sa buhay. May ilan din daw siyang nagagawa na hindi puwedeng maipagmalaki. And sometimes, talagang sumasadsad daw siya.

What’s good in Lloydie’s attitude, e, he rose above those life’s flaws at siya mismo ay umamin din na na-overcome niya ang lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay.

He didn’t admit nor deny na nagpakalango siya noon sa alak pero sa kanyang mga sinabi, e, para na rin niyang inamin na true nga ang mga naglabasang negative issues against him.

Going back to his lovelife, kahit na anong pukpok ang gawin, e, wala kang mapipiga sa kanilang dalawa ni Bea Alonzo.

Oo nga’t third time na silang nagsasama sa movie with the latest project, Miss You Like Crazy, pero in all honesty, wala talaga silang relasyon in real-life. Wala ring ligawan na nangyayari.

Siguro, klik sila as a loveteam. Siguro, kinikilig nga ang kanilang mga fans kapag sila ang magkasama but sad to say, mukhang si Liz Uy pa rin ang itinitibok ng puso ni John kahit split na sila.

Bakit namin nasabi? Dahil inamin din ni Lloydie in front of John-Bea solid fans na lagi silang nag-uusap at nagpapalitan ng text messages ni Liz kahit na magkahiwalay na sila. Kaya siguro, kung meron man siyang dapat sabihan ng “…miss you like crazy,” e, ang kanyang ex.

Siguro, ‘yon ang pagkakamali ng creators ng Geoff Eigenmann and Carla Abellana loveteam kaya never itong nag-click.

Pinilit kasi ng mga taong nasa likod nila na magkaroon sila ng kilig at magic pero walang nangyaring ganu’n dahil mismong ang mga body languages nina Carla at Geoff ang nagsabi na hindi talaga sila para sa isa’t isa.

Halata kasi ang kanilang pagsisinungaling at hindi sila naging totoo sa kanilang mga sarili. Siguro, nagpadala lang sila sa mga dikta ng GMA executives kaya na-turn off ang kanilang mga fans, hence, hindi na humaba ang kanilang tandem.

Kung naging honest lang sila sa kanilang mga tagasuporta sa pagsabing okay sila as a loveteam pero not in real-life, malamang, baka minahal at sinuportahan pa sila ng mga kababayan natin…. pwamis!!!

Magaling na aktor, sa paghahanap ng madatung na matrona nagpapaka-busy?!

Hmmm… wala na bang project ang magaling na aktor na ito kaya sa mga shoutouts na lang niya sa Facebook natin siya napapansin?

Madalas nating marinig noon ang hindi magandang working attitude ng ating bida kaya nakapanghihinayang dahil hindi na rin siya visible sa pelikula at sa telebisyon. Kahit ‘yata sa mga indie films, hindi na rin siya kinukuha kaya nakapanghihinayang ang galing niya sa pag-arte.

Ang balita namin, ang paghahanap ng madatung na matronix ang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni magaling na aktor.

Kunsabagay, p`wede naman niyang praktisin ang kanyang acting prowess sa mga matronix kapag humihirit siya ng kanyang mga need, hendehvah, kaya panalo pa rin… getz?!

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Magaling na aktor, sa paghahanap ng madatung na matrona nagpapaka-busy?!

loading...

3 thoughts on “John Lloyd Cruz, nalasing sa tagumpay?

  1. ang problema kila geoff at carla nasa gma sila hehehe mga jologs at squatter nanunuod dun paano sila maiintindihan mga inglesero at inglesera sila

  2. hindi namn yung loveteam ang problema kila carla at geof , kundi yung kawalang nila ng talent sa pag arte. hindi ngunit anak sila ng mga magagaling na artista e tatangkilikin na sila e di naman nila namana ang husay sa pag arte ng mga parents nila. sana man lang sinabak muna sa supporting roles ang mga taong ito ng sa ganun e mabistahan ang pag arte nila e hindi nilagay agad sa bida at sa primetime pa man din, ayun nasilat ang GMA. asan na ngayon sila?

Leave a Reply

Your email address will not be published.