John Lloyd Cruz, may pag-aalinlangan pa sa kanyang pag-arte?!

JOHN LLOYD Cruz remains on top of his game. Whether Lloydy admits it or not, he is one of the biggest and brightest stars of his generation. At sa paglipas ng panahon ay lalo pang kumikinang ang kanyang maningning na bituin. Pero sa kabila nito ay nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa ni Lloydy.

Mapa-pelikula man o telebisyon ay talagang tumatatak sa publiko ang bawat karakter na kanyang ginagampanan. He breathes life into every character he portrays. Minahal siya bilang si Popoy sa One More Chance, Noel (In My Life), Mackie (Unofficially Yours), Rovic (Tabing Ilog), Yuri (Kay Tagal Kang Hinintay), Eli (Maging Sino Ka Man), Mateo (Imortal), Leon (A Beautiful Affair), at Miggy (A Very Special Love at You Changed My Life).

Pero sino ang mag-aakala na ang isang magaling na aktor na tulad ni Lloydy ay may pag-aalinlangan din pala sa kanyang kakayahan sa pag-arte? He became emotional on The Buzz after watching a video of his past and present leading ladies who only had good words about him.

“Ang bigat masyado [ng video]. Mare-realize mo na ganoon pala iyon? Minsan kasi iba ang tingin mo sa sarili mo, tapos sa ibang tao pala, okay ka naman pala. Ang galing. It makes you appreciate yourself a lot better.”

Nagpapasalamat siya kina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin at Sarah Geronimo dahil pinatunayan daw nila na may nagawa siyang mabuti sa kanyang buhay. “Ang dami diyan na tunay na mahuhusay at tunay na dedicated at talagang magaling. Madalas nahihiya ako kapag nakakasama ko iyong talagang mga tinitingala sa larangan ng pag-arte at sa standards mo, sila talaga iyong magaling. But minsan kapag sinasabi ng ibang tao, magpapasalamat ka na lang. Salamat po,” Lloydy said.

Marami na ang excited sa kanyang new movie with Sarah, ang It Takes a Man and a Woman na third installment ng kanilang onscreen loveteam. Muli tayong pakikiligin nina Miggy at Laida sa kanilang love story na walang sawang sinusubaybayan ng publiko.

Sinabi ni Lloydy that some of the best things in life are not actually planned. Gaya na lang ng kanilang team-up ni Sarah. “It was parang by accident. Hindi sinasadya. If I remember it correctly, hindi naman talaga iyon ang dapat na gagawin ko. I was supposed to do a movie with another leading lady tapos hindi puwede so sabi nila ito na lang, gawin natin ito.”

“Kami ni Sarah since day one, since that MMK episode hanggang ngayon, naniniwala ako na we will always have this very special connection. Hindi siya chemistry eh. It’s a gift that goes beyond the chemistry. Iba iyong sa amin ni Bea, iba iyong sa amin ni Angel, ni Toni. Iba ito.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “John Lloyd Cruz, may pag-aalinlangan pa sa kanyang pag-arte?!

  1. hindi nga nag rate ung last teleserye nla ni bea e,ni hindi nga pina usapan ng madlang tao, ayun at natapos nlng bgla,,

  2. wala na dapat patunayan pa so john lloyd dahil bukod sa box office movies, top rating teleseryes, top endorser at award winning actor, panalo na siya! kaya dapat walang pagaalinlangang nararamdaman

  3. Basta ang alam ko, laos na si MARIAN RIVERA. Wala na ang Marianknights at mga bopol nyang fans. Mabuhay si Karylle at Antonette Taus!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.