John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagbatian nang magkita sa Star Magic Ball!

TALIWAS SA naglabasang nag-isnaban daw sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao nang magkita sa Star Magic Ball.

Ayon kay Vina Morales, siya ang kasama ni Shaina nang dumalo sa Star Magic Ball at nang magkita nga raw ang dating magdyowang John Lloyd at younger sister niya na si Shaina, nagbatian naman daw ang dalawa. Pero hanggang batian na lang daw ang nangyari sa dalawa.

Base na rin sa naging pahayag ni Vina, masaya na ngayon ang younger sister. Lumalabas na rin daw ito pero ‘di malinaw kung nakikipag-date na sa ibang lalaki si Shaina.

Basta ang malinaw, masaya na ang kapatid niya sa pagiging single at sa pag-e-extend ng daytime series nito sa ABS-CBN, mas lalong sumaya ang younger sister niya. Marami raw nagpaparamdam sa kapatid na karamihan ay non-showbiz,  pero ‘di lang masagot ni Vina kung handa na bang magmahal at magka-boyfriend uli si Shaina.

“Hindi ko naman kasi hawak ang puso ng kapatid ko (Shaina) kung kailan siya iibig at magtitiwala uli,” say ni Vina.

Nang matanong si Vina sa relasyon ngayon nina John Lloyd at Angelica Panganiban, ayaw magbigay ng comment ng singer/actress dahil ‘di raw niya sakop ang buhay ng ibang tao.

Kung ang lovelife naman ni Vina ang tatanungin, may kakaibang ngiti sa mukha ng actress. Pero ayaw niyang magbigay ng detalye, baka raw kasi maudlot at hindi mag-prosper.

Ingat na ingat na si Vina na pag-usapan ang kanyang lovelife para raw mapanatili ang privacy ng personal niyang buhay. Ibalato na raw muna ito sa kanya at kapag stable na, hindi naman daw niya ito itatago sa publiko.

Wala pang regular series si Vina sa ABS-CBN. Puro guesting lang muna ang pinagkakaabalahan niya. Nag-taping daw siya last Tuesday ng Wansapanataym.

Maganda pa kay Vina, hindi nagbabago ng ugali magmula nang magsimula sa showbiz, hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya na down to Earth makipag-usap na walang halong kaplastikan.

 

IBABALIK SA telebisyon ang Pepito Manaloto na biglang tinapos sa ere ng GMA-7 noon dahil wala na raw maisip pa si Michael V at mga scriptwriter na kung ano ang susunod na eksena ni Pepito.

Sa launching kamakalawa, ipinaliwanag ni Michael V na kailangan na nilang tapusin ang sitcom na tinawag nilang Book 1 pero ngayon ay mayroon nang Book 2 na ilalabas nga next week.

Sa Book 2 ng Pepito Manaloto, mismong istorya ng pamilya Manaloto na ang masasaksihan ng televiewers, matapos silang manalo sa Lotto noon.

Sa Book 2, wala na si Carmina Villaroel at inamin din ni Bitoy na wala naman daw talaga sa tunay na buhay ni Pepito Manaloto ang role ni Carmina. Dalawa naman ang naging kapalit nito, sina Jessa Zaragoza at Nova Villa.

MISMONG SI Batangas Governor Vilma Santos ang nag-inspect sa ginagawang malaking bangka na siyang pagsasakyan ng imahen ng Mahal na Birhen ng Caysasay sa Sabado, September 8, bilang pagdiriwang ng Lalawigan ng Batangas at ng Archdiocese of Lipa ng birthday ng Mahal na BIrhen.

Sinisiguro kasi ni Ate Vi na maayos ang pagkakagawa ng bangka at masi-guro na rin sa mga itatalagang security na maging alerto para makaiwas sa aksidente.

Sariwa pa kasi hanggang ngayon ang nangyaring fluvial parade noon sa Obando, Bulacan dahil sa pagkakagulo ng mga tao at overloaded sa dami ng gusto sumakay sa bangka. Tumaob ang bangka at marami ang namatay.

Kaya ibinilin ni Gov. Vi na higpitan ang pagbabantay para maiwasan ang aksidente.

 

HINDI APEKTADO ang beauty queen na si Venus  Raj sa naglabasang blind item na siya ang tinutukoy na nagbabalot ng mga natitirang pagkain. Aminado ang beauty queen turned TV host na nagbabalot nga siya ng mga natirang pagkain. Pero sa halip na mapahiya ay tinawanan na lang niya ang naturang isyu.

Katuwiran kasi ni Venus na talaga namang nakaugalian na niya na ipinababalot ang mga pagkain na hindi naubos kapag kumakain sila sa isang restaurant dahil nanghihinayang siya na itapon na lang ito sa basurahan. Ang pagbabalot  naman niya ng pagkain sa isang okasyon ay ibinibigay niya sa security guard sa kanilang condominium building.

Wa epek sa beauty queen ang pagbabalot ng natirang pagkain dahil hindi naman daw siya apektado at tinatawanan na lang ang isyu.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

10 thoughts on “John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagbatian nang magkita sa Star Magic Ball!

  1. hayaan muna sila Venus yung isang beses nagbalot ka kasi binigay mo sa guard natutuwa ang diyos sayo..at lalo ka nya pagpapalain more blessing sayo, yung mga nag blind items sayo mga yan yung mga taong walang kwenta dito sa mundo, makakarma din yan mga yan, basta wala kang dapat ikakahiya di ka nagnakaw sila ang dapat mahiya kasi pinakita lang nila sa mga tao na wala silang mga utak…..

  2. oo nga…… ano masama kung ipabalot nia ang pagkain na tira… malinis nman yun… hinde nman yun  mga tira sa plato no… pag sosyal pwede na magaksaya ng pagkain? wow…. kung ganun ang sosyal mas gus2hin ko pang maging jologs….

    • tama wala ngang masama sa pagbabalot ng natirang pagkain sa resto dahil binayaran mo naman yun….. ang pangit lang tingnan kung na-invite ka lang sa isang party at di naman ikaw ang nagbayad ,,, tapos yung mga natirang pagkain ay ipapabalot mo…… nagpapakatotoo lang si miss venus dahil kung yun naman talaga ang nakasanayan nya…….

  3. hindi ata nagtatagal ang mga show ngayon ni bitoy, mukhang nawawalan na ng kinang si bitoy.

    .

    yung ginawa ni venus, ugaling pinoy na yun pero pag sa mga sosyaling events o parties naman, wag naman sanang ganun ang ugali ni ateng venus. nakakahiya! hahahaha

    • ok lang magpabalot kesa naman itapon lang. ok lang sosyal events basta ba di naman naka plastic o supot ang pinaglagyan ok lang. walang nakakahiya duon di naman niya ninakaw iyon eh. huwag lang pag buffet at nakakahiya talaga.

  4. Nag batian sila ng Merry Christmas & Happy St Luke day.. Ngayon ata ang anniversary nila ng madala sila sa St Luke Hospital Kasi nga nag kadikit ang kanikanilang Ari.

    • Walang mali kung magpabalot ng pagkain. Maraming nagugutom na mahihirap, at kung itatapon yung mga di naubos eh mabuti pang ibigay sa mahirap. Yun naman pala at ibinibigay niya mga sekyu or kung kinakain man niya, so what, hindi naman kayo ang gumastos sa handa. Yung mga mahihirap, kahit madumi at panis na kinakain pa (pagpag ang tawag nila). Masyadong ipokrita at mapanghusga talaga ang mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.