John Lloyd Cruz, may sincere wish para sa birthday girl na si Sarah Geronimo!

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz

KAARAWAN ni Sarah Geronimo sa July 25 kaya hindi maiwasang tanungin si John Lloyd Cruz na kapareha ni Sarah sa Finally Found Someone kung ano ang birthday wish niya sa leading lady.

“Ako, sana, ‘yun lang, kung anuman ang nagpapaligaya sa ‘yo, kung anuman ‘yung nagbibigay ng ligaya sa ‘yo, kung sinuman ‘yun, kung tao man ‘yun or bagay, sana laging nandu’n, lagi kang kayang …  although minsan, feeling ko, masyado nang overrated ang happiness.

“Sana lang, gaya ng the one that made so much impact dito sa aming ginawang pelikula, sa akin, ‘yun nga, ‘yung bang masabi mo na… In simple words, ‘yun lang gusto ko, okay ka,” mensahe ni Lloydie kay Sarah.

Patuloy pa ng aktor,  “Alam ko, hindi perfect ang buhay, hindi perfect ang kahit anong bagay. Basta sana, at the end of the day, okay ka. Malungkot ka man, may pagdaanan ka man, at the end of the day,sana, okay ka.”

Ayon pa kay John Lloyd, gusto rin niya na sana raw ay i-pursue pa lalo ni Sarah ang kanyang singing career.

“Sana, talaga, ma-exercise mo ‘yun and kung anuman ‘yung mga gusto mong ma-achieve in terms of your music, sana maabot mo. Kasi, iba rin ‘yung artistic growth, eh. Ang artistic growth actually lead your life and lead you to choices na talagang gugustuhin mo for the rest of your life,” sambit pa ng aktor.

Eh, ano naman ang birthday wish ni Sarah?

“Growth sa lahat ng aspeto ng pagkatao ko, lahat. At yeah, maturity and wisdom. Pinaka-importante, wisdom to make the right decisions in life at sa trabaho,” pahayag niya.

Palabas na ang Finally Found Someone sa July 26 mula sa Star Cinema under the direction of Theodor Boborol.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.