JOHN LLOYD CRUZ AND ELLEN ADARNA: DRUNK IN LOVE!

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

JOHN LLOYD CRUZ

Real Name: John Lloyd Espidol Cruz

Birthdate: June 24, 1983

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

 

ELLEN ADARNA

 

Real Name: Ellen Meriam Go Adarna

Birthdate: April 2, 1988

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

PARANG PELIKULA ang journey ng love story between John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.

Sometime last year ay natsismis na rin na may something ang dalawa. Nag-umpisa ito nang magkasama ang dalawa sa sitcom na ‘Home Sweetie Home’ at kalauna’y nagkaroon ng sightings sa pagitan ng dalawa outside of work. That time, nalilink si Ellen sa iba at may ilan naman na hoping na may ‘one more chance’ sa pagitan nina John Lloyd at ex-gf na si Angelica Panganiban.

Ngayon, no words needed para i-confirm na more than just friends at real-life ‘sweetie’ na nila ang isa’t isa.

Refreshing ang pagdevelop ng story na ito dahil we all consider John Lloyd Cruz as ‘the ideal leading man’ while Ellen Adarna is always seen as the liberated chick na walang paki kung gusto mo siya o hindi. This is them learning, ika nga.

In fairness, bagay naman kasi talaga sina JLC at Ellen. Sa usaping pag-ibig kaya ay pang-forever na ang union ng dalawang good-looking Kapamilya stars na ito? Let’s investigate!

Mapagmahal sa pamilya ang Aries, pero hindi ito kasing dedicated tulad ng Cancer. Sa katunayan nga, ang sobrang pagdikit sa pamilya ay maaaring makasakal sa free-spirited na Aries. Importante sa kanya ang freedom at independence samantalang ang Cancer naman ay nangangailangan ng intimacy at malaki ang posibilidad na maging dependent ito sa kanyang magiging dyowa.

Ang compatibility ng dalawa ay nakadepende sa kung gaano sila madalas mag-usap at kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa isa’t isa. Puwede ring turuan ng Aries ang Cancer kung paano maging independent at in return, baka makatulong ang pagiging romantic ng Cancer para ma-tame down nang konti ang Aries. Opposites attract, right?

Ang babaeng Aries ay palaging on the move, samantalang ang lalaking Cancer ay mas trip na relax lang palagi. Kahit pa sabihin na may instant attraction sila sa isa’t isa, kailangan nilang pagtrabahuan kung papaano tatagal ang kanilang relasyon. Ang isa ay mahilig gumala habang ang isa naman ay may pagka-possesive. Pareho rin silang matigas ang ulo at pinaglalaban palagi ang gusto. Sa pag-ibig naman, basta willing ang isa na mag-adjust ay masosolb na agad ang problema. Pamilyar ang eksena mga bes!

 

In short, the JLC-Ellen romance has a big chance na mauwi sa kasalan. If that’s the case, we’re happy for the both of them. Marami na rin silang nai-date in the past and they deserve to settle in the arms of each other. Tara na, inuman na!

 

 

 

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.