John Lloyd Cruz, malalim na ang relasyon kay Shaina Magdayao!

Na-corner namin si John Lloyd Cruz sa Stars For A Cause fund raising project ng Philippine Movie Press Club na ginanap sa SM North Edsa recently. Talagang hindi namin siya mapilit na magbigay ng reaksiyon kaugnay sa bagong larawan na lumabas dito sa Pinoy Parazzi recently kung saan magkasama sila ng rumored girlfriend niyang si Shaina Magdayao.

“Darating din tayo diyan,” sabi na lang ng aktor. “Uhm… we’re giving it time.  So again, parang kami basta… ito kasing mga bagay na ito, pinag-uusapan dapat naming dalawa.

“Kaming dalawa ang involve dito, eh. So… given the right time, makapagbibigay kami ng sagot sa inyo about that.”

Ang ex-boyfriend ni Shaina na si John Prats, may pahayag kamakailan na kung anuman daw ang meron sina John Lloyd at ang young actress, irespeto na lang daw.

“Hindi naman ibig sabihin na sa paghiling namin ng konti pang panahon eh, hindi na inirerespeto. Alam naman naming inirerespeto n’yo ‘yon. In the same way na inirerespeto rin namin ‘yong trabaho n’yo. Naiintindihan naman namin.

“And iyon lang ang mahihiling namin. ‘Yon lang… pagbigyan n’yo kami ng pagkakataon na kami mismo ang makapagsabi sa inyo.”

Lalong naiintriga tuloy ang marami kung bakit nga ba napakahirap from John Lloyd and even Shaina na kumpirmahin na kung ano nga ba talaga ang namamagitan sa kanila. To think na pareho naman silang single at wala namang mali o masama kung maging sila na nga.

“Well talagang kung sa pagkakakilala lang namin sa isa’t isa, definitely mas lumalim talaga. Ah… nasa gano’ng level na siya. Ibang depth na ang meron do’n sa relationship namin. So… that’s all I can say now.

“Puwede n’yo akong tanungin ng kahit na ano about her. Pero iyon lang talaga ang masasagot ko. Alam ko naman kung ano ang gustong puntahan ng mga tanong sa mga tanong natin.

“Pero talagang sabi ko nga, kapag nabigyan kami ng tamang pagkakataon or kapag naramdaman na namin na ‘eto na ang tamang pagkakataon na magsalita or magbigay ng tamang sagot sa mga katanungan eh, darating din tayo ro’n.

“Hindi kami nagtatago. There are pictures (nila ni Shaina together na lumalabas nga). And pictures don’t lie. Wala kaming idini-deny. Wala kaming itinatago. Pero darating tayo sa punto kung kailan namin gustong sabihin at kapag naramdaman na namin kung ano ba talaga ang dapat na sabihin at sagutin sa bawat tanong ng karamihan.”

UMAALMA SI JENNYLYN Mercado sa paglalabas ng saloobin sa press ng ex-boyfriend niya na si Andrei Felix.  Pakiramdam daw ng aktres, ayaw lang ng binata na maging masaya siya. Pinararatangan pa niya ito na baka raw gusto lang ng publicity at ginagamit siya.

In fairness to Andrei, walang masama kung magsalita man ito hinggil sa hiwalayan nila ni Jennylyn. Hindi naman kasi siya ang lumalapit sa media kundi siya ang ina-approach ng mga reporters para ma-interview.

Nagri-react lang siguro si Jennylyn dahil lumalabas na mukhang mas credible at kapani-paniwala si Andrei kesa sa kanya.  Naging tatak na kasi ng aktres ang pagiging Denial Queen. Kahit sukol o buking na ay talagang lulusot pa rin.

Kung gusto niyang manahimik na si Andrei, dapat siguro ay kausapin niya ito once and for all. Na-hurt lang siguro ang binata sa nangyari sa kanila. Imagine, hindi pa raw nga sila break, malalaman niyang nagbakasyon sa Hong Kong si Jennylyn kasama ang rumored boyfriend nitong si Dennis Trillo.

At si Jennylyn pa ang napapabalitang nagbayad umano ng tiket ni Dennis sa trip nilang ‘yon sa Hongkong. Akalain n’yo ‘yon?

TAMA LANG NA sundin ng beteranong TV host na si German Moreno na huwag nang magsalita tungkol sa naging away nila ng director na si Andoy Ranay. Para hindi na nga lumaki pang lalo ang isyu hinggil sa pagkompronta niya sa huli tungkol sa pamamahiya sa alagang si Jhake Vargas.

As of this writing, nagpaplanong magsampa ng child abuse case ng kampo ni Jhake laban sa director. May merit naman daw kung maghahain sila ng gano’ng case sa husgado dahil menor de edad ang young actor na talaga raw napahiya dahil sa talak nitong si Ranay na, ‘huwag kasing magpapa-churva sa gabi kapag may taping kinabukasaan’ na ang nakarating naman kay kuya Germs, ‘huwag magpapa-bj’.

Dahil do’n, nabibigyan tuloy ng malisya ang sobrang pagtulong at pagiging mentor ni Kuya Germs kay Jhake. Nalalagyan din ng ibang kulay ‘yong sabi’y pagta-taxi na lang diumano niya minsan kapag ipinahihiram sa binatilyo ang kanyang sasakyan kapag may taping ito.

Iyon ‘yong time daw na wala pang kotse si Jhake. Pero ngayon ay nakabili na ng sariling sasakyan ang young actor.

O… baka naman intrigahin pa rin kung sino ang bumili nito, huh! Siyempre kahit papaano ay kumikita na naman ang bagets kaya afford na nitong makabili ng kotse.

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSam Pinto, inahas si Paul Jake Castillo?!
Next articleZanjoe Marudo, ipinagpalit si Mariel Rodriguez sa TV executive?!

No posts to display