John Lloyd Cruz, magsasalita na sa issue ni Anne Curtis?!

Anne-Curtis-John-Lloyd-Cruz John-Lloyd-Cruz-Anne-CurtisHINDI PA rin mapigil ang mga tao, patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyung pananampal ni Anne Curtis.

Lahat sila, tinapos na ang isyu dahil naayos na raw at humingi na rin ng sorry si Anne.

‘Yun na ang huling statement ng Viva Films na nagha-handle kay Anne.

Ang latest na narinig namin, magsasalita pa rin daw si Anne para linawin na ang lahat. Pero ang dinig namin, kung magsasalita man daw si Anne, kailangan may proteksyon din kay John Lloyd Cruz. Tahimik pa rin kasi si John Lloyd na malapit na rin ‘yang haharap sa press dahil sa bago niyang sitcom. Kaya dapat magsalita na silang lahat, malinaw na ang isyu bago ito humarap sa press.

Tingnan natin kung paano maayos at ma-repair ng ABS-CBN 2 ang isyung kinasangkutan ng mga prime talents nila.

Pero tama na rin nga naman ang ginawa ni Anne. Humingi na siya ng sorry, inamin naman niya ang nagawa niyang kasalanan, kaya wala ka nang magagawa sa kanya. Nag-sorry na rin naman eh, ano pa ba ang puwedeng gawin sa kanya? Nangyayari naman ‘yun sa lahat.

Pero bongga ang suporta ng mga kaibigan ni Anne sa kanya, ha!

Nakatsikahan namin si Kim Atienza na co-host niya sa It’s Showtime at sinasabi nitong napakabait ni Anne. Huwag naman daw husgahan agad.

May pinu-promote kasi si Kim na malunggay wonder gulay na tinawag niyang Atienza Naturale na supplement. Sabi nito, magaling itong gamot na magpapababa ng kalasingan. Kaya natuloy kay Anne ang usapan na bakit hindi raw nito bigyan si Anne.

Sabi naman ni Kim, mabait si Anne at hindi naman daw niya deserve ang ganu’ng panlalait. Pero sabi namin kay Kim, bibigyan pa rin niya ng gamot niya para supplement lang. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “John Lloyd Cruz, magsasalita na sa issue ni Anne Curtis?!

  1. Hoy Lolit Solis,
    Siyempre pag may ingay sa ABS everyone are always concern e paano they are very big stars compare sa mga Kapuso na no one really cares. Anong say mo Lolit (na mukhang Tomboy!!!

  2. Moral of the story, bar is not a place for women maski grupo pa kayo dahil it is a place where men hang out to drink and get drunk. Ke babaeng tao, marami naming lugar na dun gagawin ang mga party party na yon na mas desente pa. Yun tuloy, lumabas na ang katutuhanan na lasenggera pala. Anbesyosang maging lasengga rin pala. At ito naman si Loydie, ang palekero . Teka sino ba ang nagging syota nito? Yong anak ni Tito Sotto, si Ruffa, Si Liz Uy, Shaina, Angelica at sino pa ba? Para na ring si Bong Revilla sa ka palekero

  3. si anne dapat ang umayos. di na sya bata pero hanggang ngayon lalong lumalala. bar dito bar doon. kaya ayan ang napala. laging lasing. ke babaeng tao. plastikada!

  4. Itong si lolit solis ang mga writer na pag nategi ay dedma lang ang tao just like yung writer na namatay na ani ba name nun yung mukhang yokabab

  5. Actually nawawala na ang issue na yan!! Ikaw lolitang manager ni magnanakaw sa kaban ng bayan at manager na bumibili ng award,, ano ba hinihintay mo at d ka maka move on sa issue? Hnde ka pa ba naabutan ni vic fel rosario ng viva? Bwhahahaha

  6. Hoy lolit! Ang ayusin mo ay paano mo marerepair ang career ng alaga mong magnanakaw sa kaban ng bayan! Bwhahahaha

    • DIVERSIONARY TACTIC ANG GINAGAWA NI LOLIT SOLIS. KASI MAS WORSE ANG GINAWA NG ALAGA NYANG SENATOR. PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN. ILANG TAO ANG NAGUTOM DAHIL SA KAHAYUKAN SA PERA NG SENATOR NA YAN? WALANG PAKIALAM YANG SI LOLIT KASI BUSOG NA BUSOG SA PORSYENTO YAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.