John Lloyd Cruz, bilib na bilib sa pagiging maunawain ni Angelica Panganiban

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo dahil naloka nga ako rito kay Vice Ganda! Napansin ko nga na talagang wala siyang iniindorso na mga senatoriable or politician.

Nakakaloka ang mga eksena dahil pinatutsadahan ni Vice ang ibang mga kandidato sa presscon ng concert niya sa May 17 sa Araneta Coliseum, ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.

Pero siyempre, may mga tanong ang karamihan kung sakaling ang kaibigan niyang si Kris Aquino ang tatakbo, sususportahan ka niya?

Ang sagot naman nitong si Vice, go raw siya. Wala nga raw siyang tinanggap na endorsement para sa tumatakbong senators ngayon. Ang rason niya, ‘yung mga lumapit sa kanya para i-endorse niya ay hindi naman niya iboboto.

At take note, kung sakali mang siya ang tatakbo, gusto niya agad-agad. Kaloka dahil hindi talaga kinakaya ng powers ko!

Sa tingin kaya niya ay may susuporta sa kanya kung ganyan ang pananalita niya minsan na parang ‘di niya iniisip? Kakaloka!

Nabanggit din ang Ladlad party-list kay Vice at sinabi nitong puwede niyang i-mark sa balota ang grupong ito na nangangalaga sa kapakanan ng mga bakla, tomboy, transgender, bisexual o tinatawag na third sex. Dedma at may pinatatamaan siya, ayoko nang banggitin dahil parang endorsement din kung sino ang pinatatamaan niya.

 

BILIB NA bilib si John Lloyd Cruz sa pagiging maunawain ni Angelica Panganiban. Never daw kasi itong nagpakita ng selos sa loveteam nila ni Sarah Geronimo. Ito’y sa kabila nga ng naglalabasang chika na mas bagay raw sina Sarah at Lloydie.

Sey ng box-office king, very smooth ang relasyon nila ni Angelica dahil pareho silang nagbibigayan at nag-iintindihan.

“Nagpapasalamat ako kasi naging madali. Baka sa ibang relasyon, baka ‘di madali. Pero sa amin, naging madali siya. Kumbaga, ayaw naming maging hadlang sa ikauunlad ng bawat isa,” ani Lloydie.

Nakakaloka pala talaga magmahal itong si John Lloyd, dahil lahat talaga ibibigay raw niya. Pero parang sa mga napansin ko, kay Angelica lang siya nagkaganyan.

Hindi kinaya ng powers ko. Ganu’n ba talaga mabaliw kay Angelica? ‘Di ba, ganu’n din naman ang ex niyang si Derek Ramsay? Masarap bang mahalin si Angelica?

May mga nagsasabi naman na madali rin namang iwan at madaling makahanap ng iba… it means, agad-agad. Kaloka naman talaga, mga ‘te!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

17 thoughts on “John Lloyd Cruz, bilib na bilib sa pagiging maunawain ni Angelica Panganiban

  1. halos lahat naman ng keps sa showbiz, sinasalpakan ng notes nitong JLC na toh! pustahan pati sa mga baklang repoters, kinakamao rin nyan gago na yan!

  2. rest in peace swarding, maligayang pag lalakbay patungo s kaharian ng panginoon, don wala k ng mararamdam sakit ng katawan at kalooban manapay puro kaligayahan. doon wala kang gagawin kundi purihin at awitan ang panginoon at makakasama mo n yong mga mahal mo s buhay n nauna saiyo at higit s lahat kasama mo ang panginoon. bye bye swarding.

  3. PEP ALERTS
    Sumakabilang-buhay na ang radio-TV personality na si Tita Swarding. Pumanaw si Tita Swarding kagabi, May 11, dahil sa sakit na acute emphysema. Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa San Fernando Funeral Parlor, Royal Gold, malapit sa Muñoz Market.

  4. Syempre ang motto ni AP “Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan”.dba yan dn snbe nya ke Ram.Hindi tlga mgppkta ng nega yan ke jl kc pg ngkataon.iwan n naman xa.knyre di nagseselos pro sa loob2 nyan..huhu.kya pla nung movie nla jl at sg eh nkipgsbyan ng post sa inst..hehe

    • Anu nman b dpat nia ka insecure-an kay sg!? Jus mio kaya nga kwwa luvlyf nia..  lagi na lng pinagpapalit sia s iba kse pang masa lang beauty nia… i dont think n insecure sia kay sg..ska kumplikado pa pamlya.. im not a fan of both actresses pero sa totoo lng i wud choose AP.. despte s scandal nia abt her ex… u can prove her sincerity and devotion to her partner… iba sia magmahal… todo2…

  5. ABA, BUMILIB AKO KAY KABAYOTIC BEAUTY HA. TAMA NAMAN, BAKIT NYA NGA “IBEBENTA” ANG  BOTO NYA SA KANDIDATONG DI NYA NAMAN PINANINIWALAAN. DEVAH, NANCY BINAY? HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.