John Lloyd Cruz, itinangging nangako kay Sarah Geronimo na liligawan after 5 years! *new*

BINASAG NA RIN sa wakas ni John Lloyd Cruz ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao. He finally admitted his relationship with Shaina on The Buzz. The rumor has been floating in the air for several months, marami nang mga tao ang nadamay at mga anggulong nagsanga-sanga dahil sa mga lumabas na ispekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Diretsahan ko siyang tinanong during the interview kung girlfriend niya si Shaina. “Yes, it’s us!” he admitted. Contrary to rumors ay hindi raw niya inagaw si Shaina kay John Prats. Nag-usap pa nga raw sila over the phone ni Pratty ng lalaki sa lalaki. “Kasi ang nangyayari na noon parang naapektuhan na iyong reputation noong tao. She was being put in a bad light. Hindi naman iyon fair.” It was Lloydie who initiated the conversation with Pratty. Okay raw si Pratty nang mag-usap sila and he even told Lloydie, “Wala na iyon. Let’s move on.”

Nangahas din akong tanungin si Lloydie kung nagkasabay ba sina Shaina at Ruffa Gutierrez who, earlier on the interview, John Lloyd admitted that he had a “very special relationship” with. “No!” he said. “Nagkausap sila at nagkaayos na. So, tapos na.”

Hindi raw alam ni Shaina that Lloydie was going to tell the public that they’re going steady. “Sana maramdaman niya na hindi lang ako tatahimik at hindi ko hahayaan na patuloy siyang huhusgahan. Iyong mga iniimbento ng mga tao about her and me. Sa ibang tao na ring nadadamay na hindi naman nila hinihiling na madawit sa amin.”

Lloydie also denied that he promised Sarah Geronimo that he would court her in 5 years. “That’s not true. Hindi mo iyon pinapangako sa isang babae. Hindi mo naman alam kung anong puwedeng mangyari. Alam niya at alam ko kung ano ang totoo.”

At ano ang totoo? Niligawan ba niya si Sarah, did she fall in love with him or did Lloydie fall for her? “Mataas ang respeto natin sa katotohanan. Gusto ko lang siyang iwanan ng ganoon na may respeto ako sa kanya, sa mga magulang niya. Kung anuman ang napakaimportanteng katotohanan, maaari sigurong sapat na sa aming dalawa,” ang matalinhagang sagot ni Lloydie. Sa ngayon ay okay raw silang dalawa ni Sarah.

“I want to come out and say something kasi marami na ang mga taong nagte-take advantage sa pagtahimik ko at hindi na maganda. Maraming tao ang nadadamay at nasasaktan for me and themselves. Hindi na nakakatuwa,” sabi ni Lloydie.

Salamat Lloydie sa tiwala at respeto.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

13 thoughts on “John Lloyd Cruz, itinangging nangako kay Sarah Geronimo na liligawan after 5 years! *new*

  1. shame on you SHAINA & JOHN LLoyd, both of you have no respect for each other…LUST not love at pwede ba, wag ng idamay si Sarah or bea or John pratts sa publicity ninyo ni shame magdayao, pareho kayo ng mga hobbies-sex & alcohol, may karma…

  2. shame on you JOHN LLOYD…Sarah is a better person than Shame Magdayao na two timer,alcoholic,lakwatsera,mahilig pa…grabe ka…may karma remember!

  3. RESPETO..PWEEE!!!! WAG NA ITULOY NAG SARAH JLC MOVIE..MAHINA NA YAN DAHIL SA KASINUNGALINGAN NI JOHN LLOYD…SARAH AND SAM MILBY NA LANG O KAYA SRAH AND MATEO…….TUTAL SI SARAH LANG NAMAN ANG PINAPANOOD KAYA NAGING BOX OFFICE MOVIES NILA..DAHIL KUNG KAY JLC LANG…EH LALANGAWIN YUN

  4. parespeto respeto pa kuno itong si John Lloyd kay Sarah at parents sa totoo lang pinaniwala mo si Sarah pati na rin ang parents niya na may gusto ka sa kaniya kuno at syempre mga fans kinilig iyon pala para lang kumita ang movies nyo.Kaya pala sabi mo nong tapos na “I’m just a soldier na sumusunod ng utos sa generals”at sabi mo pa iyong sa singer trabaho lang iyon”Kaya ayon si Sarah di niya naitago na apektado siya nong naging kayo ni Ruffa.
    Tapos iyong sagot dito syempre medyo bitin at may respeto ka pang alam para di magalit sayo mga fans ni Sarah at para may space ka pa magpaka sweet sweet kuno ulit sa upcoming project mo w/ Sarah.Best actor ka nga napapaikot mo ang mga ulo ng mga viewers.

  5. Ay naku! Liar ka pa rin at two timer John Lloyd bagay kayo ni Shaina two timer at manloloko,you both love yourselves and lust is what you both deserved…grabe kayo!

    • agree ako sa cnabi mo,SINUNGALING c JohnLLoyd…. sinabi n’ya ung RESPETO kay Sarah… sa family ba ni Ruffa at John Prats wala cya RESPETO????

    • yes,correct ka d’yan talagang may nasagasaan cla… at ung nasagasaan nila hanggang ngayon sariwa pa ung mga SUGAT

  6. Kahit ano pang pagmamalinis at sabihin nila, kinaliwa ni Shaina Magdayao si John Pratts at sinulot ni John Lloyd si Shaina kay JP. Yun lang yun

  7. Khit hindi na umamin si JL ‘no! Yung magkasama silang nagcheck-in ni Shaina sa hotel sa Singapore at Boracay hindi pa ba magdyowa iyon? Haller!!

    • ito namang si shaina parang mauubusan ng LALAKE… at si JohnLLoyd kahit pader yata ‘pag nakapalda papatulan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.