John Lloyd Cruz, inaming sila na ni Shaina Magdayao!

Pagkatapos ng ilang buwan ng pananahimik, sa wakas ay tinuldukan na rin ni John Lloyd Cruz ang mga isyung ipinupukol sa kanya partikular na ang ugong-ugong sa diumano’y relasyon niya sa Kapamilya homegrown talent na si Shaina Magdayao.

“Yes, it’s us” kalmang pagkumpirma ng aktor sa The Buzz host na si Boy Abunda nang tanungin kung sila nga ni Shaina Magdayao. Nagdesisyon na raw siyang lumantad at ilahad ang totoong namamagitan sa kanila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales dahil hindi na raw maganda ang naidudulot nito sa kanilang mga pamilya at sa pagkatao ng kanyang bagong nobya.

Itinanggi naman ni John Lloyd na ipinagsabay niya sina Ruffa at Shaina. Nagkaroon nga raw ng misunderstanding sa pagitan ng dalawang babae, pero lahat dawn g ito ay naayos na nila. Espesyal daw ang naging relasyon niya noon sa dating katrabaho sa I Love Betty La Fea na si Bea Alonzo. Itinanggi rin nito ang tsikang pinaasa niya si Sarah Geronimo na may gusto rin ito sa kanya.

Sa pagkaklaro ng aktor sa mga isyu tungkol sa mga babaeng iniuugnay sa kanya, paniguradong mas makakahinga na ng maluwag ang mga sangkot sa usaping ito.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “John Lloyd Cruz, inaming sila na ni Shaina Magdayao!

  1. LECHE KA JOHN LLOYD CRUZ MADAMI KA NASAKTAN…SA GINAWA MO BANDANG HULI MAGSISISI KA!!! DI NKUKUHA SA PAGIGING TUNAY NA LALAKI ANG PAG AMIN MO!! MAY MGA NASAKTAN KA!!! LANDI MONG PANOT KA!!! SOBRA PA BADUY EEEWWWW!!!

  2. too late na JLC, OVERLAP KING ka talaga…sa interview ni JP sa the Buzz, he makes us proud kasi if you will listen between the lines, si JOHN LLOYD at Shaina, may kababalaghan nga…je je je

  3. Too late na para maniwala.Ngayun na umamin kasi akala siguro nila right timing daw e mas wrong move nga yun dahil alam ng mga nakakarami kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila dahil sa bigla ba naman naging sila ni Shaina samantalang ka bre break lang nila shame & JP kaya siguradong ang dahilan duon ay sya nga ang third party dahil ako naniniwala ako na sa karamihan na naghihiwalay ang ugat ay dahil may third party involve syempre mas nauuna lagi kasi ang puso (aminin natin) bihira lang ako naka rinig ng mga stories na ang dahilan ay pera o d kaya pamilya.Anga tanong kailan nagsimula ang relasyon nila jlc & shame? yan ang tanong na hanggang ngyn mahiwaga lahat.lagi talaga may third party involve.so napaka sinungaling talaga tong si JLC comment ko lang ha kasi sinabi nya dati ipitin man mga daliri nya hindi naging sila ni Ruffa tapos ngayn may pa special special relationship pa syang sinasabi.hala kung makita kita kita iipitin ko talaga mga dalire mo iho pati bayag mo dahil sobra akong nahilo sa galing mong magpaikot kung magsalita ang daming paligoy-ligoy dun din naman pala babagsak ang aamin din.bat d nalang kasi aminin na napasubo lang talaga sila sa sitwasyon dahil nangati kasi sila hindi dahil sa lasing talagang kinati kaya sila ang match para magpasarap e super landi din ni babae kaya gow w/ d flow basta makaraos lang.yun ang hindi maamin nyo dahil nauna na kasi ang sex bago usap kung ano ang mangyayari sa realidad.wala,wla d ako maniniwala na may love dyan siguro ngayun meron na dahil naapektuhan na sila kaya wala ng iba silang lusot but to give each other a try saka madali lang naman ma develop si JL kaya choks lang .ang sunod nyan na aaminin nila buntis na si shame kaya magpapakasal na sila.haysus ! kama este karma s around the corner…mga denial king&Queen!!!

  4. huwag ninyong atakihin si bayaw kong hilaw jlc kahit na nga muntik nang mapikot iyan ni ate ruffa pinaglaban pa rin niya pagmamahal niya kay shaina.sorry ate ruffa,wala kang laban sa bata .medyo losyang ka na sis.

  5. BEST ACTOR NGA TALAGA SI JOHNLLOYD…..ANG GALING MAGSINUNGALING…..MAY PA “IPIT-IPITIN NYO PA ANG DALIRI KO” nalalaman…..lol.

  6. too late na ang pag amin mo John lloyd. hindi naman tanga ang mga tao. hope happy ka sa decision mo at hindi ka lang pinilit ng abs para protektahan si shaina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.