John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, nagsimula na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan

John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, nagsimula na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, nagsimula na ang shooting ng pelikulang pagtatambalanSinimulan ni Derek Ramsay na sinundan naman ni Sam Milby. Recently last MMFF 2015, si Jericho Rosales naman ang pangatlo sa mga naging leading men ni Jennylyn Mercado sa pelikula. Lahat ng pelikula na pinagsamahan nila ay nag-hit sa takilya at naging by-word ng bayan.

Yes, the long wait is over for Jennylyn Mercado, na sa latest project niya, this time magtatambal sila ni John Lloyd Cruz na isa sa inaasam-asam na maging leading man ng kahit sinong babaeng artista sa showbiz.

Yesterday, Monday, ang first shooting day ng dalawa para sa pelikulang pagsasamahan nila (wala pang title) mula sa Star Cinema na ididirek ni Direk Cathy Garcia Molina na isa ring sought after director para sa mga pelikulang rom-com. Based sa mga pictures na naka-post sa Star Cinema website, cool lang sila ni Jen.

As of this writing, wala pang inire-reveal kung ano ang mga detaye ng mga karakter ng dalawang bida.

But for sure, kilig to the bones na naman ito at puno na naman mga hugot lines na magiging by-word ng bayan na kikintal sa alaala ng mga manonood.

Ngayon pa lang, sa social media, ang dami nang mga positive comments sa pagsasama nina Lloydie at Jen. Sa paglabas pa nga lang ng mga photos ng dalawa na kuha during thier first day of shooting yesterday, ang dami nang nagka-clamor for more photos and more details ng project ng dalawa.

For a change kailangan na rin siguro ni Lloydie ng break from his recent films tulad ng “Honor Thy Father” at itong “Hele sa Hiwagang Hapis”, kung saan ang obra ni Direk Lav Diaz ay kasali sa Berlinale Forum at first time lalaban sa main competition na pawang medyo mabigat ang tema at istorya.

For a change exciting naman ngayon from Lloydie ang pelikula na something light and romantic na hanap-hanap ng mga supporters ng aktor sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, nagsimula na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan

  1. he he bakit si Jen ngayon ang favorite na ka loveteam sa pelikula ng mga taga ebak talents…wala na ba silang pang leading ladies sa mga starlet nilang talents hak hak…….balita after JLC si Papa Piolo ngayon ang gustong sumubok hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.