John Lloyd Cruz, nagiging masungit dahil kay Shaina Magdayao?!

SA RECENT ENCOUNTER ng mga kapatid sa panulat kay John Lloyd Cruz, marami ang nakapansin na sobrang umiinit ang ulo ng aktor kapag natatanong siya tungkol kay Shaina Magdayao. Why kaya?

Oo nga’t alam naming may news blackout ang Dos sa kanilang dalawa ni Shaina, pero bakit nag-iiba ang kanyang mood at medyo sumisimangot kapag ‘yun ang nagiging topic?

Kung talagang may relasyon sila at love niya in the real sense of the word si Shaina, aba’y dapat, kiligin pa nga siya kapag ang magandang young star ang napag-uusapan, hendehvah?

At kung wala naman talaga silang relasyon, mas lalong walang rason para magsungit, sa totoo lang!

Kung may mga taong natapakan ang dalawa sa kanilang relasyon ngayon, wala na ring magagawa ang mga ‘yon but to move on. Ganu’n naman kasi talaga ang isang relasyon, isang malaking pusta na minsan, nananalo at minsan, natatalo rin.

Hindi na bago sa showbiz ang pagririgodon ng mag-syota kaya sana, ‘wag na ring i-big deal ni Papa JLC ang pagkaka-link niya kay Shaina para hindi na rin siya sumisimangot kapag napag-uusapan ang isyung ito.

Nagmumukha pa namang tipsy si Papa JLC kapag medyo nagagalit… joke!

NAGKAROON BA NG pagbabago ang Sunday viewing habit ng mga Pinoy sa launching kahapon ng Party Pilipinas o parang wala lang?

Kung kami ang tatanungin, e,wala. Parang walang nakapansin na nai-launch na pala ang Sunday show na ‘yon ng GMA-7.

Paano ba naman, karamihan sa mga kababayan natin, e, busy na sa pagbabakasyon at pagpunta sa probinsiya kung hindi man nagre-relax sa mga resorts. Kaya paano pa sila makapanonood ng launching?

Pero ang kapitbahay naming maka-Kapuso, e, tumutok nang maigi at ito ang kanyang napansin. Pasok!

“Ganu’n pa rin. Ang production number nina Ogie, Regine, Janno at Jaya, e, parang SOP pa rin. Sana nga tinanggal na lang si Jaya dahil siya pa ‘yata ang nakasira sa production number, dahil sobrang taba niya sa screen.

“Ang grupong Pop Girls naman, halatang kulang sa practice. Halata sa TV ang mga mali nina Yna Asistio at Mark Herras. Ang Starstruck 5 na si Sarah Lahbati, hindi makasabay sa pagli-lip sync, ano ba ‘yan?

“’Yung mga co-hosts naman, very obvious na parang desperate dahil puro superlatives ang ibinibigay na comment sa bawat production number kahit walang kuwenta.

“Sa sobrang asiwa namin sa show, e, inilipat na lang namin ang channel sa ASAP XV para masilip namin ‘yung Anne Curtis scandal. Kasi kung pinatagal pa namin ang pag-watch sa Party Pilipinas, e, baka nabato namin ang TV, sa totoo lang,” ang medyo bayolente nang kuwento sa amin ng aming friend.

Easy! ‘Wag naman. Bigyan pa natin sila ng chance next Sunday at baka nanganganay lang.

Pero dagdag pa ng friend namin, sana raw SOS (as in Save Our Ship) na lang ang ipinalit na title sa SOP dahil mas bagay daw ‘yon kesa sa Party Pilipinas. You talaga, kapatid na kapitbahay, hek-hek-hek!

NAGKAROON NG lindol sa ‘Pinas last week at sa araw ding ‘yon ini-launch ang bagong TV5 na tinawag na Kapatid Channel. Ang lindol kaya na ‘yon ang dahilan kaya nawala ang Ka-shake Mo Network tag ng TV5 at naging Kapatid Channel?

Anyway, ilan sa mga early favorites namin sa Kapatid Network ang Face to Face ni Amy Perez na mala-Jerry Springer Show ng ‘Merika ang dating, ang Loco Moko University pati na rin ang Pidol’s Wonderland.

Ang alam namin, may show rin si Joey Marquez sa TV5 pero hindi masyadong nai-hype. Siguro nga, ang pagka-kandidato niya sa Parañaque ang dahilan kung bakit hindi na muna ito pinag-usapan.

Sina Oyo Boy Sotto, JC De Vera at John Prats ang pinakilalang primetime prince ng TV5. Just wondering, kung sila na ang mga prinsipe, e, paano na si Dingdong Dantes kapag pumasok na siya sa Singko?

Siya kaya ang magiging Primetime King? Esep-esep!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

25 thoughts on “John Lloyd Cruz, nagiging masungit dahil kay Shaina Magdayao?!

  1. HOY!! VIVAPINATA ANG TANGA MO! DI NMAN NEED GUMIMIK NG KAPAMILYA PRA LANG MAPANSIN!! HINDI GINUSTO NI ANNE CURTIS NA MANGYARI UN HINDI NYA SINADYA UN TANGA KA!! EH KAHIT MAN NANGYARI UN EH MAGANDA PRIN SYA AT WALANG MAGBABAGO SA PAG HANGA NAMIN SA KANYA BOBA KA!! AT ANG PARTY KANGUSO NYO..DINAMAY PA ANG PILIPINAS!! ANO BA YAN PARTY PILIPINAS DAW??..EH DI NMAN DAPAT PARTY PILIPINAS ANG BAGAY JAN!! ANG BAGAY JAN PARTY IN HELL….DAPAT NAG COSTUME SILA NG PANG NOV.1!! WALANG KWENTA SAYANG KORYENTE SA KANILA!! ANG BOBO NG NAGIISIP PARA SA PARTY HELL NA YAN!!!…TULAD MO VIVAPINATA!! ANG CCHEAPPPP!!!!! SAYANG BUDGET JAN!!!! ISARADO NYO NA UN CHANNEL 7 NA KANGUSO NYO!!!!…LoLz))))))))))))))

  2. I like party pilipinas, ang saya saya!!! like the opening number and esp. yung showdown ni fusion at mark herras, yung dance number nila heart e, rhian, lovi, bianca, and carla, ang dance number din starstuck na sina diva, renzo at rocco naccino, ang dance number ni richard g at ang sweet na sayaw ni marian at dd… and the closing number ng la diva!!! I like also ang mga bagong host esp. with tim yap at ang dalawang pamangkin ni robin p.

  3. Mali ata ang survey ng AGB a, mukha atang mas mataas dapat ang rating ng Party Pilipinas kesa sa ASAp kasi kahit saan ako mgbasang site, talagang soar high ang mga comment ng mga negang maka abs, pati talent ng abs abot abot ang pag tweet abot sa PP, meaning marami talagang nanuod pala, o hindi lang yun nabilang ng agb?
    For me, much better ang Party Pilipinas kesa sa SOP at least marami na sila compare dati na sila sila lang while sa ASAP full force lahat. I still give 5 stars for party pilipinas for the 1st show dahil kunti lang ang lamang ng ASAP sa kanila, pano nag abang ang mga tao sa suso ni anne c. baka nga naman ipakita lol.

  4. TUTUO…JLC masungit kasi di niya ma-admit sila ni Shaina in public kasi may mga ginago sila…may iniputan at si Shaina, sa thread niya nag comment pa-such a bitch…such a liar…GET LOST BOTH OF YOU JLC & SHAINA!!!

    • John Lloyd Cruz is not “masungit”. I know him enough to prove you wrong. He’s a very down-to-earth person and his very kind. If they don’t want to reveal their relationship, so just leave them alone. It’s their private lives anyways. =p

      • TSULID KA HALATA!…LASENGGO IDOL MO!…DAHIL SA ALAK TSUK TSAK NG TSUK TSAK…TALO TALO LANG YAN MGA TAGA ASAP…TIKIMAN LANG!…EH C SHAINA ANG UNANG BUMIGAY KE IDOL MO KAYA AYAN HEADLINE!

  5. ‘KALOKA!

    nilipat ko ‘yung channel para masilip ang pilot ng “PARTY PILIPINAS” pero hindi ako nakatagal kahit isang minuto man lang kasi para pa rin siyang SOP but much, much worse.

    dapat hindi na lang nila pinalitan ‘yung name. wala namang nagbago maliban sa pag-introduce kay MARK BAUTISTA bilang pinakabagong kapuso.

    i doubt kung makaabot sila ng 15 years kagaya ng ASAP XV.

  6. sobrang pangit ng party pilipinas.. napakaboring tsaka parang trying hard lahat.. mas maganda sana kung magpakatotoo na lang sila para mas feel ng audience ung songs and dance numbers nila.. wala kasing kalatoy latoy ai..

  7. I was not impressed at all dun sa pinagmamalaki ng Party Pilipinas na inimport pa nilang choreographer na si Fusion! I was expecting it to be at least at par sa G-Force ng ASAP kaso sobrang ordinary steps lang rin yung pinakita! Sayang! dami pa naman nag abang sa show tapos walang dating parang SOP lang rin! I heard same director na si Louie Ignacio pa rin director kaya siguro same ideas lang rin ang naipalabas! ang bongga lang talaga eh yung stage….yun lang! pero talent-wise….KULANG NA KULANG pa rin ang Party Pilipinas! sana mag improve pa talaga yung sa dancing nila kasi sayang!

    • tsk! tsk!

      nagsayang lang ng pera ang siyete sa pagkuha ng serbisyo ng hitad na fusion na ‘yan kung sino man siya.

  8. pagpasensyahan nyo na si john lloyd…nakainom na naman kasi si shaiana medyo tipsy pa..inuman sila nanaman…kaya ganun…ibang level na yung dalawa.di na gatas iniinom na mga lasengo at lasenga na yan…

  9. BWAHAHHAHAHAHHAHHA
    BWAHAHAHHAHAHHAHAH
    BWAHAHAHHAHAHAHA
    BWAHAHAHAHHAHAHHA

    NAKAKATAWA TALAGA KAHAPON
    PARANG NAGBAKASYON LNG ANG SOP AT BUMALIK SILA KAHAPON

    WOW NA WOW TALAGA ANG KABADUYAN AT KAPANGITAN NG PERPOORMANCE NILA

    YAN BA ANG NAG PREPARE NG ILANG WEEKS
    SA TINGIN PARANG NAGREHEARSAL LNG SILA
    BWAHAHHAHAHHA
    BWAHAHAHHAHAHHA

    WLANG NAIBA
    OGI
    JANO
    REGINE
    JAYA
    MGA FEELING BATA

    BWAHAHAHHAHA
    BWAHAHHAAHHAHAH
    BWAHAAHHAHAHA
    MASKI HIND ELIVE ANG ASAP NAPAKAGALING NG BUONG SHOW NILA
    DA BEST TALAGA

    D BA NAG IMPORT PA SILA NG CHOREOGRAPHER FROM USA
    ANO BA YAN
    NAKAKALOKANG MGA PERPOORMANCE

    BWAHAHAHAHHAHA
    BWAAHHAHHAHA
    BWAHAHAHAHHAHAAAAAAAAAAAAAAAA

  10. Mr. Joey Sarmiento iparating mo eto sa kinauukulan ha, sa GMA management. Kahit papaano’y love ko pa rin GMA. Love ko rin kapamilya hehe.

  11. But in fairness, maganda ang set up ng stage, lightings…ayun, piliin niyo na lang ang performers niyo o kaya more practice pa. Yung mga co host, be natural na lang sa pagsassalita, wag masyado yung memoryadong paghohost…ayyy, sabi ko aalis na ako. O siya babush na talaga.

  12. Pwede po ba, bigyan na lang ng ibang show si Jaya and Regine? Nasaan na sila Ryza Cenon, Chyna Ortaleza? LJ, Rainier, Sheena? mas maganda at magagaling sumayaw ang mga yun, bukod sa mga sexy rin naman. Kung sino sino kasi mga isinasalang niyo eh…sino ba yung Eurasia? Pop girls? Frencesca ba yun? Si Katrina Halili, wag na isama sa Party Pilipinas, bigyan niyo na lang ng teleserye…promise, Di po talaga bagay. Sina Jonalyn Viray or mga La Diva hmmm, ayun. Igawa niyo na lang ng show mga yun kasama si Jaya and Regine. Hay naku, alis na ako. Basta magresearch kayo, pagbutihan niyo at Goodluck pa rin.

  13. tama ka nga sna c ms claudine na lang instead of jaya!!! korek lipsync na nga lang d pa prinactice maigi!!! pinanood ko dahil kay ms claudine lang! tama ka MYLENE maganda un presentation ung set up !!!! but ang problema ang mga PERFORMER parang SOP dn lang ang dating!!!! sayang maganda pa nman sana ung mga production number kaso mga performer esp. un iba no name na nga d pa nageffort!!! cjolina nman TH sa pagka ladygaga kainis !!!!parang back up nya na lang tuloy c jennelynmercado bakit nman pumayag c jen na back up ehmas sikat nman sya ngaun kay jolina no!!! basta ilove u ms claudin :)

  14. Nanood ako honestly. Okay naman sana yung ibang reformat kaso nakakadismaya yung ibang show kagaya nga ng lip synch ni Sarah Labhati kino-close up pa mandin pero parang tuod walang kabuhay buhay yung performance niya(GMA paging, kulang pa sa training at praktis yung ibang talent, payong concern lang po, hindi sa nang ookray ako, base eto sa nakikita ko. Medyo baduy lang yung loveteam dance number Grrr! Naasar ako pati sa mga suot esp yung kay Kris Bernal again paging GMA wala ba kayong adviser or designer consultant man lang?) Ang cheap tingnan. Si Mark Herras, pwede ipaahit ang bigote niya? Nakakadistract mas cute pa siya na walang bigote habang humahataw sa dance floor. Okay pa yung hataw ng Ukiss eh, pati mga suot nila. Sana ganoon, merong theme sa isusuot ang mga artist. Say yung dance number ng Starstruck 5, okay yung sayaw kaso yung mga suot walang tema. Kumbagay kung itim itim, kung pula pula kahit anong design. Gets? Saka wag na haluan ng masyado maraming back up. Nakakahilo lang tingnan. Ayan ha, di ako galit. Di ako nang ookray concern lang talaga. See kinarir ko pa ang pagkahaba habang comment.

  15. the best talaga ang ASAP XV…lahat ng mga nagpeperform sa ASAP,magagaling talaga..may sarah ba silagary v. at billy joe…lahat ng mga yan wala silang pantapat..may papa piolo p..ni halos hindi nga kilala ang mga nagperform sa partypilipinas..

    • oonaman d best kayo..pati suso ni anne pinang gimik nyo pa para mapagusapan ang ASAP nyo at mabaling atensyon ng tao sa party pilipinas…galing ng nakaisip ng gimik na yun..palakpakan nyo..kaya marami nagaabang sa pagsayaw uli ni anne baka sakali kepyas na nya makita namin

      • grabe ka namn,,,babae ka ba??o ano,,,kung babae ka,,tanong ko lng,,ikaw ba ga2win mong ilabas ang isa sa private part mo sa public for the sake of rate,or gimmick??ang kitid mong magisip……

  16. Tila kapamilya ka dahil mali ang sinsabi mo sa party pilipinas. maganda atparang international. Nice lighting at sayaw. inggit lamangkayo. go, gma, we love the show, party pilipinas. very unique and different from sop.

Leave a Reply

Your email address will not be published.