John Lloyd Cruz, naaksidente; isinugod sa ospital Hot Topic

John-Lloyd-CruzISINUGOD SA isang ospital ang aktor na si John Lloyd Cruz, Huwebes ng hapon, matapos na maaksidente habang sini-shoot ang bagong station ID ng ABS-CBN sa Mount Pinatubo.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com, sakay ng isang biskelta si Cruz, at nang inawasan ng aktor ang isang lubak, pasubsob itong nahulog mula sa bisikleta.

Kaagad na isinugod si Cruz sa isang malapit na ospital kung saan tinahi (apat na tahi) ang isang sugat nito sa ilalim ng kaliwang bahagi ng ilong, na iniulat na pinasukan ng isang bato.

Ayon pa sa nasabing ulat, shock ang kundisyon ng aktor na sumailalim sa isang CT scan. Ililipat si Cruz sa isang ospital sa Metro Manila pagkabalik na pagkabaliik nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

3 thoughts on “John Lloyd Cruz, naaksidente; isinugod sa ospital Hot Topic

  1. Pingback: John Lloyd Cruz, naaksidente; isinugod sa ospital Hot Topic - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.