John Lloyd Cruz, gumagawa ng paraan para iwasan si Ruffa Gutierrez?

MALAKAS ANG BULUNG-BULUNGAN sa Ateneo University Theater noong Sabado nang gabi sa 26th PMPC Star Awards for Movies nang sadyang umiwas si John Lloyd Cruz na dumating. Si Lloydie pa man din ang nagwaging Movie Actor of the Year for In My Life ng Star Cinema.

Say ng ilan, iniwasan nga raw ba nito si Ruffa Gutierrez na isa sa hosts that night? Matatandaang na-link romantically sina John Lloyd at Ruffa in the past, bagamat walang direktang pag-aming nakuha sa dalawa.

Pero ayon sa handlers ni Lloydie, talagang nagkasakit daw ang aktor kaya hindi kinaya ang pagpunta sa awards night, kahit nagkumpirma itong darating, at nakaayos na nga raw lahat ng susuotin, etc.

Sa Paparazzi kahapon, inintriga ni Cristy Fermin ang co-host na si Ruffa, “May mataas na lagnat si John Lloyd, hindi mo alam, Ruffa?”

Sagot ni Ruffa, wala raw siyang alam at baka nga raw may ibang taong mas nakakaalam nito, na obviously referring to Shaina Magdayao, ang babaeng nali-link ngayon kay John Lloyd.

Earlier last week, sa birthday naman ng anak ni Vina Morales, naka-one-on-one interview siya ni Ruffa, pero nag-deny si Ruffa na umiwas rin ito sa kapatid ni Vina na si Shaina na nasa isang sulok lang?

“Grabe, hindi ko rin siya talaga nakita roon, ‘no!” Tili ni Ruffa.

NGAYONG MAY 11 pala naka-sked ang muling pagge-guest ng superstar of her generation na si Charice Pempenco sa world-famous show ni Oprah Winfrey sa Hollywood and sinasabing nasa #4 na sa billboard charts doon. Ang kanyang album, malapit na umanong matalo sa sales ang album ni Lady Gaga. May worldwide manager nga kasi si Charice, kaya natututukan ang global career nito.

Pero gaano man kasikat si Charice, kaakibat nito ang malungkot na chikang may gulo pa rin sa pamilya nito – ang hindi pagkakasundo ng mom niya at sa ina nito (lola ni Charice). At ang latest, ang pande-deadma raw ni Charice na ipagamot ang may sakit nitong ama.

Sa isang TV interview ni Charice, mariin niya itong itinanggi, dahil ang alam daw niya ay matagal na itong gumaling at wala naman daw problema kung tumulong sila. Pero wala na raw sila ngayong komunikasyon, dahil obviously ay magkaaway ang kanilang mga magulang.

Sa panayam naman ng kapatid ng ama ni Charice sa probinsiya, naging emosyonal ito sa di umano’y pagpapabaya ng anak sa kapatid nito, na hindi naman sila umaasa kay Charice.

Well, sa anumang global achivements ni Charice, magiging mas kumpleto siguro ‘yun ‘pag naayos na ang gusot na ito sa pamilya niya.

FINALLY AY MAPAPANOOD na ang You To Me Are Everything, comeback romantic movie nina Dingdong Dantes and Marian Rivera, under Regal and GMA Films.

Matagal na rin kasing naghihintay ang kanilang loyal Dong-Yan fans ng pelikulang pagsasamahan ng kanilang favorite loveteam.

Naniniwala sina Marian and Dingdong na magugustuhan ang You To Me Are Everything ng kanilang fans and supporters na nandiyan lang sa kanilang likod upang sumuporta.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleHulicam: Ang Korek ng Pagsubo! (Jaya)
Next articlePhoto Oops: Nip slip, uso sa Bora!

No posts to display