John Lloyd Cruz at Luis Manzano, bagay maging bading – Eddie Littlefield

NANG MAKITA NI Olive Lamasan sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano na relax sa isa’t isa habang nagbibiruan, naisip agad ni Direk na they are both perfect for the role as gay lovers sa In My Life ni Gov. Vilma Santos under Star Cinema.

“Hindi mo makikita si John Lloyd Cruz sa mga characters na ginagampanan niya, makikita mo ‘yung character na pino-portray niya,” say ni Direk Olive. “Luis Manzano is a revelation,” dugtong pa niya.

Kamusta na ‘yung kissing scene ninyo ni Luis ? “Actually, natatakot nga kami magkaroon ng label ‘Yung eksena na kissing scene kasi hindi po siya kissing scene. It’s a very intimate scene. Napakaganda ng setting namin. Hinintay namin ‘yung tamang oras para ma-capture ‘yung tamang ilaw and lahat ng factor na ‘yun nagsama-sama and we’re able to create a very beautiful scene. Sana pag napanood ninyo hindi kayo ma-distract, aantayin ninyo sila. Ma-anticipate ninyo na magbra-brush ‘yung lips nila. Sana makita ninyo ang intensiyon ng eksena, makita ninyo ‘yung puso nang dalawang characters na nasa harap ninyo,” makahulugang turan ni Loydie.

“Na-realize ko after reading the script as an actor, step out of your comfort zone. I  completely trust Direk Olive to do any kissing scene with any other actors except John Lloyd Cruz. You know, kapag dumating na ‘yung actual scene na ‘yun sa movie, we hope na you don’t necessary see John Lloyd Cruz and Luis manzano kissing. You see Noel and Mark sharing a very, very intimate moment,” dugtong naman ni Luis.

Hindi madali para kay Lloydie gampanan ang role bilang gay lover.First time na may intimate moment siya sa kapwa niya lalaki onscreen. “Yung character buong-buo, buo ang puso niya, buo ang atensiyon niya, buhay na buhay sa eksena.   Siyempre, hindi kumakawala ‘yung pagkatao ko dahil ako ‘yung temple ng character ko. Dalawa ang naramdaman ko after taking that scene, nu’ng una kasi masyadong emotional ‘yung eksena. Nu’ng nandu’n ako sa loob ng scene grabe, ramdam na ramdam ko siya. Buhay na buhay sa puso ko ‘yung scene, ‘yung moment namin nu’ng character.  Pero nu’ng mag-cut na si Direk, ‘yung buhok ko sa likod halos tumayo. It was very liberating, nasa bridge pa kami. Ang ingay, ang daming tao. Finally puwede ko nang sabihing yes, nagawa ko siya,” kuwento ng magaling na actor.

Na feel mo ba sa isang babae ang naramdaman mo kay Luis (Mark) ? “Not really, kasi ang nakaramdaman naman nu’n ‘yung character si Noel. Lahat naman kasi ng halik magkakaiba, nu’ng mahalikan ko ‘yung isang tao  iba ‘yun, kung paano ko nahalikan ‘yung iba tao, ‘yun magkakaiba, ”aniya.

TOMORROW NIGHT, SEPTEMBER 4, Friday, gaganapin  ang 1st MTRCB TV Awards Night ( Movie and Television Review and Classification Board) sa Gateway Cinema 5, Araneta Center, Cubao Quezon City. Naiibang presentation ang magaganap sa gabi ng parangal na dadaluhan ng mga sikat na TV and movie celebrities. Inaasahan ang pagdalo nina Ms. Charo Santos (ABS-CBN) and Ms. Wilma Galvante (GMA-7) and Wilson Tieng (Solar Films).

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “John Lloyd Cruz at Luis Manzano, bagay maging bading – Eddie Littlefield

Leave a Reply

Your email address will not be published.