John Lloyd Cruz denies both Sarah Geronimo and Ruffa Gutierrez

JOHN LLOYD CRUZ is a brilliant actor. And whether he agrees or not, he’s on top! He displays professionalism, versatility and passion in his craft. In his new movie In My Life, he extensively prepared for his role by attending workshops and going to clubs for a more realistic portrayal of his role as Luis Manzano’s lover. He considers this role as the most challenging he has done as an actor. John Lloyd has only praises for the Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos na first time niyang makasama sa isang pelikula. “Si Ate Vi nakakatuwa talagang katrabaho. Napaka-cool. Wala akong masabi. Napaka-professional. Buhay na buhay ang respeto ni Ate Vi sa co-actors niya. Hindi siya nagmamarunong pero alam ko na anytime na lumapit ako sa kanya ay may makukuha akong tulong,” he said.

Pero sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career, hindi naman matapus-tapos ang mga rumors that he and longtime girlfriend Liz Uy have already parted ways. Hindi pa rin malinaw kung totoo ang mga balita because John Lloyd and Liz remain quiet.

John Lloyd vehemently denied rumors that Sarah Geronimo and Ruffa Gutierrez are the reasons of his alleged break-up with Liz. “Nakakahiya. Nahihiya ako sa kanila. Hindi fair na madamay sila. Hindi ko naman pinagkakaila na si Sarah, naging special talaga pero it doesn’t follow na kung special sa iyo iyong tao ay liligawan mo na. Wala kami ni Ruffa. Nahihiya nga ako. Iyong mga tao, inaakala nila si Ruffa ang naging dahilan ng break-up namin. Huwag po nating i-underestimate iyong intelligence ng tao at hindi naman biro iyong pinagdaanan ni Ruffa pagdating sa mga ganyang relationship,” he clarified. He didn’t want to further comment on the break-up issue. Darating daw ang panahon na makapagbibigay na siya ng mas malinaw na pahayag tungkol dito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.