John Lloyd Cruz, guwardiyado kay Shaina Magdayao?!

SA THANKSGIVING PRESSCON ng Imortal nitong Lunes kaugnay ng mataas na ratings nito sa buong unang linggo ng pag-ere bilang pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, abut-abot ang pasasalamat nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa lahat ng sumuporta sa kauna-unahang pagtatambal nila. Bigla raw nawala ang kaba nila dahil kaagad-agad ay mainit ang naging pagtanggap ng televiewers sa team-up nila.

Nakatutuwa raw na kahit in real life ay may Shaina Magdayao si Lloydie habang si Angel naman ay napapabalitang unti-unti diumanong nawi-win back ng ex-boyfriend na si Luis Manzano, nagustuhan pa rin ng marami ang pagiging screen partners nila ngayon.

‘Yon nga lang, hindi maiwasang hindi magkaroon ng sunod na intriga kung hindi raw ba naiilang si John Lloyd kay Luis, o si Angel kay Shaina? Na baka kapag nagtagal-tagal ay magkaroon ng isyung selosan.

“Walang gano’n naman,” kampanteng sabi sa amin ni Lloydie. “Lahat naman kami, nasa tamang edad at pag-iisip na kami para malaman ‘yong lugar namin para sa isa’t isa.”

Dati, pinangarap din ba niyang maging girlfriend si Angel? O naisip man lang na ligawan niya ito that time na mula GMA-7 ay lumipat na nga ito ng ABS-CBN?

“Si Angel na maganda and was voted twice bilang sexiest woman in the Philippines… sino ka para tumanggi kung magkakaroon ng pagkakataon? Pero sa tanong kung dati eh, pinagpapantasyahan at pinapangarap ko siyang maging girlfriend, hindi naman po.”

Kung sa bagay, baka si Angel naman ang pagselosan ng current girlfriend niya ngayong si Shaina kung sasabihin niyang minsan ay ninais niyang pormahan at maging girlfriend ang kanyang leading lady ngayon sa Imortal.

May issue nga lately na medyo shaky ang relasyon diumano nila ni Shaina sa ngayon. On the rock na nga ba?

Napainom bigla sa hawak niyang bote ng mineral water si John Lloyd bago niya nasagot ‘yong tanong.

“Okey kami,” maikli niyang tugon.

Pero nadadawit nga muli ang pangalan ni Ruffa Gutierrez na na-link din sa kanya dati, na siyang dahilan daw ng away nila ngayon ni Shaina?

“Hindi. Wala po kaming pinag-aawayan. Nothing about her (Ruffa).”

Pero may balita nga na lagi raw siyang sinusundan o inaalam lately ni Shaina kung saan siya nagpupupunta? Lalo pa at may tsismis ngang tinatawagan na naman daw niya si Ruffa at lumalabas na naman sila.

“Ay, hindi po totoo iyon. And… kami ni Ruffa, wala na po kaming communication.”

Hindi raw totoo ang tsismis na nagkakalabuan sila ngayon ni Shaina. Happy pa rin daw sila sa relasyon nila.

Ano ba ang meron para mapanitili pa rin nilang smooth sailing ang kanilang relationship kahit nga ang dami pa ring nang-iintriga sa kanilang dalawa?

“Eversince naman kasi, hindi naman talaga ako naging gano’n kakumportable talking about my lovelife, eh. And siguro… lahat ng bagay napag-uusapan. Siguro ‘yon lang ‘yong key – communication.”

Ganyan?

SPEAKING OF RATINGS, humataw rin nang husto at nag-number 1 kaagad sa timeslot nito ang bagong show ni Vic Sotto sa TV 5 na LOL (Laugh or Lose) on its pilot episode nong Sabado (Oct. 9). 39.9% ang audience share na nakuha nito laban sa katapat na mga programang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN (27.1%) at Kaya Ng Powers Natin (26.8%) and Jejemom (23.4%) ng GMA 7.

Kakaiba ang show. Parang pinaghalong comedy at game show. Pero walang premyo o pera na pinaglalabanan. Basta ‘yong mga guests, pipiliting patawanin ng in-house comedian ng show na sina Wally Bayola at Jose Manalo habang si Bossing Vic naman ang moderator. Ang tumawa, talo.

“Ang Pinoy, madaling patawanin,” ani Vic. “Pero kung paano pipigilin ang pagtawa, iyon ang mahirap. Minsan, sa iba na lumalabas ‘yong tawa.

“Tapos lahat, hindi scripted. ‘Yong rules lang kung ano ang gagawin. Pero ‘yong game proper, spontaneous lahat talaga.  Do’n makikita ang galing nina Jose at Wally sa pagpapatawa at pag-i-interact with the studio audience.”

Kapansin-pansin na mas gumuguwapo pa at nagmumukhang bata lalo ngayon si Bossing Vic. Dahil kaya ‘yon sa lovelife?  Kumusta na nga ba ang relasyon nila ngayon ni Pia Guanio matapos silang magkaroon ng problema?

“Anong pakialam n’yo sa lovelife ko?” birong pambabara ni Vic bago natawa. Laugh Or Lose ang pinag-uusapan natin.  Uhm… ayos naman. LOL… Laugh Or Love.”

‘Yon lang at ayaw nang mag-entertain ng anumang tanong tungkol sa kanyang lovelife si Vic. Deadma rin ito sa mga nag-uusisa kung tuloy na ba ang kasal nila ni Pia next year.

Sa huling hirit namang question sa kanya kung possible ba kaya na magkasama sila ni Willie Revillame sa isang show since nasa TV5 na rin ito, sabi na lang nito: “Kung maganda ang show na pupuwede naming pagsamahan. Showbiz! Ha-ha-ha! Sino pang magtatanong, su-showbiz-in ko ang sagot,” biro pa niya.

Ano nga bang masasabi niya na kasama na niya sa Kapatid Network ang host ng Wowowee na dating mahigpit na kalaban ng Eat… Bulaga!?

“Wala naman. Trabaho ‘yan, eh. At saka wala naman akong problema kay Willie. Ewan ko lang kung siya… may problema sa akin. Ha-ha-ha!”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

13 thoughts on “John Lloyd Cruz, guwardiyado kay Shaina Magdayao?!

  1. ayan shaina, noon nag sisinungaling ka kay Jpratts, noong tintawagan ka kong saan ka, yon pala kasama mo si JLC, ayan bumabalik na sa yo.

    naku, lagyan mo na nag padlock para hindi na makaalis sa yo, hehe.

  2. iba talga si SHAINA mang gwardya.. talgang nila-lock nya penis ni JL sa vagina nya para wala na talgang kawala..good job shaina.. hats off.
    sa susunod sa bunganga mo naman i-lock para walang kawala talga..

  3. inis lang me kay shaina.. i dont know why.. siya saka sa bestfriend niyang si bea… lam nyo yung mga tao na kahit walang ginagawa sa inyo eh sadya lang tlga na kinaiinisan mo na kahit na anong gawin nila eh di mo makitaan ng maganda.. ganun sila sa akin lol.. sorry thats my own feelings lang naman nagshare lang :)

  4. ano ba nangyari dyan sa picture ni John lloyd? katatapos lang nilang magsabunutan? mukha yatang nag aged si JLC mula nang naging sila ni Shaina. o baka naman nasobrahan lang sa churva churvahan gabi gabi.

  5. Totoo ba ang tsismis na hindi type ni JLC ang role niya sa IMORTAL?

    kaya ito text ng text kay Ruffa hindi sa gusto nitong machuva sa kama ang host/actress ulit kundi sa posibleng paglipat nito sa TV5.

    napilitan lang daw tanggapin ni JLC makapareha si Angel Locsin dahil sa kontrata nito sa ABS.

  6. Karma ang inabot ni shaina kay john lloyd!! inapakan at tumae sa pagkalalaki ni john pratts at inagawan pa si ruffa! ayan tuloy todo bantay siya sa boyfriend niyang manyakis!! bute nga sa kanya! ang kati kati kasi!

  7. Kawawang batang Shaina, eh hindi naman siya talaga papatulan ni J. llod, parausan lang ba. Ayan ngayon sakal na si J Lloyd, nakamonitor always, kahit daw sa CR lang pupunta nakabuntot at tawag, sabi ng pr niya sa akin.

  8. dapat lang n gwardiyahan nya c jl dahil pag nwala p yan..kawawa nman xa at laking pagccc nya at nwala pa sa kanya c john pratts….ska dba ung gingawa ni jl s knya na pagsisinungaling kung nsan xa e ganun din c pratty sa kanya.?karma b twag dun…………………….kaya wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gAwin sau…………….laspag………………….

  9. Natatakot kasi si Shaina, baka maulit sa ibang chics yong famous Locking Bird ni John Lloyd, malaki daw kasi boletas ni John kaya sumasabit, pero inalis na raw.Pero kay Ruffa, malabo yon kasi ilan na anak at big girl siya.

  10. Pero may balita nga na lagi raw siyang sinusundan o inaalam lately ni Shaina kung saan siya nagpupupunta? Lalo pa at may tsismis ngang tinatawagan na naman daw niya si Ruffa at lumalabas na naman sila.

    “Ay, hindi po totoo iyon. And… kami ni Ruffa, wala na po kaming communication”.

    ==============

    si ruffa ang nagpapalabas ng mga negang write-ups about sa inyo ni shaina, siya rin nagpapalabas na lagi ka raw nag te-text sa kanya. mga bayaran ni annabel rama na writer ang mga naninira ke shaina…. said na said na ang kahihiyan ni shaina masyado na siyang nega dahil sa mga pinag gagagawa ni ruffa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.