John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, spotted sa dance-concert ng G-Force!

MAHIHIRAPAN ANG MGA intrigero’t intrigera na pataubin ang reel- and real-life sweethearts na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Simple lang ang statement ni Dingdong nang matanong kung ano ba ang reaksyon niya sa patuloy na ‘pambabato’ kay Marian, “Kahit anong mangyari, kakampi niya ako. Sa kanya ako kakampi. Hindi man ako magsalita, alam niya ‘yon. Kakampi niya ako.”

Seryoso nang talaga ang relasyon ng dalawa. Meron na bang ‘wedding bells’ sa nalalapit na panahon? Napangiti muna ang aktor bago nakasagot. “Lalagay rin naman tayo r’yan,” aniya. “Very soon. Siguro, four… five years from now? Hindi rin naman natin masasabi kung kailan talaga. Pero darating ‘yan.”

At kung si Marian na ba ang babaeng ihaharap niya sa altar? Napangiti lang ang prized talent ng GMA TV network.

2010 is a very good year for Dingdong in terms of top-rating TV shows, product endorsements, and his advocacy in empowering the youth. No doubt about it na isa siya sa mga inspirasyon ng mga kabataan, kaya siya ang napiling youth ambassador ng National Commission for Culture and the Arts. Sa lahat ng ito, sabi nga ni Dingdong, wala na siyang mahihiling pa.

Since malapit na rin naman ang Pasko, ano ba ang ‘special gift’ niya kay Marian?

“Wala pa akong naiisip na ibibigay sa kanya,” sagot ni Dingdong “Pero definitely it will be very, very special.” Simple lang din daw ang Christmas celebration niya this year. And definitely, dito sa bansa niya ise-celebrate ‘yon together with his family.

2011 will be a very busy year for Dingdong. Nagsimula na sila ng taping ng TV series na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez. And the actor is really excited sa movie nila ni Kris Aquino. “Plantsado na ‘yon, as far as I know,” sabi pa ni Dingdong. “Sana nga walang maging problema. I am really looking forward to working with Kris.”

SPEAKING OF KRIS, mahusay talagang magmaniobra ng media ang youngest sister ni P-Noy. Biro lang daw ang pagyaya niya kay Ted Failon na maka-date ito sa premiere ng filmfest entry niya this December. We believe Kris is very much aware na kakagatin ‘yon at gagawing isyu ng media. At ‘yon nga ang nangyari.

Since may gag order na ang korte prohibiting her camp and her estranged hubby James Yap to talk in public sa on-going annulment case nila, at sabi rin ni Kris na pinakiusapan na siya ng Kuya Noy niya na huwag nang mapag-usapan ang lovelife nito, caught on the spot ang news anchor na si Ted.

And that ‘biro’ is a very good publicity sa movie ni Kris – at pagsasamahan nilang talk show ni Ted next year. Harmless joke lang naman ‘yon, pero dahil nanggaling kay Kris, isyu na at big deal nang talaga.

NAMATAAN NAMIN ANG mag-sweetheart na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa dance concert ng G-Force nu’ng Martes sa San Juan Arena. First time naming nakita na magkasama ang dalawa off-cam. At tulad ng ordinaryong magsyota, enjoy na enjoy ang dalawa habang nanonood ng show. Especially Shaina na panay ang ‘raise the roof’ gesture sa tuwing nagugustuhan ang ‘hatawan’ sa stage. Pero hindi na tinapos ng dalawa ang show. We overheard Shaina saying “Manonood pa kami ng My Amnesia Girl, hindi ko pa kasi napapanood.” Dali-daling um-exit ang dalawa habang naghihiyawan sa tuwa at kilig ang mga bagets na nadadaanan nila.

G-Force is the dance group na kasamang humahataw ng mainstays ng ASAP XV every Sunday. Their show last Tuesday marked their 5th year in the industry. It’s actually a benefit dance show na ang proceeds ay ibibili ng mga sapatos para sa less fortunate kids ng Tondo.

Malaki na rin ang followings ng G-Force, proof nito ay ang maraming taong nanood ng show. At nakakabilib na kilala nila ang bawat members ng G-Force headed by Georcelle. We’re not really familiar with the different types of dancing, pero we can say na G-Force showcased a world-class performance that night.

Nakita rin namin sa audience sina Vice Ganda, Vina Morales, Rowell Santiago, Billy Crawford, Nikki Gil, and Jericho Rosales. Nakihataw rin sa G-Force ang XB Gensan at si Rayver Cruz.

MAY PLANO PALA si Senator Jinggoy Estrada na gumawa ng comedy film with Eugene Domingo next year. To be written and directed by Joey Reyes. At sino ang kanyang leading lady? None other than Shalani Soledad!

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.