John Lloyd Cruz, Minais ang Quiapo!

HINDI LANG ANG sandamakmak na tao sa Quiapo ang sumugod sa shooting ng romance-comedy film ginagawa nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Hindi rin nagpaawat ang ating kamerang-gala at nakigulo ito sa mga usisero’t usisera na gustong makalapit kay Lloydie.

Ginawa ang eksena sa isang photo studio sa mataong Quiapo, kung saan ang role ni Toni ay empleyado ng nasabing shop. Si Lloydie lang ang nadatnan ng ating kamerang-gala habang kinukunan ang eksena kasama ang isang bagets.

Tiyak na hit na naman sa takilya ang wala pang pamagat na movie na ito ni John Lloyd at Toni. Swak din naman ang on-screen chemistry ng dalawa, idagdag pa ang kani-kaniyang followers. Itanong n’yo pa sa mga batang Quiapo.

By Dani Flores

Parazzi Wires Photos

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “John Lloyd Cruz, Minais ang Quiapo!

  1. Mas lalu kong namisss ang Pilipinas sa mga ganitong scene. Naka t-shirt lang si John Lloyd at mukhang pinagpapawisan. Ganitong ganito ang eksena sa tunay na buhay. Shopping sa Quiapo o Divisoria, ngalay na ang braso habang nakikipagsiksikan at pinagpapawisan. Napaiyak tuloy ako. My mom said our next trip to the P.I. is next year. I love the Philippines. I love Toni Gonzaga. I love John Lloyd. I love this new Star Cinema movie of theirs. For sure, another blockbuster.

Leave a Reply

Your email address will not be published.