John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica Panganiban

NAGPA-UNLAK SI John Lloyd Cruz magpa-interview tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban, kahit presscon iyon ng teleseryeng A Beautiful Affair nila ni Bea Alonzo. Makahulugan ang mga binitawan niyang salita na para bang pag-amin na ring sila na nga ni Angel, pero bitin pa rin ang mga kasagutan ng binata. Hindi naman dini-deny ng actor na may namumuong romansa sa kanilang dalawa.

“Wala naman kaming idini-deny. Ang sa akin is ‘yun lang, ganu’n lang. Pero ‘yung talking openly about it, medyo may discomfort tayo,” aniya.

Kung dati-rati’y open si Lloydie na pag-usapan ang kanyang lovelife, ngayon parang umiiwas ito. “Wala lang. Parang ito ‘yung pinipili ko ngayon, pinipili namin. Hindi naman sa nagdi-deny kami or mayroon kaming itinatago. In fact, makikita mo kami kung saan-saan. ‘Yun po ang ibig sabihin na wala kaming itinatago. Pero para pag-usapan pa at bigyan pa ng detalye ang aming relasyon at ang aming mga plano, siguro it’s something na gusto naming sa amin na lang,” sambit pa nito.

Napag-usapan rin ang video nina Lloydie at Angelica na ipinakita ni Direk Dante Nico ‘Ga’ Garcia na nagpapatunay na may romansang namamagitan sa kanilang dalawa. We’re good friends with Ga, sobrang close nilang (Angel) dalawa. Hindi naman ‘yun nagku-cause ng harm or danger sa amin. Wala, parang naging ganu’n na lang, pero parang it’s between barkada, ‘yun ang naging ganu’n. So, it shouldn’t be an issue,” paliwanag ng actor.

Nabalita ring ginawan ng kanta ni Angelica si Lloydie sa Barcelona, Spain na labis na ikinatuwa ng binata. “First time nating magawan ng isang kanta and ‘yan ang masasabi ko. Medyo naiilang ako kapag napag-uusapan ‘yang ganyan dahil medyo mahiyain po tayo. Hindi naman normal na gawan ka ng kanta,” wika niya.

Masasabi ba ni Loydie na itong sa kanila ni Angel ang masasabing happiest relationship ever? “Mahirap kasing sukatin. Gaya ng pagmamahal o kaligayahan, para siyang hindi nasusukat. Totoo naman, masayang-masaya talaga tayo ngayon.  Talagang nagpapasalamat  ka na lang sa ibinibigay sa ‘yo ng Diyos, ng mundo, dahil napa-kaano na, it’s good to be true. Ang ganda ng nangyayari sa trabaho, sa career tapos, puwede rin palang tumbasan ng ganitong kaligayahan sa personal na buhay,” masayang sabi nito.

Bagay na nagpapaligaya kay Lloydie tuwing kasama niya si Angel? “More than anything is kung paano kami as partners, ‘yung companionship, ‘yun ‘yung parang tini-treasure mo. Siguro, ‘yun ang meron kami na kaya siguro ako ganito. Tingin ninyo, nagba-blush ako or ang ganda ng ngiti ko. Kasi, lahat maganda, lahat masaya. Basta kami we’re just enjoying kung nagkaroon kami ng pagkakataon to get together and spent together with her family, ‘yung side niya, side ko. Napaka-relax kasi. Wala, masaya lang, enjoy lang, enjoy n’yo lang ‘yung moment,” masayang pahayag ng actor.

Nang mag-guest si John Lloyd sa The Buzz ni Kuya Boy Abunda last Sunday, inamin ni Lloydie na sila na nga ni Angelica. Nilinaw ng actor na wala silang idini-deny ni Angel, nahihirapan lang siyang ibigay ang detalye tungkol sa status ng kanilang relasyon ng actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “John Lloyd Cruz, masayang-masaya kay Angelica Panganiban

  1. ang tao nga nman my msabi lng d ngiisip n bwat sbhin nla ay bumabalik s knila…s dmi artista n ngppalitan o ngkkabutihan ngttaka p cla kng bkit ngkagustuhan cla Angelica at John Llyod, preho cla my hitsura kng ung d mga artista at ala hitsura ilan ilan knakasama cla p kya….masyadong bnabato nyo cla AP at JL kc naiinggit kyo s nkkita nyo msaya cla mgkasama….c AP open lhat kng ilan ang nging BF nya at lhat un 2matagal it means tlaga mnamahal nya d 2lad ng iba ptago n dp inaabot ng buwan tpos n agad, c AP pg mgmhal 2do tlaga at sna wg msamain ng mga mbbahong dila dyan n laspag n sya dhil lhat tyo ngmmahal at gnagamit kya ala tyong krapatan mgbitaw ng msama slita dhil gwain nyo dn…s mga babae n ngccoment n laspag n c AP kyo n rn ngssabi s srili nyo laspag n kyo…s mga guys n talo nyo p mga bakla mgslita laspag c AP d nyo b alm mga kpatid anak at nanay nyo mga laspag n dn….s bwat relasyon lgi talo kmi mga babae pro d ibig sbihin d nyo n kmi pwd respetuhin…knq ala kmi mga babae ala dn kyo mga lalake……Angelica nd Lloydi show 2 da world how hapi u are nd dont be ashamed coz TAO dn lng kyo n dpat mbuhay n mlaya n d hhadlang mga taong sumisira s inyo……GO GO GO

  2. Nakakatawa ang mundo ng showbiz! Sila-Sila lang nagtitikiman, walang paki sa mga taong involved at sa past, walang delikadesa! Kung ituring ng iba parang Dios Kung sambahin, pero nkkatawa ung mga nangyyari sa kanila, salit-salitan ang peg! Kung nagkatikiman walang pakialam. c JLC na pumalit Kay John Prats dati sa buhay ni Shaina na ngaun ka happiness daw ni LUSYANG na Angelica na best friend nman ni pandak John Prats! Naku! Naku!! (ano kayang nararamdaman nila na ngaun pareho clang mlapit kay LUSYANG!?  Hahaha!) Awkwarddddd!!!!

  3. hi nako john lloyd hnd sa lahat ng panahon happy kau ang AO mo nmn lahat ng sinabi mo o style mo bulok na…mahilig ka tlga mang-agaw..paksabi ky angelica mang-aagaw cya ok alam nmn nya na kau pa nina shaina bat pumatol cya sau darating ang araw na yong showbiz career nya malalaos dhl sa karma..

  4. Ay naku John Lyod di ka maginoo wag kang magkumpara ng mga babaeng nagiging girlfriend mo di yan maganda sa pananaw ng madala. Kung kayo di kayo at wag momg ibando kahiya di bale kung matagal mong niligawan yang girlfriend mo n si Angelica e isang linggo lang naman kahiya kayo para lang kayong nagpapalit ng underwear kung magpalitan ng mga boyfreind at girlfriend di kayo magandang example sa madla kahiya kayo

  5. sobra namn kayong malinis.di na uso ang ang marya klara naanod na ng baha yon.dito nga sa amerika kahit na 17 lang gumagamit na ng pills at may regular check up na sa ob-gyn eh

  6. ang hilig mo sa surplus lloydie, una kay shaina ngayon naman kay angelica, manong mamili ka naman ng babaeng para sayo talaga hindi yung nang aagaw ka ng pag aari ng iba, hilig mo sa over use

  7. aarte nyo, nung una puro kayo deny, tapos sasabihin mo ngayon wala kayo dinideny? ginagago nyo mga tao, for your infor lloydie may karapatan malaman ng publiko ang nangyayari sa inyo mga artista, dahil kung di sa mga fans nyo na nagluklok jan, wala kayo jan sa kinalalagyan nyo, kaya kung ayaw nyo pakealaman? wag kayo mag artista

  8. at ngayon lang umamin dahil malapit ng ipalabas ang 24/7 In Love  kung saan sila partners…naku tigilan nyo na nga kami star magic! pati si piolo ililink nyo pa kay shaina…para ano? para matakpan ang pagkabakla ni piolo at masakyan ni shaina ang kasikatan ni piolo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.