John Lloyd Cruz, dinadahan-dahan si Angelica Panganiban!

SA NAKARAANG presscon ng pelikulang The Mistress ng Star Cinema na balik-tambalan nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ‘di maiiwasang matanong ang aktor kahit pahapyaw tungkol sa namumuong espesyal na relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Sinimulan sa tanong kung maikukunsidera ba ni John LLoyd na perfect Sunday ang presscon na ito ng The Mistress dahil nu’ng nakaraang Linggo ito ginawa, one week pagkatapos lumabas ang larawan nila na magkasama sila ni Angelica at may caption na Perfect Sunday-According to the Guy in Pink.

Ayon sa aktor, masasabi niyang perfect Sunday nga ito dahil nagpaunlak ang mga press na pumunta sa presscon nila kahit pa nga Linggo. Hindi rin nakaiwas na matanong kung siya ba talaga ang nag-upload ng mga lumabas na mga larawan, inamin naman ni John Lloyd na siya ang nag-click ng send button, kung saan patunay lang ito na paunti-unti ay binubuksan na nila ni Angelica ang tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Nang tanungin kung wala bang magseselos sa love scenes o kissing scenes nila sa istorya, agad namang sumagot si John Lloyd na wala sa kanya, samantalang si Bea ay siniguro na ‘di ito pagseselosan ng boyfriend na si Zanjoe Marudo lalo’t pareho silang artista at naiintindihan nito ang nature ng trabaho nila.

Nang maramdaman na patungo na ang mga tanong sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angelica, agad na nagsalita ang aktor na alam niya kung saan patungo ang mga tinatanong sa kanya at hindi ito ang tamang venue para pag-usapan ito, dahil nandu’n ang lahat para sa presscon at selebrasyon ng muli nilang pagtatambal ni Bea na kinukunsidera ni John Lloyd na isa sa pinakapaborito niyang ka-loveteam.

Nagkalokohan din na dahil sampung taon na ang kanilang tambalan ay mayroon ba silang espesyal na regalo sa isa’t isa, ayon kay Bea ay gusto niya ng isang earrings na agad namang sinabi ng aktor na ang ganitong mga regalo ay intimate at binibigay lang kapag girlfriend mo ang isang tao.

Sa kalaunan ay mukhang napapayag naman ang aktor sa tukso na rin ng mga press sa paligid nila at sa panloloko ng aktres. Pero nang tanungin kung ano naman ang gusto niyang matanggap na regalo mula sa kapareha, nagbiro ito na isang condo unit o kotse ang gusto niyang iregalo sa kanya ng kapareha.

Ang The Mistress ay mapapanood sa darating na September 12 sa mahigit na 100 sinehan, sa ilalim ng direksyon ng batikang direktor na si Direk Olivia Lamasan, kasama rin ang mga mahuhusay na artistang tulad nila Hilda Koronel at Ronaldo Valdez.

NAKAUSAP NAMIN nu’ng nakaraang Linggo si Matteo Guidicelli sa Built Upon The Rock Charity Game, kung saan naglaban ang koponang Swatch team na pinamumunuan ni Asi Taulava at ang Black Water naman ng playing coah na si Mr. Jimmy Alapag.

Agad naming tinanong ang aktor tungkol sa breakup nila ni Maja Salvador. Inamin naman sa amin ni Matteo na desisyon nila pareho na maging mabuting magkaibigan na lang. Sa isyu ng oras ang naging rason kung bakit sila naghiwalay ng ex-girlfriend, inamin naman ni Matteo na pareho silang naging abala sa kanila-kanilang mga trabaho. Pero ikinatutuwa niya na sa kabila ng lahat ay napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan.

Masaya si Matteo na nakasama siya sa charity event na iyon na kumita ng kulang-kulang isang milyon piso para i-donate sa mga naging biktima ng pinsala ni Habagat na sumira ng maraming tirahan at nagdulot ng napakalaking baha sa maraming lugar. Isa ito sa paraan ng pagtulong ng aktor at pagbabahagi ng kanyang blessings, kung saan malapit na siyang mapanood sa PHR Presents Isla kapareha si Jessy Mendiola.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

MelbaLlanera

About the Author

has written 280 stories on this site.

loading...

8 thoughts on “John Lloyd Cruz, dinadahan-dahan si Angelica Panganiban!

  1. PINAGTATAWANAN NA LNG NI DEREK NA SAKANG NA GURANG NA BAKLA YANG C JLC KC YUNG TIRA-TIRAHAN NYANG BABAE NA C ANGELICA EH KINAKAIN NGAYON NI JLC. TANGA NA LNG YANG LALAKE NA YAN KUNG SESERYOSOHIN NYA C ANGELICA NA IMORAL NA KABET, DUKOT QUEEN NA 7 YEARS NA NAGING PARAUSAN NI DEREK. BWAHAHAHAHAHAHA

  2. Hahaha nakakatawa mga comment..pati ako kung anong berde rin pumasok sa utak ko. Pero sana seryodohin na ni jlc si angelica dahil mukhang bagay naman sila and masaya sa relationship nila! Yun lang!

  3. misleading ang titulo ng artikulo,parang ang labas, dinahan dahan na k*ntut*n ni john loyd si angelica. parang titulo lang ng isang tagalog porn story. hahaha

  4. Bakeet Masikip pa bang Keps nya means Doncellya pa. Di ba tinitira na ni Derek “Frankenistin” Ramsay yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.