John Lloyd Cruz, nakiusap na ‘wag na siyang idawit sa kaso ni Vhong Navarro

John-Lloyd-Cruz John-Lloyd-CruzINAMIN NI John Lloyd Cruz na kilala niya si Cedric Lee noong sila pa ni Shaina Magdayao. Nakikita raw niya noon ang controversial na negosyante sa family gathering ng mga Magdayao dahil noon time na ‘yun ay may relasyon pa sina Vina Morales at Cedric.

Pakiusap ni Lloydie na huwag nang idawit pa ang pangalan niya dahil nasa korte na ang kaso.

“Tumakbo na ang kaso nila. I think it’s best na huwag na lang akong magbigay ng kahit na anong… kasi hindi naman importante ‘yun. Wala na akong dapat sabihin tungkol diyan,” say ni John Lloyd.

Dagdag pa niya, napakasentibo ng kaso para sa kaibigan niyang si Vhong at alam din daw ni Lloydie na hindi madali ang pinagdaraanan ng actor/TV host.

Sa tanong kung sakaling sa kanya nangyari ang dinanas na bugbog ni Vhong, ipaglalaban din ba niya na makamit ang hustiya?

“Oo naman kasi kahit sinong tao na nasa tama, I mean, hindi naman ikinakaila ng kaibigan ko na nagkamali siya sa kanyang girlfriend. Hindi naman siya nagmamalinis.

“Pero hindi naman tama ‘yung sinapit niya. So, siya ang nakaaalam, alam kong nagsasabi ng totoo ang kaibigan ko at humahanga ako na pinanindigan niya dahil hindi madali ‘yung… minsan mahirap manindigan, lalo kapag may kapalit kaya humahanga ako sa kaibigan ko,” pahayag ni John Lloyd.

Samantala, inamin din ni Lloydie na may inihahandang project na pagsasamahan nila ni Anne Curtis pero bawal pa raw idetalye ang tungkol dito. Bawal pa rin daw niyang sabihin kung teleserye or pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “John Lloyd Cruz, nakiusap na ‘wag na siyang idawit sa kaso ni Vhong Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published.