John Lloyd Cruz, may iba nang kinahihiligan

John-Lloyd-Cruz ANG HINDI batid ng marami, may mga showbiz celebrities tayo na magagaling mag-pinta (gumawa ng visual art).

Nakita ko na ang mga obra ni Solenn Huesaff na ang galing. Si Heart Evangelista na nagsisimula ay napaka-colorful at detalyado ang obra na ang medium niya ay oil.

Ang Beauty Queen turned artista cum make-up artist na si Nina Ricci Alagao, I love her tipong social realism na visual art.

Ang kaibigang Cris Villanueva also do paint at gayon din si Cesar Montano which I saw his works na mga flowers on large canvas.

And guess kung sino sa mga artista natin ngayon ang nagsisimulang mag-collect ng mga art pieces at nag-iipon na rin ng mga obra ng mga local painters and artist natin? No less than John Lloyd Cruz na tila na-inspire sa collection ng newscaster na si Julius Babao who have lots of painting ng mga Pinoy great artists like Elmer Borlongan, Egai Fernandez and a lot more.

 

HINDI KO alam kung papaano tatangapin ni Karylle, ang anak ni Zsa Zsa Padilla ang pagbubunyag ni Vice Ganda na sa kanya nagsimula ang gap na namamagitan sa kanila ngayon komedyante.

Nagsimula sa isang imbitasyon sa mga kasamahan ni Vice sa It’s Showtime  sa blow-out  party sa pagiging box-office ng MMFF movie niya na Girl Boy, Bakla Tomboy na tinabla ni Karylle.

Ang kuwento ni Vice, ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime ay inimbitahan niya. Si Karylle nag-beg off dahil wala siya driver to bring her to the event. Nag-volunteer ang mga kasamahan nila sa show na dadaan sa haybols nito para maka-join sa celebration pero comes another alibi na naman ang singer-actress na ikakasal na very soon at biglaan ay hindi siya pupuwede that night.

Kamuka’t muka’t mo’y may iba palang istorya behind sa “gap” nila na nagsimula dahil sa pagkairita ni Yael (fiance ni Karylle sa beking komedyante) na sa simula ay ayaw sabihin ng singer sa kasama niya kung hindi pa dahil kay Direk Bobet Vidanes (director nila sa show); hindi pa malalaman ni Vice ang tunay na dahilan na ngayon ay idine-deny naman ni Karylle na sinabi niya ito sa director nila na siyempre naiparating lang ng director sa mga artista niya sa show ang reason ni Karylle na ipinagtaka naman ni Vice kung bakit may ganu’ng feeling at isyu gayong wala naman dapat.

Tila apektako si Yael sa playtime ng mga kasamahan nila sa show na inili-link si Karylle kay Vice na para sa lahat it’s all for fun.

Worst ay nang magparating ng mensahe si Yael kay Vice na kung hindi nito titigilan ang girlfriend ay susugod siya sa show (na reading between the lines, mabubugbog ang komedyante dahil sa selos ng band leader sa komedyante na ewan naman sa dalaga kung bakit hindi niya maipaliwanag sa boyfriend na ang lahat ng tuksuhan ay okrayan is in the name of fun at barkadahan at pang-“showtime” lang talaga.

Para wala nang magiging problema, si Vice na ang umiiwas sa playtime sa kanila ni Karylle para wala nang masabi ang boyfriend nito.

Tuloy, biro nga niya, “Itong baklang ito pagseselosan mo?” Mataray man, “Hindi sa pagmamayabang, hindi ko kailangan ng ka-love team,” sabi niya na halatang pikon na rin sa isyu.

Dahil sa pagpapaliwanag ni Vice sa media last Wednesday tungkol sa naging gap nila ngayon ni Karylle, hindi niya alam kung saan hahantong o magtatapos ang “friendship” nila na nagsimula sa masayang samahan na halos pamilya na ang turing nila (members of It’s Showtime) sa isa’t isa.

 

PAHABOL, AS of this writing na habang pinag-uusapan ang tungkol sa kasalang Karylle at Yael at imbitado na ang mga kasamahan ni Vice sa It’s Showtime, siya na lang yata ang hindi nakaaalam kung saan magaganap ang kasalan. In short, hindi siya imbitado?

Basta, kung sila ni Karylle ay may aberya, ang taong 2014 at matuloy sana ay baka magkaroon muli ng isang malaking concert sa Araneta Coliseum.

“Originally ang alam ko itong May, pero mukhang malabo. If ever na matuloy baka sa November na. Basta may gagawin akong isang movie this year bago ang MMFF sa December,” sabi niya sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.