John Lloyd Cruz, may kakaibang gagawin sa pelikula nila ni Angel Locsin?

JOHN LLOYD CRUZ and Angel Locsin are reunited on the big screen matapos ang kanilang matagumpay na pagtatambal sa action-fantaseryeng Imortal where they played Mateo and Lyka. The movie is tentatively titled I Honestly Love You and directed by Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Nagsimula nang gumiling ang mga kamera sa bago nilang pelikula.  At kahit ang bagsik ng nagdaang bagyong Pedring ay hindi kayang pigilan ang kanilang shooting. Kahit malamig ang panahon ay naging mainit ang mga kinunang eksena sa beach ng San Juan, Batangas.

Kung tungkol sa pag-iibigan ng magkaibang lahi ang napanood natin sa Imortal ay isa namang napapanahong kwento ng pagmamahalan ang tema ng bagong pelikula nina Angel at Lloydie.

“Of course, as always, the intention is to deliver something new, something different for our audience. Especially first time namin ni Angel to work on a movie project,” sabi ni Lloydie.

Lloydie is a brilliant actor. And whether he agrees or not, he’s on top of his game! Kilala natin si Lloydie na gusto laging may bagong putaheng inilalatag sa kanyang mga fans. He says it’s a way of giving back to his audience na walang sawang sumusuporta sa kanya. Kung sa Imortal ay nagkaroon siya ng mga action scenes at nag-leather jac-ket sa Maynila, ano naman kaya ang kakaiba niyang gagawin sa pelikula nila ni Angel?

In the meantime, the actor will concentrate first in doing the movie at pansamantala muna niyang iiwan ang telebisyon.

I’m sure their new movie will be a blockbuster tulad ng ginawang pagtangkilik sa Imortal na walang sawang tinutukan ng buong sambayanan.

When asked about his relationship with Shaina Magdayao, he answered, “Ganu’n pa rin. Boring (laughs). Nothing new except that we’re doing perfectly fine.” The showbiz couple celebrated their first anniversary last April.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleAnne Curtis, nagbahagi ng bonus sa charity!
Next articleMaka-papel lang kay Manny Pacquiao Lito Camo, nandadamay ng ibang tao!

No posts to display