John Lloyd Cruz, gusto na ang mga bading

NAGBAGO ANG PANINGIN ni John Lloyd Cruz sa pag-ibig when he did In My Life kung saan gumaganap siyang bading.

“I was able to look at love in a different perspective.  Ang na-discover ko, ang gay ay mas passionate magmahal. May mga struggles silang pinagdadaanan sa society, pero pag nagmahal sila, mas buo, mas passionate,” tsika ni Lloydie sa mini-presscon last Tuesday para sa kanya.

Wala pa naming natatanggap na proposal from gays itong si John Lloyd.

“Wala po. Iniisip ko kung proposal iyon, pero hindi naman po.”

Sa tagal niya sa pag-arte, nagbago na raw ang acting style ng actor.

“Now it’s less personal, before it was very personal.  Now, ang pinapraktis ko, I always try to make it from the character, and partly cerebral. I believe na there’s more to acting than shedding a tear,” magaling na paliwanag ng actor.

Sabi pa ng actor, mahirap katrabaho si Vilma Santos. « Hindi dahil sa unprofessionalism kundi mapapatingin ka na lang. Mapapanood ka na lang habang siya ay umaarte, ” esplika niya.

by Alex Brosas

loading...

2 thoughts on “John Lloyd Cruz, gusto na ang mga bading

Leave a Reply

Your email address will not be published.