John Lloyd Cruz, humahabol sa pagiging malusog ni Angelica Panganiban

Angelica-Panganiban-John-Lloyd-Cruz Angelica-Panganiban-John-Lloyd-CruzGUSTO LANG naming papurihan ang buong cast at production staff ng “Home Sweetie Home” dahil ang lakas lang maka-good vibes ng naturang sitcom. Meron pang itinuturong family values, kaya ‘pag nanonood kami, the whole time din kaming nakangiti.

Medyo lumulusog lang nang konti si John Lloyd Cruz, ewan kung si Toni Gonzaga ang masarap magluto o si Angelica Panganiban. Kung sa bagay, pareho naman na silang malusog, kaya naman sila’y magkasundong-magkasundo.

Hashtag alam na.

 

MUKHANG HAMIG na hamig na ngayong January pa lang ang Star Cinema, ah? Nandiyang sumampa na sa P300-M mark ang gross ng Bride For Rent  at mukhang masusundan ito ng Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Tila ang naghihimok sa mga moviegoers na panoorin ang Valentine offering na ito ng Star Cinema ay ang nakakalokahng trailer, lalo’t higit ang nakakalowkahng impit na iyak ni Toni habang sinusumbatan ni Papapi.

Kaya pag ito’y naka-P300-M din, alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “John Lloyd Cruz, humahabol sa pagiging malusog ni Angelica Panganiban

  1. Home Sweetie Home . Pinapanood naming lagi. Starting over again, ang ganda ng trailer. Over 2 million hits na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.