John Lloyd Cruz, dahilan ng hiwalayang Shaina-John Prats?! – Morly Alinio

DEADMA AS IN ayaw magbigay-komento ni Diether Ocampo sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sila ng kanyang girlfriend na si Rima Ostwani. Base sa nakarating sa aming balita, almost two months na raw na nagkaroon ng problema ang dalawa na ang pinag-ugatan ay third party.

Sa ngayon daw, apektado si Diether sa nangyaring hiwalayan dahil mahal nito ang kasintahan. “Actually, kung kilala ninyo si Diether ay masasabi n’yong unfair sa kanya ang nangyari kasi lahat isinakripisyo niya para lang kay Rima.”

Kung paniniwalaan ang kuwento, nagulat na lang daw si Diether sa naging desisyon ni Rima.”Hindi ko alam kung ano ang detalye pero sa pagkakaalam ko, wala na talaga sila”

Speaking of hiwalayan, ayaw ring magbigay-komento ni Shaina Magdayao sa kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni John Prats. Pero, ang bali-balita ay malaki raw ang kinalaman ni John Loyd Cruz sa nasabing hiwalayan.

DEADMA RIN SI Enchong Dee sa isyung isa siyang bading. Kung paniniwalaan ang mga bali-balita, may nagkukumpirmang berde rin ang dugo ng nasabing aktor, na ayon kay Erich Gonzales ay unfair iyon para sa kanyang kaibigan. Dahil kilala niya itong lalaki at never na nagmahal sa kapwa lalaki.

“Hindi naman yata totoo ang balitang iyon. Dahil sa pagkakaalam ko ay lalaki siya at hindi ako naniniwalang gay siya. ‘Wag naman… napaka-unfair naman yata ng ganu’ng tsismis para sa kanya.”

Sa kabilang banda itinanggi din ni Erich ang balitang mag-on na sila ni Enchong. Ayon sa dalaga, paano raw sila magkakaroon ng relasyon ni Enchong gayu’ng wala namang ligawang nangyayari.
TOTOHANAN NA NGA yata ang relasyong Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Kung paniniwalaan ang balita, bukod sa pabango ay binigyan din daw ni Rayver ng kuwintas si Sarah. “Aminin man o hindi nina Sarah at Rayver ay malalim na sila,” kuwento iyon ng isang taong malapit sa Pop Princess.

Ayon sa mga balita, hindi raw nagugustuhan ni Mommy Divine ang ginagawang pakikipagmabutihan ng kanyang anak na dalaga sa binata kaya sa tuwing makikita nito ang aktor ay nabubuwisit ito nang palihim. “Wala na siyang magagawa dahil dalaga na si Sarah at may karapatan itong ma- in love.”

Kung sa bagay, mas marami ang boto kina Rayver at Sarah, kaysa kina Shaina Magdayao at Maja Salvador para sa aktor. “Mas bagay sina Sarah at Rayver dahil pareho silang tahimik.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

14 thoughts on “John Lloyd Cruz, dahilan ng hiwalayang Shaina-John Prats?! – Morly Alinio

  1. the issue about Diet and rima’s not true. I can guarantee that cause kameeting pa lng cla ng boss ko last week sa Makati and they looked very happy and inlove.

  2. i agree sa ‘yo SASSY! may kilig sa team up nila sarah at rayver.

    sana naman si mommy divine ay payagan na si sarah na ligawan. ‘di naman nangangahulugan na kung magkaka-boyfriend si sarah ay mapapariwara na ‘yung anak nila! siyempre, sila pa rin ang gagabay para ‘wag matulad si sarah sa ibang kabataan!

    • Siyempre ayaw niyang mapariware si Sarah kasi hindi na ito makapagbibigay ng ganun karaming datung pag nangyari ‘yun. lol

  3. so what kung mas maganda si kristine kay rima?

    ‘yan ba dapat ang maging basehan or ang character ng isang tao?

    sabihin na natin na hindi star quality si rima, pero alam ninyo ba ang character ng tao kumpara kay kristine?

    gusto ba ninyong sabihin sa inyo ng mga tao na, maganda ka nga pero putik naman ang ugali mo! gusto ba ninyo ang ganoong komentosa inyo?

  4. siguro ay na-realized ni rima na hanggat boyfriend niya si diet ay laging iku-compare siya kay kristine na totoo naman na sobrang ganda. :-)

    • Mas nagagandahan ako kay Kristine kesa kay Rima. Kristine’s beauty is timeless. As in shes very blessed to have a very beautiful face! Rima is as well beautiful also, yun nga lang parang seasonal lang yun ganda nya.

      IMO lang po ha. =)

      • right!!!!

        1 sya sa tlgang hinngaan ko ang face

        marian,kristine,alice dixon celia r.,at amalia fuentes
        grabe
        ga2ndang ba2e
        pwedeng lumarga sa labas ng walng make-up
        wahhhhhhhh

        kainggit cla…lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.