John Lloyd Cruz, ipinagtanggol si Shaina Magdayao!

AT LONG LAST ay nagsalita na rin si John Loyd Cruz tungkol sa mga naglabasang picture nila ni Shaina Magdayao, kung saan ay bumibili sila ng bicycle parts. Ayon kay John Lloyd, walang malisya ang nasabing larawan. Hindi nito itinatanggi na madalas silang magkasama ni Shaina pero wala raw iyong malisya. And according to my source, nag-e-enjoy raw sina Shaina at John Lloyd sa isa’t isa.

Samantala, wala namang nakikitang masama ang pamilya ni Shaina kung magkasama ang dalawa.

Ayon kay Vina Morales, likas na friendly ang nakababatang kapatid. “Matalino ang kapatid ko at alam niya ang kanyang ginagawa,” sabi ni Vina nang makausap ng Pinoy Parazzi kamakailan.

Sa kabilang banda, isang source ang nagkumpirma sa amin na may lihim na relasyon sina Shaina at John Lloyd. “Sana naman huwag lokohin ni John Lloyd si Shaina, kasi masyadong bata pa ito,” pahabol pa ng aming source.

KINUMPIRMA NG AMING source ang balitang two months preggy si Roxanne Guinoo. Sinikap na makausap ng Pinoy Parazzi ang dalaga at suwerte namang nagsalita ito. “Yes, its true, Ikakasal na ako next year.

[ad#ad-text-links-1]

Dapat this year, pero parang masama yata ‘yung sukob, kasi kakakasal lang nu’ng kapatid ko. Kaya by next year na lang siguro,” tuluy-tuloy na pahayag ni Roxanne.

“Buntis ka daw?” Tanong namin kay Roxanne na ang tanging sagot ay malalakas na halakhak.

Walang tahasang pag-amin pero mararamdaman mo sa kanyang malulutong na tawa na may bahid ng katotohanan ang latest tsika. “Kung anuman ang desisyon ko ay masaya ako.” ‘Yun lang ang pahayag ng aktres, kasunod ng pahayag na kahit magpakasal siya at mag-asawa, hindi pa rin daw siya titigil sa pag-arte.

HINDI PALA NAKAHUMA si Willie Revillame nu’ng minsang dumalaw si Precious Lara Quigaman sa programang Wowowee. Para raw nakakita ng multo na hindi mo maintindihan ang host. “Paanong hindi siya masa-shock, e, nu’n pa naman may tama na siya kay Lara? ‘Yun nga lang, hindi siya umubra dahil hindi siya feel ni Lara, ‘no?!” Tili ng aming source.

Sa kabilang banda, hindi totoo ang balitang babalik si Lara sa programa ni Willie dahil napadaan lang ang aktres at dinalaw nito ang mga kaibigang sina Pokwang at Mariel Rodriguez.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleJennylyn Mercado, madalas tumambay sa harap ng bahay ni Gerald Anderson?!
Next articleStars Candid: Tinga ni Tintin

No posts to display